Terence's POV
Lagi niya nalang sinasabi na Concern ako sakaniya, e it's my job to be concern.
Pag ka hatid niya sakin sa bahay namin, pumasok na ako sa bahay, at tumulala lang saglit ng biglang.
"Anak, saan ka nanggaling? Gabi na ah"
"Ahhh.. Ma sa kapit bahay lang po"
"Gusto ko siya makilala, yung bagong best friend mo. Nililigawan mo ba siya?"
"Hindi ko po siya nililigawan ma, best friends lang kami at hanggang dun lang yon"
"Sige sige, kumain ka na ba?"
"Opo ma"
Tumaas na ako sa kuwarto ko at nag isip.
"Ilang araw nalang birthday niya na, kailangan ko malaman ang buong story ng buhay niya para malaman ko ang gusto niya"
Pagkatapos ng mahabang pag iisip, natulog na ako.
Pagkagising ko, kumain at naligo na ako, pagkatapos ng lahat ng pag papa-pogi. Hahaha dumeretsyo na ako sa bahay nila.
"Taoooo pooooooo"
Si tita ang nag bukas, napalunok ako.
"Hi tita naka-alis na po ba si Riley?
"Hindi pa, bakit?"
"Ahhh..mmm.. Sabay nalang po kasi sana kami papuntang school"
"Ahhhhh..sige sige"
Pag baba ni Ms. OT humalik muna siya sa mama niya bago umalis, awwwwww. Hahaha
"Dude, tara sabay na tayo"
Inakbayan niya ako, ang tomboy hahahaha.
Sumakay na kami ng tricycle papuntang school, pag dating sa school nag titinginan lahat ng tao samin.
"Dude! Hindi ko nakopya kahapon yung sa Science!"
Ginulo ko buhok niya at kinukulit ko siya hanggat ibigay niya sakin.
"Oh, ito na"
Inabot niya sakin yung science notebook niya, at pag buklat ko may nakasulat sa likod! Inagaw niya sakin bigla
"Oyyy dudeee akin na nga yan!"
Binasa ko ng malakas, habang inaagaw niya sakin.
"Ehem..ehem.. Terence Luke De Guzman, Campus heartthrob, my best friend, my savior, my life"
Habang inaagaw niya, nilagay ko sa likod ko, at shiittt nung inagaw niya sakin.
Her arms wrapped around me. ♥
Nagka- eye to eye kami. Shit, ang ganda niya, napatigil siya sa pag agaw.
"Naman kase, dude, akin na"
Hinarap ko siya sakin.
"Dude, real talk nga tayo, totoo ba yun?"
"Ahhh..Hindi ah wala lang ako masulat"
Ginulo ko nalang buhok niya at pumunta na kami sa class room.
Pag dating namin dun, wala pa si Ms. Zamora, biglang binato si Riley ng mga paper balls, halos lahat ng classmates namin na girls pinag iinitan siya dahil sakin.
May bumato sakaniya ng libro, kaya napa-upo siya sa sahig. Naaawa ako sa best friend ko.
Ginaganon siya dahil sakin. Umiiyak na siya.
"ANO BA?! Wag niyo nga siya ganyanin, wala kayong pakielam sa feelings niya! Mga inggitera"
Tumahimik ang buong class at binalikan ko siya, umupo din ako sa sahig at pinunasan ko ang mga luha niya.
"Riley, tahan na, nandito lang ako"
Tinignan niya ako. Naaawa talaga ako sakaniya.
"Bakit mo ginawa yun? Mga babae sila, dapat hindi mo sila pinapatulan"
Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi, hindi parin siya tumitigil sa pag iyak.
"Lahat aawayin ko, babae man o lalaki basta wag ka lang nila sasaktan"
Naiyak siya lalo, ewan ko ba kung tears of joy ba to? Hahaha niyakap niya ako.
Dumating na si Ms. Zamora
"What is going on in here?! Bakit ang daming papel dito sa harapan?!"
Lahat ng classmates ko ay tinuro si Zoella, Zoella Jane Sanchez.
"Siya po, si Zoella po ang nag sabi na batuhin po namin si Riley"
"Ms. Sanchez, and Ms. Rodriguez, please proceed to the office"
Iniwanan na ako ni Riley at umalis na sila ni Zoella kasama si Ms. Zamora papuntang office.
BINABASA MO ANG
Amnesia
Teen Fiction♥PROLOGUE ♥ FRIENDSHIP means understanding, not agreement. It means forgiveness, not forgetting. It means the memories last, even if the contact is lost. Maraming taong nag sasabi na walang FOREVER, pero tama naman sila wala talagang bagay na tumata...