Chapter 1

7 1 0
                                    

Athena's POV



"SABI ng teacher mo nalipat ka ng section, regular section kana hindi kana sa pilot section!" sabi ng mama ko habang kumakain kami.



Well wala naman talaga akong ginawang mali ano? Sadyang hindi talaga masaya sa pilot section, masyadong serious wala ng fun. Tumango nalang ako kay mama. Nag-ayos na ako ng sarili ko para makapasok na rin ako medyo bago-bago muna ako dahil hindi ko pa kilala masyado ang bago kong mga kaklase. Hindi ako nainform kung ano yung section ko pero alam ko na sa regular section na ako.



Sumabay ako papasok kay ate, "te pasabay!"



"Eh ang aga pa e?" tingin naman sya bigla sa relo niya.



"Oo pero kasi... hahanapin ko pa section ko" sagot ko naman.



Sumakay na kami sa car niya at nagbyahe na. Tahimik lang ako kasi nag-iisip ako pano ko i-introduce yung sarili ko mamaya!! Nakakaloka na to!



hi everyone? Ganon ba dapat? Hello classmatessssss? Paano ba kasi? Hay bwiset! Bahala na nga!



Nakarating na kami sa school kaya naman nakapaglibot na rin ako, hehe ang laki pala nito nakakaasar ang tagal ko na sa school na to pero di ko pa rin kabisado yung daan. Kahapon ko pa iniisip kung saan ba ako napunta pero okay din pala yung desisyon kong pumasok ng maaga mukang matatagalan ako sa paghahanap.



Naglakad lakad ako, actually grade 10 palang ako. Sana mabait yung classmates ko or more like sana yung mga kaklase ko nalang nung grade 7 ako. Nagpunta ako sa hanay ng mga grade 10 rooms. Well puno na pala agad yung mga rooms kasi excited sila? Ewan ko basta ako hindi.



Reyes, Reyes, Romero, Ayun! Tolentino!



Dito pala ako, pumasok na ko at...AT!!!



OMG! KAKLASE KO NUNG GRADE 8! Agad akong umupo sa upuan ko at nakita naman ako kaagad ni Alexa!



"Athena!! Bakit ka andito??" nagtatakang tanong niya.



"Bumaba ako ng section e, basta long story!" sagot ko naman. Tas tumango siya.



Inaya niya ako na lumabas muna, hehe andito sa section na to yung nakamabutihan ko ng loob noon, charot! Pamaya-maya naman nagring na yung bell kaya pumasok na rin kami.



"Good morning grade 10 students! Kamusta naman ang bakasyon niyo?"



"Hindi masaya!!!"



"Kulang!"



"Bitin ma'am!"



"We want more! Charought!"


"Ako kasi excited kaya sa first day of school nyo is magbibigay ako ng assignment!"



(╬⁽⁽ ⁰ ⁾⁾ Д ⁽⁽ ⁰ ⁾⁾)



Napa-ohh yung mga kaklase ko! Shuta naman kasi assignment agad! Wala na nagkalintik-lintik na. Akala ko masaya to letche sabi ko pa naman yung grade 10 life ko is enjoy ko lang. Mabilis lang natapos yung klase ni Ma'am Samantha. Recess na namin kaya inaya ako ni Alexa.



Bumili lang ako ng tubig ko saka candy di pa naman kasi ako gutom nastress ako sa first day ng klase. Assignment ka-agad! Nagpunta kami dun sa puno ng acacia tas umupo kami meron kasing upuan sa ilalim non!



Teacher's Love? Love.Where stories live. Discover now