//
Makalipas ang labing anim na taon ay dalawamput' apat na taong gulang na si Jose at nagpapatuloy parin ang pagsasanay niya at maging sa teknolohiya ay kabisado niya na.Ngayon ay namamasyal siya sa isang palengke na may dalang mansanas hanggang sa may nakita at narinig siyang inaaping tao.
"Sinabi nang hindi ako eh!" -sabi nung lalake pero patuloy parin siyang binubugbog.
"Teka teka sandali lang!" -pagmamakaawa nung lalake
"Makinig ka. Malaking pera ang nalugi ko doon. Kaya magbabayad ka." -sabi nang leader sabay labas ng patalim na akmang mananaksak na ngunit biglang binato ni Jose ng mansanas para mapigilan ito kaya napahiga naman ang lalake.
"Yes!" -sabi ni Jose dahil binato niya ulit ang lalake at natamaan niya ito sakto sa ulo.
"Habulin niyo!" -sabi nang leader
Nang marinig ni Jose ay dali dali siyang tumakbo na para bang nang aasar pa at parang nakikipag patintero pa. "Oha. Oha." sabi ni Jose habang tumatawa at umiiwas. Tumakbo siya papunta dun sa leader at pinagbubugbog ang mga kasama nito kaya naman nagsitakbuhan na ang mga ito. Nilapitan na ni Jose ang lalake upang kausapin.
"Sir. Pilipino ka diba?" -Jose
"Oo." -sabi ng lalake na kinakabahan parin
"Talaga? Ikaw ang unang Pilipinong nakilala ko dito." -sabi ni Jose na halatang masaya
"Ha? Bakit Pilipino ka rin?" -sabi ng lalake
"Hayy. Dami mong kalaban. Halika na." -aya ni Jose
"Ha teka. San tayo pupunta?" -sabi nang lalake
"Tatakas tayo! Bilis na!" -sabi ni Jose sabay hila dun sa lalake
//
"Pano kung napahamak ka sa pagtakbo takbo niyong yun ah?! At isa pa, diba kabilin bilinan ko na wag kang magdadala ng taga labas sa lugar natin. Pwede kang mamatay sa ginawa mo!" -sabi ng kanyang ama at bigla siyang sinampal"Papa tumulong lang ako. Ano bang masama dun? Pilipino din po siya." -Jose
"Pilipino man siya o hindi mapapahamak parin siya." -Sabi ni Richard
"Ikaw..." -sabi ni Richard dun sa lalake
"Po? Ano po? Opo..." -sabay sabay na sagot ng lalake dahil sa kaba
"Anong kaya mong gawin?" -kalmadong tanong ni Richard
"Magluto! Kasi po dun ako magtatrabaho sa Cuk. Pagluluto ko po kayo." -sabi ng lalake
//
Makalipas ang dalawang oras ay nakaluto na ang lalake at inihanda na ito sa hapag kainan."Grabe, ang sarap nito papa." -bulong ni Jose na punong puno ang bibig
"Ano pang kaya mong gawin?" -sabi ni Richard habang kumakain
"Ahm.. ako po si Billy Crawford. Hindi po Bailey Crawford, Billy po talaga. Marami po kasing Billy sa mundo lolo ko po ang nagbigay." -sagot ng lalake
"Billy, pag tumakas ka dito patay ka. Magluto ka dito, buhay ka." -sabi ni Richard sabay tayo at alis
"Opo! Salamat po. Salamat." -Billy
"Ang pangalan mo Jose?" -Billy
"Oo. Haha. Uy ano to?" -sabi ni Jose at biglang kinuha ang nakitang litrato na nakalagay sa bulsa ng damit ni Billy.
"Siya si Karylle." -sabi ni Billy
"Karylle? Ang ganda niya ah. Siguro di mo siya ka ano ano ang ganda niya eh. " -biro ni Jose habang kinukuha na ulit ni Billy ang litrato
"Teka lang... teka lang... teka nga eh." -sabi ni Jose
//
"Dito si Papa.. dito naman ang kwarto ko." -turo ni Jose kay BillyNakita naman ni Billy na nandun sa kwarto ang ama ni Jose dahil naiwang nakabukas ang pinto.
"Kapitan... ayusin niy-- Ayyyyy!" -naputol na sabi ni Billy dahil bigla siyang tinutukan ng baril ni Richard
"Ano yun?" -sabi ni Richard habang nakatutok parin ang baril
"Wala po Kapitan... wala po!" -takot na sabi ni Billy. Nakita naman yun ni Jose kaya agad niyang hinila ito.
"Sige po papa. Matutulog na po kami." -Jose
//
Kinabukasan ay nagpunta agad ni Jose sa lugar na lagi niyang pinageensayuhan ng pagbabaril."Oh ikaw naman." -alok ng baril ni Jose kay Billy para masubukan pumutok
"Ha? Ako naman? Sige." -akmang kukunin na ni Billy ngunit inilayo ito ni Jose
"Wag na. Baka magalit pa si papa." -sabi ni Jose na ngumiti at nag ensayo ulit na di niya alam ay nasalikod niya lang pala ang kanyang ama na sumenyas sa kanyang mga tauhan para dalhin sa tabi ng target ang isang babae.
"Bitiwan niyo ko! Bitiwan niyo ko!" -sabi ng babae habang tinatali siya sa may target. Pupuntahan na sana ni Jose ang babae ngunit pinigilan siya ng kanyang ama.
"Alam mong pumuslit dito ang asawa mong may daladalang drugs, hindi ba?" -sabi ni Richard sa babae
"Kapitan.. wag niyo po akong papatayin!" -sabi ng babae
"Papa..." -sabi ni Jose
"Asintahin mo ang target kung gusto mo talaga siyang mabuhay." -sabi ni Richard
"Papa, hindi naman talaga siya ang may kasalanan eh." -angal ni Jose
"Susundin mo ang batas ko! Sa batas ko, mananagot ang buong pamilya ng may sala!" -sabi ni Richard
"Kahit minsan, maawa naman kayo sa mga tao ninyo. Hindi niyo ba kaya magpatawad papa?" -sabi ni Jose
"Pag aralan mong mabuti ang pagpapatupad ko ng batas." -sabi ni Richard sabay inilabas ang baril at itinutok sa babae kaya naman humarang agad si Jose
"Papa... please naman. Wag niyong gawin yan." -sabi ni Jose
"Joseee!" -sigaw ng babae na nagmamakaawa. Dahik yung babae na yun ay ang nagsilbing ina niya simula pa nung bata siya.
"Papayag na po ako! Ako nalang po ang babaril. Pero kapag tinamaan ko lahat ng target, patatawarin niyo siya." -sabi ni Jose
"Sige. Susubukan kong magpatawad." -sabi ni Richard sabay ibinaba ang baril
Puwesto na si Jose at kinalas na ang baril at itinutok na ito sa limang target na kahit minsan ay di niya pa natamaan lahat. Napapikit muna siya para maging mahinahon.
Nang ibukas niya ang kanyang mga mata ay ipinutok niya agad ang baril at sabay sabay tinamaan ang mga target. Naging matagumpay siya sa pagkakataong iyon. Matapos ang pagtarget niya ay bigla nalang siyang tumakbo papalayo at itinapon na ang baril.
//
Jose's POV"Hindi eh. Pano niya mapapatay ang isang tao nang ganun lang?" -inis sa sabi ni Jose habang nakahiga sa kama niya ngayon na parang kinakausap ang picture ng babae na nasa maliit na frame. "Hayyy. Minsan ang hirap talagang intindihin."
"Siguro masaya buhay mo noh? Kung nasan ka man ngayon." -sabi ni Jose na tiwang kinakausap ang litrato
//
Okaaaayyyy! Sorry po kung nagiging boring na dahil di parin nagkikita ang ViceRylle, pero atleast nasabu na yung pangalan ni Karylle hahaha pero sa next next chapter magkikita na po sila. Ang kalalabasan po ng story ay action. Parang action star po si Viceral dito para maiba naman. Hihi. Thanks po!~K
BINABASA MO ANG
Fallen • ViceRylle
FanfictionHe is warned not to trust anyone and never fall in love, as doing so will put the people around him in danger. Isang sanggol na inilayo mula sa kanyang ina na pinalaki at sinanay sa labanan upang magamit sa paghihiganti. Hi guys! Please support my...