"Shaleen's POV"
~CAN'T LEAVE HIM ALONE by Ciara
~~Its only been three months an i already got it bad
So hood that i keep on comin back
My girlfriends tellin me i don't know how to act
But im tellin them baby bye fall back
Hes so good an he knows how to love me
But so hood an he's so heavy in the streets
Hes mah dude an u betta get used to things
And i don't care what you say about me~~
shemay. hindi ko pa pala napapalitan ringtone ko.
"Hello?"-ako
"Mam Shaleen. pinapatawag po kayo ng papa nyo sa office nya. ngayun na daw po."
"okay i'll be there"-ako
tooot..tooot...toot..(haha tunog ng end call)
ano nanaman ba gustong sabihin ni papa? pwede naman itext nalang oh itawag sakin. oh yung tumawag nga pala eh yung sekretarya ni papa. matagal nadin syang sekretarya ni papa. kaya lahat ng mga lakad ni papa alam nya.
"Goodmorning Ms. Esteban"
bati saakin ng mga empleyado pag tuntong ko sa building na pag mamay ari namin. kami ang may ari ng ***** Company.
*TING*
nan dito na ako sa 9th floor. ambilis ko?. haha
"nasan si papa?". tanong ko kay Emelda. ang sekretarya ni papa.
"pasok po kayo sa loob. nasa office sya. hinihintay po kayo"
at tuluyan na ako pumasok sa loob ng office.
umupo ako sa sofa.
"lenlen dito ka maupo sa harap ko at may pag uusapan tayo"- papa
"ano nanaman ba pag uusapan natin papa?. sinabi ko na sayo na ayoko i handle ang kumpanya. wala kang maasahan sakin!"
"ikaw lang ang ka isa isa kong anak lenlen. matanda na ako. gusto ko na magpahinga. kahit ang mama mo pagod na sa pag handle ng kumpanyang ito."
naawa ako sa kanila. gusto ko sila tulungan. ngunit paano? wala ako alam sa pagpapatakbo ng isang kumpanya.
"bago man lang sana ako mamatay anak. gusto lang kita masilayan na bumalik sa dating lenlen na anak namin."
lumabas ako ng office habang pinipilit pigilan ang luha na sa isang saglit ay tutulo na.
umuwi ako ng bahay tumakbo papuntang kwarto.
iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko.
mahal na mahal ko ang pamilya ko. bakit pati sila nadadamay sa kagaguhang pinag gagawa ko.
tOK..TOK..TOK
"lenlen anak? bakit ka umiiyak?"
si mama. ang babaeng nanjan parati saakin.
tumabi sa akin c mama sa kama habang umiiyak ako.
"Mama. pwedepo ba ako humingi ng pabor?"
hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
"maari mo bang akong yakapin mama?"
at dun na tuluyang umagos ang luha ng kanina ko pa pinipigil.
tama sila.
kelangan ko na makalimot sa masakit na nakaraan.
ibabalik ko na ang lenlen na gusto ng lahat.
kakalimutan ko na ang lalaking nagpaiyak at sinaktan ako..
magmamahal akong muli..
-------------------------------------------------
**AUTHORS POV**
uwaaaaa....babalik na si lenlen.. im so thankful naman..
tama yan kalimutan na nya c jake!!
dedicated kay @MarShygurl na super duper supportive saakin na ipagpatuloy ko daw tong istorya ko...
_bamaLditah_