Chapter 1

17 0 0
                                    

Chapter 1 - Mondegreen

Wala ka nang maririnig pa kundi ang iba't-ibang tunog na nanggagaling sa tinatayong building malapit dito sa Parke. Hindi kalayuan ang mga pangyayaring iyon pero bawat sampung segundo ay iyon ang maririnig mo.

Nakakapangilabot na masdan ang Parke dahil walang tao pero may maririnig kang mga nagtatrabaho. Lalo kapag titigil ang tunog na iyon na parang malapit lang sa aking tainga ay pakiramdam ko may babagsak mula sa sanga ng puno na sa ilalim noon ay kung saan ang bench na palagi kong inuupuan tuwing bumibista ako dito.

Tanghali ulit ako bumisita gaya ng dati kapag wala na akong ginagawa sa oras na iyon. Parang may mga kaluluwang tumititig sa akin mula sa walang laman na daanan na palaging dinadaanan ng mga bisita dito. Kaya napapatingin ako sa paligid.

Pinagmamasdan ko ang mga bagay dito ay napansin ko na lalong gumanda ang kulay ng mga dahon tuwing ganitong oras.

Mataas ang sinag ng araw kaya naiilawan ang mga parte ng Parke. Ang mga dahon mula sa mga puno at ang mga mahahabang dahon sa ilang parte dito ay naging kulay yellow green. Bughaw na bughaw naman ang kalangitan at nagniningning ang mga ulap na nakakalat doon.

Natakot ako sa tunog ng aking sapatos nang aksidenteng tinapik ng dulo noon ang kulay itim naman na daanan.

Napatingin pa ako at bumuntong hininga. Isinabit ko naman ang hiblang humugayway sa aking paningin sa aking tainga.

Marahan akong sumandal sa bench at tumingala sa langit. Sa parte ng Parke rito lang makikita ang mga ulap dahil puro puno na ang nasa ibang paligid.

May bukana sa itaas na pinapalibutan ng dahon ng mga puno. Sa ilalim noon ay ang wooden bridge na naging attraction dito sa Parke na kung saan ay kanina ko pang pinagmamasdan ang bagong renovation sa paligid noon. Hinayaan ang mahahabang dahon na umaalon dahil sa hangin dahil para yata akalahin ng mga tao na pribado lamang ito.

Mas gumanda ang presensya ng wooden bridge mula noon pa na may danaw sa ilalim noon. May mga istatuwa ng mga anghel, at dumami rin ang mga bato, hindi tulad noon na maingat na dinagdagan iyon nang una kong nakita na kaunti palang ito. Nakapatay naman ang mga lamps na may hindi ordinaryong design, nakapatong lamang iyon sa mga bato na bahagyang kinalat sa palibot ng danaw.

Nagmukha na itong magandang paraiso. Naisip ko na baka gawa ito ng kahit sino at ambag ng mga tao dito sa San Edjero Torre ang mga gamit doon? Kung ganoon, pwede rin kaya akong maglagay ng mga nakapasong mga halaman?

Sumagi ulit sa isipan ko kung paano makakapunta doon sa wooden bridge na iyon. Pwede naman yata iyon dahil malaya yata ang lahat na maglagay ng kung ano sa wooden bridge para pagandahin lalo ito.

Noon rin pa ako nauusisa kung anong pakiramdam pumunta doon. Mukhang walang daanan patungo doon at ayaw ko rin naman manggaling sa mga matatayog na puno na nasa gilid noon. Tulad ng mga ginawa ng mga kalalakihan na nakita ko noon.

Mas mabuti yata na huwag na lang. Kahit humingi ako ng permiso. Siguro sensitibo ang wooden bridge at baka masira ko pa sa unang yapak ko kapag pumatong ako sa istrakturang iyon. Mas magandang gawin ay ang pagmasdan nalang dahil iyon naman ang layunin ng wooden bridge na iyon. Ito lang ang ganito dito at pakiramdam ko may competition. Higit sa ordinaryong disenyo sa karamihan ang bridge na ito. Lalo dahil nag-iisa ito sa gitna ng isang espasyo dito sa Parke. Walang daanan at pribado.

Pagkatapos ako magpahinga kakahanap sa naiwan kong gamit dito noong huling bisita ko dito ay nagpasya na akong umuwi. Parang malabo lahat sa paningin ko nang tumayo ako.

Naninibago ako sa Parke pero nababalisa rin baka balang araw ay masasama ito sa mabilis na pagmomoderno ng San Edjero Torre. Muli ay bumaling ako sa wooden bridge.

Stories of My Heart (The Lady and the Gent of San Edjero Torre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon