Terence's POVHindi ko manlang natanong pangalan niya.
Grabe talaga nung nakita ko siyang nag-bibihis. Hahahaha pero hindi ako maniac, I respect girls.
Hahahaha feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko pag nakikita ko siya, mag stastalker mode nalang ako bukas.
"Ma, may gagawin ba tayo ngayon?"
"Wala naman, bakit?"
"Pwede ako lumabas? Mag bibike lang"
"Sige sige, mag-ingat ka lang ha"
Yeeessss. Matutupad na plans ko!
Lumabas na ako, pero dahan dahan lang kase baka lumabas si Ms. OT at makita ako, baka hindi na tumuloy.
Yan! Lumabas siya dahan dahan ko siyang sinusundan at hindi talaga ako nag-iingay, shit.
Ang bango niyaaaaa, bigla ko siyang kiniliti ng malakas.
"Ayyy pfffttt... Ikaw nanaman?! Ano bang problema mo sakin?"
Ang cute cute niya talaga magalit, Hahahaha.
"Wala, gusto ko lang na maging friends tayo"
"Tayo? Friends? Baka, manigas ka jan"
I love it when girls play hard to get, or baka naman talagang ayaw niya sakin, Hahaha ang cute cute niya.
Hindi niya alam na kukulitin ko siya lalo.
"Uyyyy, wag naman ganyan. Mabait ako noh, ano bang pangalan mo?"
Ngumiti siya sakin. Ang cute niya talagaaaaa.
"Riley Ciara Rodriguez, 15 years old, June 12"
Haaaa? Ano daw pangalan niya? Nakakatomboy.
"Bakit parang pang-lalake ata panglan mo, no offense ha"
"Oo na, pang isang daan ka nang nag sasabi niyan, wala akong magagawa"
"Tatawagin nalang kitang Ms. OT"
Parang close na close na kami.
"Ahhhh, masyado din mahaba pangalan mo e. Rence nalang tatawag ko sayo, by the way, saan dito yung park?"
Bagong lipat nga naman kase.
"Ayyy, bagong lipat nga pala kayo noh? Ge tara sasamahan kita mag babasketball din naman ako dun e"
Sinamahan ko na siya, nung naka-rating na kami sa park, umupo lang siya sa bench.
Ang tahi-tahimik niya.
"Ms. OT baka mapanis laway mo jan, marunong ka mag basketball?"
Hinampas niya ako, at tumayo siya.
"Oo naman! Laro tayo?"
Kala ko patay na bata to, tomboy pala. Hahahaha, nung tinuturuan ko siya kung paano mag shoot, inagaw niya sakin yung bola bigla.
"Susss, wag mo na ako turuan ng mga ganyan"
Sabay hinagis niya ang bola sa ring, at shoot! Nakaka-inlove ano bayan.
Hindi naman kase madalas na magkaroon ng mga babaeng ganyan. Napa nga nga ako.
"Oy Rence! Baka pasukan ng langaw yang bunganga mo"
"Ahhhh, hindi nagulat lang kasi ako sayo, kala ko lalampa-lampa ka jan, tapos biglang wooow"
"Varsity player kase ako ng basketball sa dati kong school"
"Ahhhhh may dyosa palang varsity player ng basketball"
BINABASA MO ANG
Amnesia
Novela Juvenil♥PROLOGUE ♥ FRIENDSHIP means understanding, not agreement. It means forgiveness, not forgetting. It means the memories last, even if the contact is lost. Maraming taong nag sasabi na walang FOREVER, pero tama naman sila wala talagang bagay na tumata...