Terence's POV
Ayaw ko nag magkagalit kami ng best friend ko, nireregret ko na napagsalitaan ko siya ng ganon.
Ilang araw panaman birthday niya na, so I decided na mag sorry na sakaniya.
Pumunta ako sa bahay nila, pag katok ko walang bumubukas ng pinto.
Kinakabahan na ako, biglang bumukas yung pinto, kaya pumasok na ako sa loob.
Pagpasok ko bigla akong may narinig na parang nag susuka.
Kaya agad-agad akong umakyat sa kuwarto ni Riley, pagdating ko dun naabutan ko siya sa cr, siya pala yung nag susuka.
"Dude, dude! Okay ka lang?! Anong nangyari sayo?"
Tumingin siya sakin at niyakap ako.
"Bati na ba tayo?"
Ang init niya, kawawa naman best friend ko.
"Oo naman, nasan na si tita?"
"Umalis siya pumunta siyang Aklan, may aasikasuhin lang daw"
"Eh dude, ang taas ng lagnat mo ah! Bakit hindi mo ko tinetext?"
"Kala ko kase hindi mo ko mapapatawad sa ginawa ko kahapon"
Inalalayan ko siya papuntang kama niya.
"Sige sige, mahiga ka muna jan, pagluluto kita siguradong gutom ka na"
Pagkatapos ko siya ipagluto, umakyat na ulit ako sa kuwarto niya.
Umupo ako sa tabi niya at pinaupo ko din siya sa tabi ko.
Sinusubuan ko siya, ang cute cute niyaaaaa. Pagkatapos niya kumain, pumunta ako sa cr niya at nag hanap ng first-aid kit.
"Oh dude titignan natin temperature mo"
Habang nag hihintay ako ng temperature niya, nag hanap muna ako ng gamot para sa lagnat.
Nung nakahanap na ako, bumaba ako para kumuha ng tubig.
"Dude, inom ka na ng gamot, uh? Dude saan dito lalagyan ng damit mo?"
Tinuro niya, at kumuha ako ng maliit na bimpo, at binasa ko.
Pinagpahinga ko muna siya at nilagay ko sa ulo niya yung bimpo.
Habang natutulog siya, ang sarap niyang titigan, para siyang batang ang himbing ng tulog.
Two hours of sleep, binabantayan ko parin siya, hindi ko siya maiwan.
Nakapatong yung kamay ko malapit sa ulo niya, nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko.
Gising na pala siya.
"Dude kailangan mo ba gawin to para sakin?"
Nagtanong siya.
"Oo naman dude best friend kita e, ayaw kong nakikita kang nahihirapan"
Nginitian niya ako, sabay tinignan ko na yung temperature niya 37° na.
"Dude! Ano napapakiramdaman mo?"
"Okay lang"
Pero kahit magaling na siya hindi ko parin siya maiwan. Kaya tinext ko nalang muna mama ko.
[ Mama, andito ako kila Riley ha? May sakit kase siya, hindi ko maiwan, wala kase mama niya ]
6:00 na ng gabi, ang himbing ng tulog niya, bumaba muna ako at nag luto ng kakainin namin.
Pagakyat ko sa kuwarto niya, gising na siya.
"Oh dude, kain muna tayo"
Habang kumakain kami, tinititigan niya ako.
"Ahhh..mmm.. Dude? May problema ba?"
"Wala naman, wala pa kase akong kaibigan na gumawa sakin ng mga ganto e"
"Dude can you please kuwento mo sakin buong buhay mo para kilalang kilala naman kita"
"Pinanganak ako sa Aklan, yung father ko taga dun then yung mother ko taga dito sa Manila, yung family ng daddy ko yung mayaman, then yung family ng mother ko may kaya lang. Their love story started when they are 24 years old, I have a big brother named Richard Cassie, but can you keep a secret?"
"Yes, what's that?"
"Life is unfair to me, since I was a kid lagi nalang si kuya Cassie ang magaling, matalino, lagi nalang siya yung favorite ni mama at papa. For example nung 5 years old ako so si kuya 8 years old, may shoes ako nun sobrang sira na, syempre mag sasabi ako kila mama, "Ma sira na shoes ko" sasabihin nila okay pa daw yun, pero kahit maayos naman sapatos ni kuya, binibili nila"
Naluluha siya habang nag kukuwento, kaya pinunasan ko yung mga luha niya.
"Tahan na, baka mabinat ka"
"Kaya nag aral ako ng mabuti, yan nga na accelerate ako to 4th year ikaw rin na accelerate right? Tapos lahat na ng school activities, school camps, sinalihan ko na para mapansin naman nila ako"
"Dude tulog na ka, mag pahinga ka na, I'm sorry kung pinag kuwento pa kita ng whole life mo"
"Okay lang, wala yun"
Natulog na siya, niligpit ko na lahat ng pinagkainan namin.
Pagakyat ko sa kuwarto niya, nakaramdam narin ako ng pagod, kaya kumuha ako ng upuan at tinabi ko sa kama niya. Naupo ako dun at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
Amnesia
Fiksi Remaja♥PROLOGUE ♥ FRIENDSHIP means understanding, not agreement. It means forgiveness, not forgetting. It means the memories last, even if the contact is lost. Maraming taong nag sasabi na walang FOREVER, pero tama naman sila wala talagang bagay na tumata...