Riley's POV
"Riley, Pumunta ka na sa kotse tanghali na!"
Sabi ni mommy na parang tatakbo yung lilipatan naming bahay.
"Oo na, ito na"
Kinuha ko na mga gamit ko at tumakbo na muntikan na madapa, papunta sa loob ng kotse. Pag sakay ko ng kotse feeling ko gusto tumalon ng puso ko.
"Okay ka na? Tignan mo mga gamit mo, reyna ka panaman ng mga makakalimutin"
Suuusssss, parang ikaw hindi maderrr.
"Okay na ako, taraaa naaaaa"
Two hours ang biyahe papunta sa lilipatan naming bahay pag pasok namin sa village, juice colored! pang mga sosyaleeeen.
Pag baba ko sa kotse, kinuha ko agad ang mga gamit ko at dali-daling pumasok sa bahay papunta sa bagong kuwarto ko, pagpasok ko sa kuwarto ko, agad akong nag ayos ng mga gamit ko.
Pero seriously I hate fixing my clothes, kaya nahiga muna ako sa kama ko at pumikit ng saglit. Nang biglang may gumising sa kaluluwa ko.
Nag luluto na si mader ng lunch, agad-agad akong bumangon sa kama ko at bumaba ako ng parang hinahabol ako ng isang milyong kabayo. Nung nakarating na ako sa kusina.
"Oy anak, dahan dahan ka naman alam mo namang reyna ka ng katangahan"
Si maderrrr mahilig talaga sa mga reyna.
"Grabe ka naman mama! Medyo lang"
Nung paupo na ako sa upuan, bigla akong nahulog at napa-upo sa sahig!
"Yan, medyo lang pala ha. Hahaha!"
Anggg sama hindi ako tinutulungan. Hahahaha tumayo nalang ako mag isa at nag tawanan lang kami, nung paupo na ako hinawakan ko na yung upuan, baka kase mahulog nanaman ako, why so tatanga-tanga?
At finally naka-landing ang pwet ko ng maayos sa upuan. Hahaha, nung nilagay na ni mader yung pagkain namin sa lamesa, may bigla akong naisip.
"MAMA! two weeks nalang pala birthday ko naaaaa"
Oo na, ako na talaga reyna ng mga makakalimutin at ng mga tanga. Biruin mo birthday ko nakakalimutan ko. Haha
"Jusko naman! Nakakagulat toh, anong gusto mo gawin natin, shopping tayo?"
"Mader, enebe? Alam mo namang ayokong ayoko non"
Yaaasss, I hate shopping, napanood niyo na ba yung episode ng Mr. Bean na nag punta siya sa Department store ng mga babae? ganon mangyayari sakin pag nag shopping ako. Hahaha
"Eh napansin ko lang kase na wala ka nang ibang damit iyan at iyan nalang lagi mong sinusuot. Bumili ka naman ng bago, like dresses at shoes"
"Maderrrr alam mo namang ayokong ayoko mag dress at hinding hindi ako mag susuot non FOREVER"
"Suusss oy anak, tomboy ka ba? Sabihin mo lang hanggat maaga pa"
"Hindi ma, ayoko lang talaga"
Umakyat na ako sa kuwarto ko at may narinig akong ingay na as in parang baliw na naka-wala sa mental hospital, at nang gagaling sa labas ng bintana ko pa! Nung tinignan ko.
What theeeee, nanlaki yung mata ko at yung puso ko parang sasabog, yung tipong one hundred times per second yung tibok, nakakita ako ng lalaki na walang shirt at boxer shorts lang ang suot niya! At kumakanta siya na parang siya lang yung tao sa village na to.
Hindi ko na siya natiis.
"Oy! Oy! Pwede bang tumahimik ka kahit saglit lang. Please lang?"
Ayyyyyy. Jusko hindi ako maka-tingin ng deretsyo sakaniya. Tinignan niya ako at nginitian niya ako na parang ang inosente niya.
BINABASA MO ANG
Amnesia
Teen Fiction♥PROLOGUE ♥ FRIENDSHIP means understanding, not agreement. It means forgiveness, not forgetting. It means the memories last, even if the contact is lost. Maraming taong nag sasabi na walang FOREVER, pero tama naman sila wala talagang bagay na tumata...