Chapter 6

4 0 0
                                    

Chapter 6 – Family

Sa unti-unti kong paglalabas mula sa bahay kapag may bibilhin sa sentro ay hindi ko na siya makita.

Kumpara sa nababalisang kabog na nararamdaman ko sa Parke na makita siya, sa oras na biglang may kumatok sa aking pintuhan isang tanghali.

Nanatili ang titig ko doon habang marahan na tinatagpo iyon.

Inikot ko ang doorknob. Nasilaw ako sa liwanag ng araw mula sa labas.

Marahan kong binuksan ang aking mata at ibinaba ang tingin.

Nakatayo si Kier doon habang hinaharang ng isang kulay itim na bag ang mukha niya. Ang mga mata niya lang ang nakikita.

I let her in while I'm standing behind the wide-opened door. Marahan siyang lumakad na tinatakip padin ang mukha gamit ang maliit at itim at mukhang bagong shoulder bag.

Sinundan ko siya kusina at nadatnan ko siyang kauupo lang.

Nagkatinginan kami ng ilang saglit bago siya umiwas ng tingin. Para siyang nahihiya.

Sinundan ko ng tingin ang unti-unting pagbaba niya sa bago niyang bag. Kumunot ang noo nang napansin na parang hindi lang ordinaryong bag ang hawak niya. Napansin ko din na bago ang mga gamit niya tulad ng damit niya o sapatos niya. Mas gumanda siya nang naka-ayos ng mabuti ang kanyang buhok dahil sa istilo ng pagkakatirintas noon. Hindi siya nagsalita at inilabas mula sa designer bag ang mga gamit na parang kailangan niya para gumawa ng bagong journal.

Marahan akong lumapit at pinanood siyang gumawa ng talaarawan. Kumilos ang kanyang mga maliliit na kamay sa pagbuo ng isang journal. May mga papel na siyang nakahanda bilang pahina. May mga butas na din sa gilid noon.

Kumuha siya ng matabang sinulid at ipinasok sa butas ng mga pahina at cover nito na parang galing sa isang karton.

Tinali niya naman ang sinulid na magkaibang kulay sa ibabang dulo ng journal.

Bahagya siyang ngumiti nang binuksan niya iyon. Marahan rin akong ngumiti nang nalaman na ganoon pala siya gumawa ng mga paninda niya. Bukod doon ay hindi ko pa nakikita ang disenyo na ito. Mukhang bago ito.

Tumingin siya sa akin nang lumapit siya.

"Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo, Kier," sabi ko.

Tumango si Kier.

"Gagawa pa po ako. Dito raw muna ako sabi ni Papa dahil abala po siya sa ginagawa niya sa town hall."

Napakurap-kurap agad ako. Hindi nagbago ang desisyon ko tungkol sa gusto niyang mangyari para kay Kier.

Umirap ako nang napagtanto ko na ginagamit niya si Kier para pagmukahin akong tanga kaya siya nandito.

Naiinis padin ako sa kanya dahil hindi ko na makakasama si Kier palagi tulad ng gusto kong mangyari para sa aming dalawa, parang pamilya. Kahit dalawa lang kami. Mawawalan kami ng oras para sa isa't-isa. Puno ng iba't-ibang bagay ang puso ko dahil sa kanya.

Tumalikod ako kay Kier para ipagpatuloy ang aking ginagawa. Sumunod siya sa akin at inilahad ang kakagawa niya lang na journal. Tumigil ako sa ginagawa ko at nagtatakang tinanggap iyon mula sa kanya.

"Bakit mo ibinibigay sa akin?" tanong ko kay Kier na umupo ulit at gumawa ng bago.

"Ang ganda nito, Kier. Magbebenta ka ba mamaya? Gusto mo samahan kita?"

"Ginagawa ko lang po ito dahil masaya at nagugustohan ko ang proseso kaya ko ipinagpapatuloy." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Lumapit ako sa kanya.

Stories of My Heart (The Lady and the Gent of San Edjero Torre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon