Kinabukasan habang natutulog pa si Jose ay nagpatutog ng radyo si Billy upang magising na ito. Nakaramdam naman ng kakaiba si Jose at bigla itumayo at napansing niyang maraming armadong lalake sa lalabas na nakapalibot sa kanilang bahay na akmang babarilin na ito kaya naman agad niyang hinila si Billy at nagtago. Hindi nga siya nagkamali dahil agad na pinagbababaril ang bahay nila.
Natanaw naman ni Richard mula sa malayo dahil nasa lugar siya kung san nag eensayo ang mg tauhan niya ang bahay nila na pinagbabaril nang isang grupo na mga lalake kaya agad silang sumugod ng mga tauhan niya patungo don.
Pinasok na ng ibang tauhan ang loob ng bahay para masiguradong patay ngunit napatumba lahat ito ni Jose at patungo na sana siya sa labas pero pinagpuputukan lang siya habang tumatakbo may biglang humang sakanya ngunit nagawa niyang patumbahin ito at maagaw ang baril. Nagtago siya sa isang poste habang nagpapaputok parin ang mga kalaban.
Bigla namang tumakbo palabas ang babaeng tumayong nanay niya na ikinagulat niya.
"Jose! Mag-ingat ka!"
"Nanay Maria!!!"
Sabay nilang sabi pero nang makita ng mga lalake si Maria ay binaril nila agad kaya namatay ito. Nagulat si Jose sa nangyari kaya di agad siya nakakilos kasabay ng pagbagsak ng kanyang Nanay Maria sa sahig. Lumapit ito ng dahan dahan at lumuhod, samatalang nakatutok sa likod niya ang apat na baril na akmang babarilin na siya ngunit biglang dumating na si Richard para mabaril ang tatlong tauhan pero nakatakas parin ang pinuno nito.
"Gumising ka. Nanay Maria gumising ka. Buksan mo ang mga mata mo ano ba! Nanay!" -sabi ni Jose habang umiiyak.
"Papatayin ko silang lahat." -sabi ni Jose na pinulot agad ang baril at tumakbo para mahabol ang pinuno ng grupong lumusob sakanila.
Habang tumatakbo si Jose at natatanaw niya na ang mga kalaban ngunit sa pagmamadali niya ay natapakan niya ang isang bomba na nakaplanta sa lupa na kapag tinanggal mo ang paa mo ay tiyak na sasabog ito kaya napatigil siya at nagulat. Pero dahil sa sobrang galit ay itinutok na niya ang kanyang baril sa kalaban at ipinutok ito ngunit wala na itong bala. Nais niyang tunakbo ngunit di niya magawa.
"Ano bata? Wala ka nang bala noh?" -sabi ng pinuno sabay tinutukan siya ng baril ngunit bigla sumulpot ang kanyang ama at binaril ito.
Nilapitan naman ni Richard ang kanyang anak na hindi parin makagalaw.
"Kapag nagpadala ka sa 'yong emosyon, ikaw mismo ang mahuhulog sa sarili mong patibong." -sabi ni Richard
"Papa..." -sabi ni Jose
"Kung gusto mo talagang iligtas ang lalakeng yun, pinutol mo na sana ang ugat sa samahan nila dahii kung puro sanga lang tutubo ulit yun para patayin ka." -sabi ni Richard sabay yumuko para tignan ang paa na nakatapak sa bomba. Wala nang ibang paraan para maiwasan ang pagsabog nito kaya biglaang ingat ni Richard ang sapatos ni Jose at iniwas ito agad sa bomba kaya sa pagsabog nito ay si Richard ang natamaan.
"Papa! Wag kang matutulog gagamutin kita! Papa! Wag mong iiwan papa!" -sabi ni Jose habang akay sa likod ang kanyang ama pabalik ng kanilang bahay
//
"Papa! Anong gagawin ko?! Ayaw kitang mamatay!" -sabi ni Jose habang umiiyak"May bala sa kaliwa kong dibdib gusto kong ikaw ang kumuha non..." -sabi ni Richard na naghihingalo na
"Pero papa..." -sabi ni Jose
"Kunin mo na yung bala! Kumilos ka na. Gawin mo na agad." -sabi ni Richard wala nang nagawa si Jose kaya kumuha siya ng maliit na kutsilyo at tinusok ang kaliwang dibdib ni Richard para kunin ang nakabaon na bala. Narinig niya ang malakas na sigaw ng kanyang ama dahil sa sakit pero sa huli ay nagawa niyang makuha ang baka.
"Jose, makinig ka. May kinalaman ang balang yan sa tunay mong ama." -sabi ni Richard na ikinagulat ni Jose
"Papa, ano pong sinasabi niyo?" -gulong tanong ni Jose
"Dalampu't apat na taon nang nakalilipas nang sumabog ang kompanyang namin ng iyong ama. Iniligtas niya ko mula sa isang bala.." -sabi ni Richard
Flashback
"Kim! Tumayo ka diyan. Tara na Kim!" -sabi ni Richard habang binubuhat patayo si Kim ngunit nang matanaw ni Kim ang isang lalakeng may hawak na baril(sniper) na nakatutok sa likod ni Richard ay agad siyang pumalit sa pwesto nito kaya siya ang natamaan ng bala pero tumagos parin ang bala sa dibdib ni Richard na nabaon ito. Puno nang pag aalala, galit, sakit ang nararamdaman ni Richard ngayon ngunit wala pa siyang magawa.
"Kim! Wag ka munang magsalita! Dadalhin kita sa ospital!" -sabi ni Richard
"Ikaw nang bahala sa pamilya ko...Umalis ka na! Tumakas ka na!" -sabi ni Kim habang itinataboy si Richard at di nagtagal ay namatay na.
End of flashback
"Ipagpatuloy mo ang nasimulan ko. Ipaghiganti mo kaming dalawa ng iyong ama." -sabi ni Richard na tilang mawawalan na ng malay
"Papa... yun ba ang dahilan kung bakit tinuruan mo ko ng mga kakayahan ko... para maghiganti?" -tanong ni Jose
Hindi na nakasagot ang kanyang ama dahil tuluyan na iyong nawalan ng malay.
//
Someone's POV
Nasa isang sulok si Jose ngayon at nakasandal sa isang pader na nakapikit ang mata habang inaalala ang mga pagkamatay ng kanyang Nanay Maria at ang pagsagip ng kanyang ama sa buhay niya.Richard's POV
"Maghiganti ka.... Susan patawarin mo ko... ginawa ko to para sayo."//
"Sinong pumatay sa totoo kong ama?" -Jose"Ang alam ko lima silang lahat." -Richard
"Kapag napatay ko na silang lahat. Pwede ba na umalis na tayo sa lugar na to para mabuhay na isang pamilya. Isasama natin ang gusto kong isama... ang nanay ko... buhay pa ba siya?" -Jose
"Buhay pa siya." -Richard
//
Jose's POV
"Kailangan kong magbago. Yun ang tadhana ko."//
Okaaaaayyy! Sorry po talaga kung boring. I'm trying my best naman eh. Thanks po sa nagbabasa or magbabasa.~K
BINABASA MO ANG
Fallen • ViceRylle
FanfictionHe is warned not to trust anyone and never fall in love, as doing so will put the people around him in danger. Isang sanggol na inilayo mula sa kanyang ina na pinalaki at sinanay sa labanan upang magamit sa paghihiganti. Hi guys! Please support my...