Chapter 9

3 0 0
                                    

Chapter 9 – City

Unti-unting bumukas ang aking mata. Gumising ako sa tunog ng tren na dumaan. Marahan akong umupo at sinuot ang aking tsinelas.

Bumaling ako sa aking likod na kung saan ay natutulog si Jivin sa kanyang tagiliran habang nakaharap siya sa akin.

Nakapantalon lamang siya kaya walang suot pantaas. The length of his arms shows his biceps and the way his chest and abs relax show very much while he's asleep.

Tumayo ako at lumabas sa pintuhan kung saan ay rinig ko na nakabukas ang TV. Naka-upo si Kier sa harapan noon na titig na titig sa kanyang pinapanood.

Pinaghandaan ko sina Jivin at Kier ng almusal sa kusina. Tinanaw ko ang mga greenhills mula sa bintana. Tinalikuran ko ang bintana at tinawag na si Kier para makakain na ng almusal.

Tumakbo si Kier na pumasok dito sa kusina habang nakatitig ako kay Jivin na nakatayo sa labas ng pintuhan sa harapan na katapat lang mula sa aking kinatatayuhan. May kausap siya sa kanyang telepono tungkol sa paghahanda ng pagpunta namin ng Auero ngayon.

Hinanda ko na si Kier para maayos ko na din ang sarili ko.

Inayos ko ang wrist button ko habang lumalabas ako ng kwarto. Sumulyap ako sa pintuhan sa gilid ko na palabas ng bahay at tinanaw si Jivin na may kausap padin sa telepono.

Umupo ako sa tabi ni Kier na nanonood padin sa TV. Sumulyap siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Natatawa ako sa kanya.

"Ang ganda naman ng suot mo, Mama.."

Hinawakan niya ang ibaba ng dress shirt ko na kakulay ang kalangitan ngayon.

Umayos na ang araw kaya hindi ko na kailangan magdilig ng mga halaman dahil umulan buong gabi.

"Mama, gusto ko din magsuot ng pantalon.."

"Hindi magiging komportable ang pagtulog mo mamaya sa sasakyan, anak. At ako ang pumili sa damit mo, napakaganda kaya,"

Ngumiti siya.

"Pagdating natin po sa Auero makikita natin si Kuya Scharareangelo?"

Nginitian ko siya at tumango.

"Oo, dahil 16th birthday ng Kuya Scharareangelo mo. Doon natin ididiwang ang kanyang kaarawan."

"Talaga po!? S-Six-Sixteen? Ako.. five pa lang ako. Kaya pala ang tangkad ni Kuya Scharareangelo, Mama! Kayo po ilang taon na kayo?"

Bumungisngis ako sa kanya.

"40 na ako, anak. Si Papa Jivin mo ata ay nasa thirtees palang siya."

"Napakatanda mo na po!"

Tumawa ako at yinakap siya.

It's this love I have for my daughter that makes me look so young. It's the hobbies that I do that make me still feel so young. Because I don't feel stressed from it at all.

Pinuntahan kami ni Jivin dito sa sala habang yakap ko padin si Kier.

Habang hinihintay ko si Jivin na matapos sa paghahanda sa kanyang sarili ay itinuloy ko muna iyong binabasa kong libro na binili ko sa gilid ng bangketa noon. It shows so much of San Edjero Torre. Istorya iyon na nagsisimula mula sa unang paglikha ng lugar hanggang sa unti-unti itong nagbago dahil lang sa dalawang taong itinadhana pero hindi nagkatuloyan sa isa't-isa.

Habang nagbabasa ako ay naalala ko ang mga nakaraang araw tulad noong diwang sa bahay ng mga De La Forte. Parang sinasalamin ang nararamdaman ko sa mga pangyayari na nasa libro.

Stories of My Heart (The Lady and the Gent of San Edjero Torre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon