Chapter 14

10 0 0
                                    

AUTHORS NOTE:

sa mga namiss si Dylan..haha opo naiintindihan ko kayo..ibabalik ko na po siya..at mas lalo nyo na makilala ang DARK KNIGHTS.. :)

____________---____

Ilang araw nadin ako nagkukulong dito sa kwarto ko. Si mama? Inaasikaso niya ang libing ni papa. Hindi ko kayang makita si papa na wala ng buhay. Sobrang sakit..

TOK...TOK..TOK

ang kulit naman talaga..

"Gusto ko mapag-isa!!.iwan ninyo ako!!"

sigaw ko sa kumakatok. Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto. Pakiramdam ko ay may nagmamasid saakin.hindi ko makita dahil nakatakip ng unan ang ulo ko at naka balot ng kumot ang katawan ko. Unti-unti ko nilingon ang ulo ko sa direksyon ng pintuan at nakita ko si Dylan na nakatayo at nakatitig saakin. Puno ng lungkot at awa ang mga mata niya..

"Pano ka nakapasok dito?!!" -ako

"KInuha ko susi sa katulong" -Dylan

"Ang kapal din talaga ng muka mong pumasok sa pamamahay ko?!" -ako

"Naki usap ang mama mo saakin na bantayan ka. Ilang araw kana nagkukulong dito." -Dylan

Of all people bat si Dylan pa?!!

"Tumulong ako sa mama mo para sa pag asikaso para sa libing ng papa mo" -Dylan

"salamat sa tulong pero hindi namin kelangan ng kahit anung tulong!!" -ako

Bigla nalang pumasok si Inna sa kwarto at me dalang sopas.

"Lenlen ipinaghanda kita ng....." -Inna

Nagulat ata si Inna at merong lalake sa kwarto ko.

"Salamat Inna, hindi kana sana nag abala pa." -ako

"lenlen sino siya? never pa kasi kita nakita na merong kasamang lalake sa kwarto. Sige maiwan ko muna kayo. Kainin mo na itong sopas bago pa lumamig." -Inna

"salamat" -ako

At umalis na si Inna sa kwarto.

"hindi makakatulong sayo ang pagkukulong dito. Tingin mo magugustuhan ng papa mo nakikita kang ganyan dahil sa kanya?" -Dylan

"Nandito kaba para ipa alala nanaman ang ngyari kay papa?!.Kung tutuusin ikaw ang me kasalanan kaya nawala si papa!!. Puro gulo lang binibigay mo! wala ka naman naitutulong na maganda!!" -ako

OO msayado masakit mga sinabi ko. tuluyan na umalis si Dylan.

_____________---_____________

hapon na ng magising ako. Si shanmar hindi ko padin ma-contact. Hindi niya pa alam ang mga ngyari saakin dito.

"anak?"

tawag saakin ni mama habang papalapit sa kama ko. halata kay mama ang pagkabalisa, lungkot at pagdurusa. pero sa kabila nito, pinipilit niya padin ngumiti dahil yun ang pinanghuhugatan niya ng lakas.

"kumusta ang baby ko?" 

tanong saakin ni mama habang hinihimas ang kamay ko.

"ma , alam mo na ang sagot ko jan" -ako

"after 5 days ililibing na si papa mo. Sobrang pasalamat ko sa mga Garcia at tinulungan ako asikasuhin lahat. napaka bait ni Dylan." -mama

bigla ako nakusensya sa mga sinabi ko kay Dylan..

"Mahal na mahal ko ang papa mo. Sobrang masakit saakin ang biglaang pagkawala niya. Pero anak, kailangan ko magpatuloy sa buhay dahil nandito kapa. Ikaw nalang ang lakas ko anak." -mama

at tuluyan na kami nagyakapan ni mama na merong mga luha sa mata.

Bakit Di ko Pa Nasabi(BDPN) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon