PFEO Chapter 6 ♡♡

6 0 0
                                    

Kath's POV

*Kring *Kring

Bwiset na tunog yun ah! Nagtakip ako ng tenga gamit ang unan pero waepek! Bumagon ako at tinignan kung ano yung tumutunog. Psh. Alarm clock ko lang pala. Pinatay ko ito at tinignan ang oras. Wait what?!

"Late na ako!" Bigla kong sigaw. My gahd! Kaya mong mag-prepare in just 30 minutes Kath!

Dali dali kong kinuha yung towel ko at naligo. Mabilis na akong nag bihis. Grabe parang ako si Flash ngayon!

"Naku Chandy late ka nanaman! Wala pa yung driver dahil may sakit. Magco commute ka muna! Naku ewan ko lang kung anong mangyayari sayo. Eto na sandwich mo. Kain ka na lang sa daan!" My gahd! Wala pa yung driver ko! Paano yan! Kinuha ko yung sandwich at nag beso kay mama.

Nagmadali akong lumabas ng may nakatigil na sasakyan sa tapat. Hmm pamilyar sa akin to.

"Good morning Kath!" Ahh sabi na nga ba eh. Kay mr. Monster lang naman eto este Daniel pala.

"Bat ka nandito?" Pagtataray kong sinagot.

"Aba ihahatid kita sa school! Bilisan mo mala late na tayo!" Ay oo nga pala!

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Naks gentleman! Habang nasa biyahe kumain muna ako ng sandwich dahil sobrang gutom na talaga ako.

Nakarating na kami sa school. Buti nga hindi kami late eh! Yes!

"Uy thanks ulit Dan ha!" Sabi ko habang pababa ng sasakyan.

"No probs. By the way, Dan na pala name ko ha!" Hahahaha! Nahalata niya yun? Eh ang cute kaya ng Dan. Hahahahaha!

"Cute kaya. Ayaw mo nun?" Sabi ko

"Eh! Cute ba ako? Gwapo kaya ako! Ay hinde! Cute at gwa--Aray!" Binatukan ko ang unggoy.

"Gwapo ka? Cute ka? Sino nag sabi? Nanay mo?"

"Pati tatay ko!" Hahahahaha! Natawa ako dun!

"Hahahahahahaha! Infairnes natawa ako dun!"

"Inlove ka na niyan sa akin?"

"Kapal mo!" Sabi ko at inunahan ko siyang mag lakad papuntang classroom. Pupunta na sana ako ng classroom kaso bigla niyang hinila yung braso ko kaya napalapit ako sa kanya.

"Ako inlove na ako sayo kahit anong gawin mo eh. Lakas ng tama mo sa akin" bulong niya. Wait what?! Nanatili akong nakatayo doon at biglang uminit yung pisnge ko. Bigla na lang siyang nag-smirk at iniwan niya ako dun.

Nung naka recover na ako tsaka ako pumasok ng classroom

------------------------------

"Uy Kath okay ka lang?" Tanong sa akin ni Juls. Paano ba naman nakatulala ako. Wala akong naiintindihan sa lesson namin ngayon. Medyo lutang ako dahil sa sinabi no Dan. Di pa rin mag-sink in sa utak ko.

"A-ah okay lang!" Sabi ko at nag thumbs up ako sa kanya.

Tumango na lang siya at nag smile.

"Okay class dismiss!" Ayan lang naintindihan ko kay sir.

Naglabasan na ang mga kaklase ko. Pero eto ako nakatulala pa rin

"Uy bes! Di ka ba tatayo diyan? Lunch na uy!" Bigla akong natauhan sa sinabi ni Juls.

Tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

"Tara na bes!" Sabi ko at lumabas kami.

"Tara! Sabay na tayong mag lunch guys!" Sabi ni Lester.

Pumunta kaming canteen at nag order.

As usual magkatabi kami ni Dan. Kaso di ako maka imik. Halos ang tahimik ko.

"Ayos ka lang Kath?" Tanong ni Seth.

"Ah oo naman!" Sabi ko

"Kanina ka pa tahimik diyan. Kwento ka naman!" Sabi ni Kats

"Wala akong ma kwento eh" sabi ko at kumain na lang

Patuloy pa rin sila sa pag kwentuhan. Hanggang sa natapos na ang lunch ay di pa rin ako umiimik. Lutang na lutang ako

"Bes seryoso ka na okay ka lang? Kanina ka pa tahimik" Tanong ni Juls

"Oo nga! Kulit nito!" Ayun na lang nasabi ko at pumasok na kami sa next subject namin.

Katulad kanina wala akong naintindihan. Ni isang word ng teacher ay di nagsi sink in sa utak ko. Lutang na lutang ako.

"Okay class. See you next Monday!" Ayun lang naintindihan ko. Magre review na nga lang ako sa bahay! Nakakainis!

Lumabas na ako at pumuntang waiting shed. Tinext ko si manong kung masusundo niya ako kaso hindi. Ano ba yan! Naghintay ako ng jeep ng nagpasya muna akong pumunta sa isang ice cream house. Since Friday naman ngayon at wala naman akong masyadong gagawin ay pumunta na ako dun.

Pagkapasok ko ay nag order lang ako ng strawberry cheesecake ice cream at isang chocolate chips. Kumuha ako ng upuan at sumubo ng ice cream ko. My gahd! Heaven! Habang kumakain ako ay may biglang nag salita.

"Mind if I sit?" Inangat ko ang ulo ko. At yep! Alam niyon na kung sino. Si Daniel. Great!

Hindi ako sumagot at basta basta na lang siya umupo

"Alam mo Kath wag mo masyadong damahin yung binulong ko sayo kanina. Joke time lang yun!" Sabi niya. Napataas na lang ako ng kilay at umalis sa upuan. Lumabas na ako bitbit pa rin ang ice cream ko. Papara na sana ako ng jeep ng hinila niya braso ko.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang inaalis yung kamay niya sa braso ko.

"Ano ba problema mo Kath? Bakit kanina ayaw mong mamansin? Ayaw mong magsalita?" Sabi niya. Ahh talagang tinanong niya pa sa akin?

"Gusto mong malaman? Pwes ayoko!" Tumakbo ako palayo at pumara ng taxi.

"Kuya paki bilisan po! Citylights village!" Sabi ko at umandar naman bigla ang taxi. Tumingin ako sa likod. Buti at walang naka sunod na unggoy.

Naka uwi na ako at dire diretso sa kwarto. Humiga ako at bumuntong hininga. Sabi na nga ba nakakasakit umasa. Pare parehas lang lalaki sa mundo! Nakakasakit aa ulo! Hay nako!

========================================
COMVO PLEASE!

XOXO,
Wintergirl101 ♡♡

Perfect For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon