Athena's POV
UMAGANG kay bwiset! Kasi diba sinasak ko yung cellphone ko BAGO AKO matulog! Eh putcha! Di pala nakasaksak mabuti! Ayon, bat-low! Di ko tuloy madadala sa school to, epal, nako nako! Tas late pa ko nagising kasi nga tinapos ko yung assignment ko kagabi tas di pa ko makamove-on sa ginawa ni Sir na paghatid sa akin! Alam nyo? Hindi! Kasi di ko pa sinasabi! Choz... So kasi kagabi habang kinakain ko yung ice cream napapangiti ako? Kasi ang cute cute ni Sir sa suot nya kagabi!
Pero, tigil. Malalate na ako! Sumabay na ulit ako kay ate, nakakastress ang second day! Nasa room na ako pero sumalampak lang ako sa upuan ko, dumudok ganon, bad trip ako! Di ko pa pinapansin si Alexa o siguro absent siya kasi nga nagchat sya kagabi nilalagnat daw siya.
Nilagnat kasi di nagkatuluyan yung ship nya sa isang movie.
Pamaya-maya lang nagsidatingan na yung mga teachers namin wala akong pake, nagdiscuss sila pero sige, hindi naman ako tamad...well ngayong araw lang naman. <33
"Oy Athena, tawag ka sa faculty!" sigaw ni Rain, tumayo na ako tas napansin ko siyang sumusunod.
Tumaas yung kilay ko, "Eh akala ko ba ako lang? Eh bat ka sumusunod?" mataray kong sabi sa kanya.
"Sungit mo naman, meron ka no!" inirapan ko nalang siya, "tayo kasing dalawa yung tinatawag wag kang selfish!" sabi nya saka nag make face!
Naglakad na kami, malapit lang naman pero tinatamad talaga ako. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino, sino ba kasi yung lintek na magpapapunta pa samin sa office! Dapat sya nalang nag adjust! Ano siya gold? Nakarating na kami tas magtuturo pa siya kung sino yung kakatok sa pinto ng office! Ending siya yung nagkatok, nakatanggap ng batok sa akin e!
"Hello good morning po, Ma'am Agnes." bati nya rito. Che, kala ko kay Sir pupunta!
"Oh kayo pala," sabi niya saka may kinuha sa bag niya, O_o naglabas ng lipstick at ng salamin! Aba nakuha pa niyang magretouch! "Pinatawag ko kayo kasi nakatanggap ako ng isang chat na want kayo bilang mag head ng isang project ng school" dagdag niya.
"Anong project po?" tanong ulit ni Rain.
"Isang project event kasi ito, parang intrams, alam ko matagal pa ito pero sinabi ko sainyo to para habang tumatagal ang araw ay napaghahandaan niyo na." sabi ni Ma'am na tinanguan lang ni Rain, "is that okay with you, Ms. Tolentino?"
"Ah badtrip ma'am meron ho yata siya ngayon," sinamaan ko ng tingin si Rain! Naaninag ng mata ko na napatingin si Sir Eian sa amin pero di ko pinansin. Tumango nalang ako kay maam para makaalis na kami.
Nagpaalam na si Rain kay Ma'am Agnes, papalabas na sana kami ng office nang biglang may tumawag sa surname ko.
"Ms. Tolentino."
Nung una, nairita ako kasi di ko pa nakikita kung sino yung tumawag, tapos nairita rin kasi may hadlang na naman sa pag-upo ko. Nung nakita ko na, nabago yung mood ko! Si Sir Eian pala yung tumawag!
"Ms. Tolentino, may sasabihin lang ako. Wait mo nalang ako sa labas, uhm you can go, Rain" napasmirk ako sa isip ko, HAHAHHAHAHA!
Kagaya nga ng sabi nya, hinintay ko siya sa labas ng office, maganda naman view dito, mahangin din kasi nga second floor, choz ang totoo hindi talaga! Puro bubong lang ng bahay makikita mo rito minsan may nakasampay pang damit oh diba, sanaol! Ang tagal naman ni Sir, nakakainip ha. Choz.