"crhismarie libre mo nga ako. " sabi ni Xandrex sakin sabay patong ng ulo sa balikat ko.
Nakaupo ako sa pinakadulong upuan sa likuran ng klase, 20 minutes pa naman kasi bago magtime kaya nananahimik nalang muna ako dito. Ang kaso mukhang bubulabugin naman ng damuhong kabute na toh na basta basta nalang sumusulpot sa tabi ko.
"Lagi ka nalang nagpapalibre! ikaw kaya din manlibre ah!" sagot ko kasabay ng paghawak ko sa mukha niya at tinulak.
Tinapat ko ulit yung phone sa mukha ko, nagbabasa ako ng E-book eh, ginugulo na namN ako.
Kung titignan kaming dalawa ng mga taong hindi nakakakilala sa amin ay pagkakamalan kaming magbf/gf. Pero hindi, sadyang ganyan lang kami ni Xandrex.
Ibinaik niya ulit yung ulo niya sa balikat ko habang sumusilip sa cellphone ko. He used to do that to me, nakagawian narin. magkababata kami eh.
"E-book na naman." Bulong niya. Pero di ko siya pinansin.
Maya pa, tinangal niya yung pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko at umayos ng upo.
Sabi ko eh, magsasawa din siya.
"Sige na, hindi pa kaya ako nag lulunch!" pagsusumamo niya ulit, yung hitsura bang nagpapaawa. Palibhasa kuripot kasi siya.
"Ehdi bumili ka ng lunch!"
" Ta wala na akong pera." Maniwala? Wushu! Parang di ko alam na pareho kami ng pocket money everyday na tig-60 lang naman.
"Lagi naman. " oo lagi talaga, lagi niyang linya iyan. Sobra!
"Uy!Marie !"
Bahala ka jan. Namimihasa ka na.
Alam niya rin naman siguro yung 'gentleman' na word diba? Sa panahon ngayon, lalaki dapat ang lagiging nanlilibre sa babae.
"Riecheyn!" sabay siko sa akin.
hindi ko na siya pinapansin. magsasawa din siya.
Binabasa ko kasi yung one shot na gitara. Pero sa hindi ko inaasahang pangyayari.
nagpunta si Xandrex sa harapan ko at ibinaba yung phone na hawak ko at chaka idinikit yung noo niya sa noo ko na wari'y hahalikan niya ako.
"Ano, ililibre mo na ako o hahalikan kita?" sabi niya kasabay ng malaking ngisi sa kanya bibig.
pinaningkitan ko naman siya ng mata. Talagang hindi niya ako titigilan eh! Nakakaasar ang dami pa namang tao sa room namin, ayoko pa naman ng issue.
hahampasin ko sana siya gamit ang isa kong kamay kaso hinawakan niya ulit ito. Hinawakan niya rin ang likod ng ulo ko para hindi ko matanggal ang pagkakadikit ng noo namin..
"Uuuy!! PDA yan!" natauhan na lamang ako nang narinig ko ang nakakarinding tili ng peste kong kaibigan. Lagot ka saken mamaya Kishara
"Uyyyyy!!""
"Aaaayyiiiee"
noise filled the room at ayaw parin akong bitawan ni Xandrex, mas lumaki pa yung ngisi niya. Pesteng lalaking toh! Ilulub-lub ko toh sa kumukulong mantika kahit kaibigan ko toh.
Mula sa Peripheral vision ko, naaninag ko si Justin. My one and only crush since grade 7, makikita ako sa ganitong posisyon? NO WAY!
buti nalang hindi pala nahawakan ni Xandrex yung isa kong kamay kung saan hawak ko yung phone ko.
sinapok ko kaya siya sa ulo..
"Aray!!"
~|•————•|~
BINABASA MO ANG
Crush din kita
Short StoryAlam mo.. Hindi naman masama ang pag-amin sa crush mo na "Crush mo siya.." Ang masama, ay ang hindi mo pag-amin na gusto mo siya at lingid pa sa iyong kaalaman na may gusto rin siya sayo. Saklap diba? Amin na kasi, wag ka nang torpe.