4

231 9 1
                                    

-Justin's Point of View-

Akala ko biro niya lang talaga yun.

"....At anong soon to be Mrs. Santiago???! Letse neknek mo!"

Sino ba namang matinong babae kasi ang aamin sayo na crush ka niya.? Akala ko talaga kanina biro niya lang yung inamin niyang crush niya ako, letse daw eh, neknek pa. Kaya nag-conclude agad ako, joke lang pala, si Xandrex nga talaga. Hanggang sa tinawag niya ako, sumigw siya, hinabol pala niya ako nung umalis na kami. Napangiti nalang ako? Ganon ba talaga kalakas ang tama ng babaeng ito sa akin?

"Bakit?" madyo nilakasan ko yung boses ko dahil may kalayuan din ang distansya namin. Bumilis yung tibok nang puso ko. Hinabol niya kami... Ibig sabihin.. totoo nga.

"Whow! Bro, hinabol niya tayo oh, " ngisi ni Leo sa akin, which is very obvious, itinaas niya yung isa niya kamay tapos medyo nakayuko niya at halatang hingal na hingal, kasunod sa kaniya ay si Kishara tumatakbo din. Haish! Itong mga ito oh.

"Alam ko."

"Ano bang pakulo mo ha? at sinukuan mo na agad?!" sigaw uli niya.Napangiti nalang ako. Baliw, halatang halos di na makapagsalita sa sobrang pagod, nagawa pa niyang sumigaw.

At sino bang may sabing sumusuko na ako? Sa lahat ng babaeng nakilala ko, kakaiba siya. Isipin niyo, sa aming dalawa siya ang unang umamin na crush niya ako. At ngayon hinabol na naman ako. Not a typical girl they call but she's cool.

"Bro, dating plano/" lumingon ako kanila Leo, Hariz, at Ken hanbang kinukutingting ang hawak kong gitara. Kakantahan ko sana siya kanina, pero mukahang dito yata matutuloy ang naudlot kong panliligaw.

"Justin, di natin kasama si Kishara, paano yung chocolate at card?" haist! oo pala! Meron pa kasing chocolate at card na nandoon sa hawak ni Leo na paper bag. Meron pang bouquet ng red, white at pink roses, kaya may kalakihan yung bag.

Napalingon ako sa paligid. Lagot mas madaming tao dito kesa sa silong ng mangga sa dulo bleachers kanina. Kaso nandito na eh, aatras pa ba? "Manghila nalang kayo ng kilala niyo jan."

Muli akong tumingin kay ChrisMarie at Kisha, mukhang nagtatalo sila. Nag Face palm si Kisha. "Justin ok na!" sabi ni Hariz. Kaya mahal ko tong mga kaibigan kong toh, maasahan pag kailangan. Ok na, siguro tama ngang wakasan ko narin ang dalawang taon kong katorpehan. haist, nakakabakla! oo na nga lang.

"Kishara!! Alam mo na!" bulyaw ko. Stcick to the plan, tulad ng usapan kanina, tatakpan niya nang panyo yung mata ni Marie kaya nasa likuran ako ng mangga kanina.

"OO!" sagot naman niya at biglang tinakpan ang mata ni Marie gamit ang panyo. Mukhang nagtatalo pa sila sa paglagay niya ng panyo. Maya pa hinila na niya si Marie kaso hindi ito naglakad kaya nagkaroon na naman sila ng diskusyon. Ano bang problema nila? Ibinaba ko yung gitarang hawak ko, pinatayo ko ito hawak ang headstock nito, habang pinapanood yung dalawa.

Maya pa nahila na niya si Marie, pero di pa man sila nakakalo ay tumigil na naman sila, umupo na si Marie, ano bang meron. ? Naiinip na ako eh, padami nang padami ang tao, mas lalo akong kinakabahan. Mas lalo ring lumalakas ang kabog ng dibdib ko, sa record ng tanang buhay ko, ngayon ko lang ito ginawa.

"Brad tayo nalang kaya ang lumapit. ?" suggestion ni Ken. May point siya, bakit ko ba kasi hinihintay na makalapit sila. So ungentleman. Tumango nalang ako at naglakad.

Namataan naman kami ni Kisha na papalapit, tumakbo siya palapit at sinalubong kami. Tinawag pa siya ni Chrismarie pero din niya pinansin. " Haist! Nakakaasar siya. Abah ang lakas ng loob niyang umamin sayo at habulin ka, tapos ngayon nahihiya daw siya! hay nakaka! Ikaw na nga bahala sa kaibigan kong baliw.!" napatawa nalang ako sa sinabi ni Kishara. Tama naman kasi yung sinabi niya. Ayun pala yung pinagtatalunan nila? Kaya pala ayaw niyang lumapit.

Crush din kita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon