Dedicating this part to MissBlueStrawberry24.
"Baliw kang lalaki ka!!" Bulyaw ni Chrismarie paring tanggalin yung plastic na posas sa kamay niya.
"Oo baliw ako sayo." banat naman nung isa. "Kaya tumigil ka na diyan. Kasi kahit anong gawin mo kesyo plastic pa yan di yan bastabasta masisira.. "
Wala na talagang matinong magawa itong dalawang toh. At heto sila ngayon nag eeskandalo palabas ng school gate.
Pero in fairness Kay Justin, ang effort much ha. Kinikilig ako na naiinis sa kanilang dalawa, Hala ! Ang gulo ko ba? Heheh, basta.
Kung ano rin naman kasing nakain ng Justin na yan at sinadya pang bumili ng plastic na posas sa elemtary school para lang di siya isahan ni ChrisMarie. Yong kanina? Hanggang doon lang talga yung palabas.
Palibhasa mga inlove sila. Si Chrismarie, pakipot pa ang kaibigan ko, eh ang lakas kaya ng loob umamin. Di nalang nila ako gayahin. Kahit ang cute cute ko, study first muna ako.
"Tanggalin mo na kasi!!" At ngayon naman seryoso na si Chrissy.. Pero I know kung gaano ako kinikilig, x10 yung kay bessy.. Kaso, Di papatinag si Justin. Yan pa. Sa dinami dami ng effort at pagod naming kanina? Ngayon pa siya tatalikod?? ASAP akin ko siya non!
"A-Y-O-K-O!"
"Ayaw mo? Sigurado ka?" Paninigurado na naman niya. Ang kulit nila noh? Pero kinikilig ako sa kanilang dalawa. Unsweetened love meron yang dalawang yan eh. Ahihihi.
"Oo. "
"Ayaw pala ha!"
"ARAY!! /Ahhh!!"
"Ahahahaha"
Sinipa niya si Justin at yung isa naman napaupo kaya pati siya nasama. Napatawa nalang kaming anim pa nilang kasama. Ang shunga talaga nitong mga toh!
"Ay mga baliw ." komento ni Ken sa tabi ko.
"Tanga pare!" Pagtama naman ni Hariz. "Diba Kishara?"
"Che! Ewan ko sayo." Sagot ko, Aheeeeeee! Dumami young paru-paro as tyan ko. Kinausap niya ako!! Pero syempre kailangang itago ang kilig.
"Ito naman sang sungit, halikan kita eh."
Sa lips ko pwede. Kung pwede ko lang yang isagot Pero, NO!"Dun ka nga ! Manyak!" Sagot ko at lumipat as tabi ni Leo Maya nagging ganito ang pesto naming apat.
Ako-Leo-Ken-Hariz
Gusto ko siyang katabi kaso baka unahan ko pang himatayin sa kilig ang best friend ko.
"Nakakaasar ka kasi!" Suntok na naman ni ChrisMarie. Mabuti pa panoorin ko nalng ang love birds.
Wala akong balak makisawsaw at umawat sa kanila, manunuod nalang ako, free live comedy romance genre movie. Sayang din ang 150 sa sinehan.
"Aray! Ano ba?? Nakakrami ka na!"
"Tangalin mo na kasi.!"
"Eh ayoko nga!! Bakit ba kasi ang kulit mo??"
At hayun, nagsisigawan sila habang kaming mga kasama nila. Nakatayo't tumatawa at nanunuod lang..
-__-* Hay naku naman!! Di ba nila napapansin na center of attraction na sila dito?? At yung si manong kalbong guard naman aliw na aliw sa kanila.. Huweeeew' palit kayo ng ulo ng buko kuya guard.
Buti nalang nandito pa akong natitirang natinong tao. "Hindi niyo ba napapansin na natigil na lahat ng naglalakad para lang panuorin kayo??" Pilit na pinipigilang tumawa ni Ken. dahil mukha nga talaga silang bata sa hitsura nila ngayon matatawa ka talaga. Nakaupo sa sahig, nakaposas, tapos nababatukan at nag sisigawan.
Natigil naman sila.
"Kasalanan mo toh!" Dakdak pa ni Chrissy na akmang tatayo, eh nakalimutan niya atang nakaposas sila kaya natumba ulit niya. Shunga best friend
Pero sinalo siya ni Justin "ang kulit kasi eh!" Sabay gulo niya sa buhok ni Chrissy.
Cute!
Tumawa nalang ulit kami. Habang nagkakantyawan na yung mabilang bilang na estudyanteng andito.
Napa rolled eyes nalang ako. Palibhasa mga inlove sila!Kakakilig sila.
------
Justin's PoV
Ang kulit niya, grabe!
Nagtataka kayo kung anong meron? Ganito kasi yun.
Bilang isang lalaki, kung manliligaw ka, legal sa pamilya at magulang ng babae. Syempre, first move, Kay ChrisMarie muna. Ang drama ko pa nga kanina, akala ko kasi, basted na at mapupunta sa wala sang lahat.
Pero hindi pala, kaya ito kami ngayon, papunta sa bahay nila. Kasama sila Leo at Kishara, na may hawak ng bag namin. Iniwan ko na yung dalawa, pabigat as bulsa.
"Hoy kidnapper San mo ba ako dadalhin??? Kung binabalak mong ibenta ang lamang loob at puso ko, parang aw-"
"Shut up or I'll kiss you." Banta ko sa kaniya. Sinimulan na naman niya ang pagdakdak niya, banta lang yun, wala akongbalak seryosoyin. May respeto po ako. Mahal ko yan eh.
"Shut up your face!"
Inilabas niya yung cp niya. "Tatawag ako as bahay. Sasabihin kong k-nidnap ako ng lalaking nagngangalang Justin Casipit.!"
Napatawa ako. Di ba niya na realize na kanang kamay niya yung nakakabit sa posas at nasa kanan din yung bulsa ng skirt niya? idagdag mo pang na tricycle kami.
Ang hirap lang kasi sa babaeng ito, maliit nga ang brutal naman, mantakin mong nakailang hampas at batok na siya sakin?
Mamaya pa ay huminto na yung tricycle. "Tama na yung lambingan nandito na po tayo. " sabi ni Kishara sa likoran ng driver katabi niya doon si Leo.
"Isa ka pang babae ka! akala ko ba best friends tayo?! Eh bat kasabwat ka sa pagkidnap sakin? at san niyo ako balak dalhi-"
natahimik siya nang mapagtanto niyang nasa tapat kami ng bahay nila.
"Huh?"
"Ang dami pa kasing dakdak! Halika na nga lang!" Hinila ko siya. Bukas naman na yung gate, napag usapan na namin yun ng kapatid niya.
At sure ako nakaluto narin ang mama niya, abah! Dapat lang, ang dami kong natamong sapak dito oh!.Pumasok kami ng bahay nila." Hoy! Trespassing kayo dito! Bawal kayo sa papamahay ko!" Giit pa niya sabay harap sakin.
"Welcome kayo sa bahay ko, kung hindi kayo welcome sa bahay niya. " natatawang lintaya ng isang boses mula s bahay. Si tita pala. " oh, siya, pasok kayo. "
Pumasok naman kami, tahimik lang yung dalawa. Buti pa sila, tong babaeng mahal ko? Parang mangkukulam na nagdadasal ng orasyon. Kung ano-anong binubulong.
"Tita, bago kami pumasok.. " panimula ko, alam naman na nila pero mas maganda parin pag nakaharap ang lahat. "Nais ko po sanang humingi ng permiso para ligawan si Chrismarie. "
Buong lakas loob kong lintaya, hoh! Di biro yun ah. Bihira lang nakakagawa ng ganito.
"Abah! Kahit di ka magpaalam, vote na vote ako sayo Justin! " isang boses na naman mula sa likuran naman namin ngayon ay ang papa niya.
"PAPA????" Di makapaniwalang sabi ni Chrismarie. Ngumiti lang naman ako.
" At di ka rin matatanggihan niyan! Matagal ka nang crush niyan! " sigaw ng isang lalako mula sa likuran ni tita.
Si Xandrex pala.
"Kababasa ko lang sa Diary niya oh! "
"XANDREX!!!" sigaw ni Chrismarie nang makita niyang iwinagay way pa ni Xandrex ang isang bookle.
~~~~~••~~~~~~
At jan po natatapos ang CRUSH DIN KITA.
Thank you po sa lahat ng nagbabasa, nagbasa at magbabasa palang.Feel free to comment your reactions and questions po :)
Pagpasensyahan niyo na yung spelling, medyo magulo at di maasyos na flow ng story. Aayusin ko nalang po pag di na No busy

BINABASA MO ANG
Crush din kita
Short StoryAlam mo.. Hindi naman masama ang pag-amin sa crush mo na "Crush mo siya.." Ang masama, ay ang hindi mo pag-amin na gusto mo siya at lingid pa sa iyong kaalaman na may gusto rin siya sayo. Saklap diba? Amin na kasi, wag ka nang torpe.