PFEO Chapter 10 ♡♡

2 0 0
                                    

Daniel's POV

Ano daw sabi ni Kath? Paasa ako? Malapit na niya akong mahalin? Parang gustong mag diwang na puso ko, pero hindi pwede kasi galit sa akin si Kath. Ayan kasi DJ! Kung ano kasi iniisip mo eh! Tama si Kath! Pinaasa ko. Pero di ko naman sinasadya. Totoo na lagi ko siyang iniisip. Takot lang ako umamin dahil baka di niya ako pansinin kaya sinabi kong joke. Pero nung sinabi kong joke eh mas naging malala eh! Kasi naman daniel eh!

Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Wala akong pake kung nababasa ako ng ulan. Di ko pa rin talaga ma refresh sa utak ang nangyari.

Nang tumila na ang ulan eh umuwi na ako. Alangan pang pumasok eh basang basa na ako. Pagka bukas ko ng pinto nagulat si mommy.

"Oh nak bat ka basang basa? Nako Danilo! Di ka na bata para maligo sa ulan! Jusko na--" I cut her off.

"Ma akyat lang ako." Sabi ko at umakyat sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at nag quick shower. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama. May biglang kumatok

"Pasok" sabi ko at nakita ko si mama.

"Alam ko may problema ka. Ano yun? Bawal maglihim sa akin" Sabi ni mama

"Wala po" sabi ko

"Anong wala? Ramdam ko may problema ka. Anak kita kaya alam ko yan." Psh maglilihim pa ba ako dito?

"Eh kasi ma may babae, sinabi ko sa kanya na lagi ko siyang iniisip. Then di ko alam na umasa pala siya dun. Eh sinabi ko joke lang yun. Edi ayun galit sa akin. Wag ko daw siyang pansinin,paasa daw ako at kung anu ano pa." Sabi ko

"Eh ikaw pala may kasalanan eh! Akala ko ba di ka playboy? Eh bat ganyan inaakto mo! Masama mag paasa sa babae! Kasi kaming mga babae madaling mag assume."

"Eh di ko naman alam eh" sabi ko

"Pero Danilo, mahal mo ba o crush yung babae?"sabi ni mama

"Di ko alam" sabi ko at bigla akong binatukan!

"Anong di ko alam! Oo o hindi!" Sabi niya

"Aray naman ma! Oo na! Mahal ko. Okay?" Sabi ko habang minamaseha ang ulo

"Good! Binata ka na! Pakilala mo sa akin yan pag bati na kayo!" Sabi niya.

"Paano kami magbabati eh feeling ko di na niya ako papansinin"sabi ko

"Eh kaming mga babae mahilig sa surprise surprise! Kaya dapat i surprise mo siya." Bigla akong napa isip dun.

"Sige ma thanks! You're the best!" Sabi ko

"Sige anak pahinga ka na!" Sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Isip ako ng isip ng idea kung paano ko siya sosorpresahin.

Bigyan ng roses? Eh! Surprise ba yun Daniel? Mag isip ka nga!

Uhm, kantahan habang nagkaklase? Baliw Daniel! Ma office pa kayo! Isip isip nga!

Pakainin ng ice cream na nilagyan ko ng singsing na may nakasabit na note na sorry? Mabilaukan yung tao Daniel!

Ahh! Wala akong maisip! Gusto kong magwala! Paano ko malalaman yung gusto ni Kath sa isang surprise? Ano ba yan. Wait, si Julia! Bestfriend niya yun! Ayun! Bukas ko siya tatanungin!

Dali dali akong humiga sa kama at ipinilit matulog. Pero sa tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang mukha ni Kath! Ahh! Pinilit ko pa rin matulog pero walang epek!

~the next day~

Medyo puyat ako ngayon. Pero nagtiyaga pa akong pumasok. Excited na akong tanungin si Julia.

"Oh bregs! Bat wala ka kahpon?" Sabi ni Kats

"Ah wala. Umuwi na ako agad. Wag nyo na tanungin kung bakit" sabi ko

"Ahh" sabay sabay nilang sinabi

"Mga brega tulungan niyo ako kay Kath!" Sabi ko

"Sabi na nga ba eh! Magpapaturo kang manligaw! Natamaan ka kay Miss Ganda!" Sabi ni Lester.

"Baliw! Nag away kasi kami e--"

"LQ agad?" Sabay sabay nilang sinabi

"Baliw! Basta tulungan niyo akong i surprise siya!" Sabi ko

"Sige in kami. Diba guys!" Sabi ni seth. At nagtanguan sila.

"Sige thanks mga bregs!" Sabi ko at biglang dumating ang prof namin.

=LUNCH TIME=

Dali dali kong tinawag si Julia.

"Julia!" Bigla siyang lumingon

"Oh Daniel bakit?" Sabi niya.

"Papatulong kasi ako eh" sabi ko

"Saan?" Nagtataka niyang tanong

"Kay Kath sana" sabi ko

"Naks manliligaw ka? Nako mahirap yan! Di yun naniniwala sa love"sabi niya

Bakit ba akala nila nililigawan ko si Kath?

"Ay hinde! Nag away kasi kami. Gusto ko siyang i surprise eh!" Sabi ko

"Ahh ganun ba? Sige pag usapan natin yan sa coffee shop mamayang uwian ah!" Sabi niya

"Sige sama ko P5 ah!"

"Sige. Daniel! Sama nga pala si Kath sa lunch." Wait? Sasama siya? Akala ko ba magka away kami?

"Sige kita na lang tayo sa canteen" sabi ko

Pumunta na ako ng canteen at umupo sa usual spot namin.

"Oh bregs may paparating" sabi ni JC

Napatingin ako at nakita ko si Kath at Julia. Hindi ako pinapansin ni Kath. Ni tingin wala. Nagulat ako ng tumabi siya kay JC. Halos napatingin sila pwera kay Kath sa akin. Di ko na lang pinansin at patuloy na lang kumain.

Tapos na ang lunchtime ay walang nangyari. Di man lang tumingin sa akin! Grabe naman.

Wala akong naintindihan sa diniscuss ng prof namin. Uwian na at sinabi ko sa P5 na pumunta sa coffee shop at hintayin si Julia.

Nakapunta na kami sa coffee shop at mag order kami ng cheesecake at frappe. Ilang sandali ay nakarating na yung inorder namin.

"So ano ba pinag awayan niyo?" Tanong ni Juls

So ayun kinuwento ko na.

"Naku bregs malalim yan. Tsk tsk" sabi ni Seth

"Oo na" sabi ko ay kumain ng cheesecake.

"Grabe Daniel! Feeling ko inlove na si Kath. Kasi di yun naga assume eh!" Sabi niya. Tumango na lang ako.

"Ah guys alam ko na yung surprise!" Sabi ni Julia at nagtipon tipon kami.

--------------------------------------------------
COMVO GUYS!

XOXO,
Wintergirl101 ♡♡

Perfect For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon