//
Matapos ang mga nangyari. Nagdesisyon si Richard na pumunta sa Thailand at dun muna manirahan kasama ang anak nila Reynaldo at Rosario. Kasulukuyan silang nasa barko na naghahatid ng mga kargamento at nagtatago kasama ng tatlong taong di nila kilala at nagtatago rin.Ilang minuto ang nakaraan ay umiyak ang bata.
"Patahimikin mo yan!" -sabi ng isang lalake
Inilabas ni Richard ng baril at itinutok sa lalake na ikinagulat ng tatlo kaya agad na humingi ng patawad.
Patuloy parin sa pag iyak ang bata kaya naman tumayo ang isang babae na kasama nila at biglang nilapitan ang bata kaya naman tinutok agad ni Richard ang baril na ikinatakot ng babae kaya humingi ng pasensya ang babae..."Sir, ako na muna ang mag-aalaga." -sabi ng babae
Nagdalawang isip si Richard at tinignan muna ang ummiyak na bata tapos ay pumayag narin siya sa inalok na tulong ng babae at ipinaakay na ang bata sakanya. Matapos ang ilang minuto nakatulog na ang bata kaya nilapitan na ni Richard ang babae.
"Maraming salamat. At sorry sa nangyari kanina." -sabi ni Richard na may sinseredad.
Napatango nalang ang babae at nginitian si Richard.
Umupo si Richard sa isang tabi at may inilabas na litrato. Litrato ng pamilya ni Reynaldo na kasama siya.
Richard's POV
Reynaldo, Jose ang ipapangalan ko sa bata. Apelido ko nalang ang ipapagamit ko sakanya. Ipinapangako ko, magkakaroon ka ng matinding paghihiganti.
....Matapos ang mga oras nakarating na sila sa Thailand at nanirahan sa isang lugar na mala-probinsya. At nagtayo ng grupo at kabuhayan.
//
Matapos ang ilang taon ay naging maayos naman ang takbo ng buhay nila. Marami silang tauhan at kaaway. Para silang nasa isang malaking grupo na pinamamahalaan ni Richard. Nagbago na rin ang pananaw niya sa buhay. Bawat traydor sa grupo ay pinapabugbog at pinapapatay niya.Dumating ang mga tauhan niyang hilahila ang isang trabahador.
"Boss! Nakita namin tong nagbebenta ng drugs sa Pilipinas. Anong gagawin namin sakanya?" -sabi ng isang tauhan
"Sinabi kong pwede kayong magbenta ng drugs wag lang sa Pilipinas." -Sabi ni Richard na bakas ang galit na inilabas ang baril at pinatay ang nagmamakaawang trabahador.
Sa kabilang banda tinuturuan ng isang Amerikanong tauhan ni Richard ang walong taong gulang na si Jose kung pano bumaril target.
"Concentrate. Aim down the sideline. One knee." -sabi ng Amerikano na agad namang sinunod ni Jose at bumaril ulit bagamat konti lang pero di niya parin ito natamaan.
Pagkatapos ng ilang putok dumating ang kanyang kinikilalang ama na si Richard.
"Papa! Papa, ang galing ko na tignan niyo oh!" -sabi ni Jose na tumakbo sa kanyang ama at galak na galak.
Tinignan naman ito ng kanyang ama na di nasayahan pagkita sa target at binaril ang target.
"Ulo, Lilim, dibdib! Ang dapat mong tamaan kundi ikaw ang mapapatay." -sabi ni Richard
"Martial Arts training naman. Sige na." -utos ni Richard sa Amerikano
"As you wish boss." -sagot ng Amerikano
//
Gabi na ngunit nag eensayo parin si Jose. Pinapalo niya gamit ang arnis ang isang dosenang dikit dikit na kawayan at sinisipa sipa niya rin ito. Habang di niya alam na inoobserbahan na pala siya ng kanyang ama.Umuulan na ngunit di parin siya tumitigil. Nabali na ang mga arnis kaya sinusuntok at sinisipa niya nalang ang mga kawayan.
"Lakasan mo ang sipa! Gawin mo ng tama!" -sigaw ni Richard sa pagod na pagod na Jose
Sa sobrang pagod at napaluhod nalang si Jose.
"Pumasok ka na sa bahay." -sabi ng kanyang ama sabay lakad paalis
Ilang oras ang nakalipas ay wala parin ang kanyang ama kaya naman naiipan niyang kalikutin ang gamit nito hanggang sa may nakita siyang litrato. (Yung hawak na picture ni Richard sa barko).
"Mama?" -sabi ni Jose habang tinitignan ang litrato nang biglang dumating na ang kanyang ama na nakita ang hawak na litrato kaya itinago niya ito sa likod
"Ano yan?" -sabi ni Richard
"Wala po papa. Wala po akong hawak." -sabi ni Jose na bakas ang takot at kaba
Nilapitan siya ng kanyang ama at kinuha ang tinatago nito.
"Siya po ba ang mama ko? Ha papa? Kasi po gusto ko ring magkarooon ng isang tatawagin kong mama. Hindi ba po may mama rin ko? Kahit na sa picture lang po. Sige na papa." -sabi ni Jose na humihiling
"Kalimutan mo na siya. Patay na siya." -sabi ni Richard sabay punit sa litrato at itinapon sa sahig.
"Mama ko siya. Mama ko siya." -paulit ulit na sabi ni Jose habang kinuha ang isang baging punit na kita pa ang mukha ng kanyang ina ngunit binitiwan niya rin ito at tumakbo palabas.
Napatingala nalang si Richard at napabunyong hininga.
Tumatakbo at umiiyak parin si Jose sa gubat nang bigla siyang madapa ngunit tumayo siya at tumakbo parin palayo.
/
Richard's POV
Kinuha niya ang bahagi ng mukha ni Rosario sa litrato at napabuntong hininga at inaalala ang pag iyak ni Rosario dahil sa pagkuha niya sa anak nito./
Habang tumatakbo si Jose ay napatigil siya sa isang Kubo sa kagubatan at nakita niya ang isang bata na nakahiga sa hita ng ina nito habang hinihimas himas ng kanyang ina ang anak niya."Jose..halika rito." -sabi ng babae
Tumakbo naman si Jose sa loob at humiga rin sa hita ng babae at hinimas niya rin ang ulo ni Jose. Dahil sa mga nakalipas na taon itong babaeng ito ang tumayo niyang ina at dun na siya nagpalipas ng gabi.
/
Kinaumagahan ay pumunta si Jose sa ilog habang nakasakay sa kanyang elepante para mag isip isip dahil yung lagi ang ginagawa niya tuwing masaya o problemado siya.
//
Ifafast forward ko na guys! Marami pang mangyayari so please be patient. Thanks po!~K
BINABASA MO ANG
Fallen • ViceRylle
FanficHe is warned not to trust anyone and never fall in love, as doing so will put the people around him in danger. Isang sanggol na inilayo mula sa kanyang ina na pinalaki at sinanay sa labanan upang magamit sa paghihiganti. Hi guys! Please support my...