----- CHAPTER 5 -----

23 1 0
                                    

Riley's POV

Pag dating namin sa office, pinaupo kami ni Ms. Zamora.

"So, Ms. Sanchez and Ms. Rodriguez, meron ba kayong hindi pagkakaintindihan?"

Yung mukha ni Zoella nag iba parang nagpapa-awa lang.

"Wala po Ms. Zamora, may kagalit lang po napag initan ko lang po si Riley"

Hindi ako nag sasalita, I only have two words and ten letters for her.

→ LYING BITCH ←

"Ikaw Riley may hindi ba kayo pag kakaintindihan ni Zoella?"

"Wala naman po"

"Sorry Riley I wish we could be friends"

Tinaas niya yung right hand niya at gusto niyang makipag shake hands sakin, edi nakipag-shake hands din ako.

Pinalabas na kami sa office, nag hihintay pala si Rence dun!

Tumayo agad siya.

"Ano dude? Ano nangyari, okay ka na? Okay na kayo?"

"Oo okay ako, okay na kami"

Lumapit sakin si Zoella, at hinawakan niya yung kamay ko.

"Can we be friends?"

Ewan ko ba kung nag sisinungaling to, basta gusto ko nalang na tumahimik ang mundo ko dito sa school.

"Yes, we can be friends"

Yayakapin sana ako ni Zoella, nang bigla siyang hinarang ni Rence.

"Ummm..Zoella mag uusap lang kami ni Riley okay?"

Umalis na si Zoella, at hinatak ako ni Rence papuntang garden.

"Riley, wag ka ngang magpakatanga!"

"Bakit ba?! Nakikipag kaibigan lang naman ako, anong problema mo?"

"I'm just protecting you, lolokohin ka lang niya, kase may gusto siyang agawin sayo, pero hindi ko alam kung ano yun. Ngayon kung ayaw mo makinig sakin, deal with her bitchiness"

Naluha ako, at nag walk out nalang sa harapan ni Rence, hindi ko siya maintindihan, nakikipag kaibigan lang naman ako.

Umuwi nalang ako mag isa pag dating ko sa bahay namin.

"Oh? Anak? Hindi mo kasama si Terence?"

"Wala ma, may hindi lang kami pag kakaintindihan"

Pumunta ako sa kusina at umupo. Nag lagay si mama ng pagkain, kaya kumain narin ako.

"Anak, bukas wala kang pasok diba? Aalis ako pupunta akong Aklan, may kailangan lang asikasuhin"

"Ma? Edi wala kayo sa birthday ko?"

"Makakarating na rin ako sa araw ng birthday mo anak"

Pagkatapos ng mahabang usapan, umakyat na ako sa kuwarto ko at natulog.

Pagkagising ko wala na si mama. Pero iba pakiramdam ko feeling ko may lagnat ako. Kaya nahiga muna ako sa kama.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon