3

242 10 2
                                    

^_^ Trip ko lang po dagdagan, haha. tapos dedicated narin sa bago kong kaibigan. @imbethqui

_____________

Halos dalawang lingo narin ang nakalipas simula noong magkaaminan kami ni Justin, pero parang wala lang nangyari dahil walan nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa.

  Walang Awkwardness na nagaganap, wala. Ewan ko rin bakit nga ba?

  Pero syempre masaya ako nung umamin siya na crush niya rin ako, kaso, seryoso kaya siya noon? Parang wala lang kasi sa kaniya yung nangyari eh.

  Balik tayo sa realidad, kasalukuyan akong nakaupo dito damuhan ng oval sa lilim ng isang mangga, hinihintay ko si Kishara Karisa Climente ang nag-iisa kong ulirang kaibigan. Nagpaalam kasi siyang bibili siya makakain, pumayag naman ako, libre niya daw eh. Pero ang lukaret na babae, halos magsasampung minuto na ang lumilipas wala pa! Eh ang lapit lang naman ng canteen dito.

  Wala kaming klase ngayong hapon  kaya naman kalat-kalat ang mga estudyante dito sa loob ng campus dahil hindi nagpapalabas si manong guard. Kaya napapad ako dito sa oval.

  Haist! Inaantok na nga ako eh. Ang init pa naman dahil mag aalas dos palang. tapos ang tagal pa ng kasama ko.

  "Hay nako! " Hindi ko namamalayang makatulog pala ako sa pagkakasandal ko sa puno ng mangga, naalimpungatan nalang ako sa strumming ng gitara at boses ng mangilangang tao..

  "Hay, nako.... 

May pag-asa ba ako? Sabihin mo,

Sa 'kin kung trip mo rin ako... "

  haysh! Letse naman oh, gising na nga ako, nananaginip parin ako. Ing naririnig ko yung boses ng lokong yun. Ganun ba kasi ako natamaan dun ? Malas naman oh, di naman yata kasi ako sasaluhin nun!

  "Chrismarie Jane Uy soon to be Mrs. Santiago, gising na!" dinig kong sigaw ni Kishara sa harap ko, di man kalakasan pero naasar ako sa huli niyAng sinabi kaya dumilat ako.

  "Peste kang babae ka! Babantan mo ako ng ganyan ngayon?! Samantalang ang tagaltagal kong naghihintay sayo kanina!! Nakatulog na nga ako eh! At anong soon to be Mrs. Santiago???! Letse neknek mo!"

  "Ay neknek pala, letse pala..Sige, Kishara, una na kami. Salamat nalang. "

  Mukhang mas nagising pa yata ako dahil mukhang akong nabuhusan ng tubig na may yelo nung narinig ko yung boses ni Justin sa likuran ko.

  Kaya agad naman akong napalingon sa gawing iyon, at nanlaki ang aking mata nang makitang nandoon nga siya, pinulot na niya yung bang niya.

  "Justin??"

  "Sige una na kami!" ngumiti siya agad naman akong tumingin kanila Hariz na may hawak na placards?,si Ken red rose  at Leo naman balloon na pawang mga kasama niya, nagkibit balikat lang sila saken at sumunod kay Justin, bumalik ang tingin ko kay Kishara na siyang nang-irap saken.

  What the HECK! ANONG IBIG SABIHIN NITO?????

 "Chrismarie Jane Uy soon to be Mrs. Santiago, gising na!" 

  "Peste kang babae ka! Babantan mo ako ng ganyan ngayon?! Samantalang ang tagaltagal kong naghihintay sayo kanina!! Nakatulog na nga ako eh! At anong soon to be Mrs. Santiago???! Letse neknek mo!"

  "Ay neknek pala, letse pala..Sige, Kishara, una na kami. Salamat nalang."


  Unti-uunting nag sink in sa akin yung conversations.." Kars, sabihin mo nga! Anong ibig sabihin nun!?" 

Crush din kita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon