Chapter 4

7 0 0
                                    

Athena's POV

Yey! Nasa mood na ako, full charge na cp ko tas ang daming ganap sa gc namin, want ni Sir na magkaroon ng gc na kasama sya with us don't be formal daw masyado kasi parang tropa-tropa lang daw dapat kami ron, ang ingay ingay ng gc namin tas video call daw nagulat nga ako nung una kasi sumama sya sa video call na yon tapos nakikita ko na sunod-sunod na rin yung mga sumama sa call pero di pa rin ako sumama.

Ang saya siguro nung pinag-uusapan nila kasi nagsend yung kaklase ko ng screenshot nilang mga nasa video call habang nanonood ng cocomelon. Oh diba ang saya. Andito ako sa bahay sobrang aga pa kasi para pumasok sa school, naligo muna ako at kumain na rin para naman may laman din yung utak ko.

One message

May nagchat sa gc, ayoko pa sanang basahin pero nagsunod-sunod na yung mga chats ng kaklase ko kaya binasa ko na.

Eian Valencia: bring your materials sa arts natin ha? Bond paper o mas maganda if Oslo paper, crayons kahit ano pa yan basta hindi yung mga jowa na binansagan nyong nagbigay ng kulay sa buhay nyo. Magdala kayo ng pencil, scissors, at mga pang design gagawa kayo ng bookmarks with name of person you want to thank, and the people you love pwede rin.

Eian Valencia: Kapag walang dala minus ha? See you later!

Ang hilig nya magminus siguro nung student din to panay minus sa kanya nung teacher niya.

Bago ako pumasok sa school nanguha muna ako ng mga gamit ko sa arts kineme, tas nung nakuha ko na umalis na rin ako. Sino kaya yung lalagyan ko, si alexa una, well tatlo daw e, pwede bang teacher? Si Sir kasi gusto ko magthank you sakanya nung binayaran nya yung pinamili ko. Tas yung ice cream na binigay nya sa akin.

Yung mga design na dinala ko is may yarn tas nagprepared ako ng mga bible verse like mga favorite kong verse tas sa likod name nila para sweet and maganda. Mamaya pa naman yung arts kaya nilagay ko muna sa locker yung gamit ko medyo madami kasi. Pumunta muna ako sa locker ko tas nakita ko si Rain.

"Oh, andito ka pala?" tanong niya habang inaayos yata yung gamit nya sa locker.

"May ilalagay lang ako." sabi ko saka tinungo yung locker ko. Maayos naman to, di lang niya schedule ngayong araw.

"Oh, mamaya palang arts ha? Bigyan mo ko ng bookmark ha? Bibigyan kita kasi...uhm wala lang." sabi nya saka tumawa, nagtataka ako e ang daming friends nito ano wala ba siyang matatanggap?

"Oo na, sige. Mamaya kita bibigyan susurahan ko nalang" sagot ko sa kaniya, syempre joke lang no, graded kaya to baka mamaya masita pa ko ni Sir HAHAHAHA!

"Oo sige basta galing sayo tatanggapin ko, gusto mo ipaframe ko pa e!" sabi niya tas napangiwi nalang ako.

Matagal nang may gusto si Rain sa akin, inamin niya nung grade 8 ako sabi niya 'till now daw crush nya pa rin ako, prinangka ko na siya noon sabi ko wala siyang pag-asa sa akin lalo na yung mga relationship status na ganon ganon kasi bata pa ako non, wala pa akong alam non sa lovelife lovelife na yan. Andami naman kasing nagkakacrush sa kaniya pero bakit ako diba. Gwapo naman si Rain, mabait pero maloko. Mayaman siya pero wala naman sa akin yon no, kahit ano basta mabait keri lang yung ano ko lang di pa ako handa.

Kung tatanungin mo ko ngayon, hindi pa rin. Matagal tagal na akong walang nagugustuhan hindi ko alam okay naman si Rain pero ayaw talaga ng katawan ko. Masyado kong siniseryoso yung lovelife pag naiinlove ako parang nega nega yung dating sa akin non. Pero tama na nga, hinayaan ko nalang siyang magkagusto sa akin, sabi niya kahit ayaw ko raw wala akong magagawa kasi gusto niya. Alam ko namang titigil din to pag nakahanap na siya ng forever niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Teacher's Love? Love.Where stories live. Discover now