Chapter 2

6 1 0
                                    

Athena's POV



"SERYOSO?! sana pala sinama mo ko! Crush ko yun e si Sir Eian! Diba bukod sa mabait," mabait naman talaga bwiset lang, "matipuno pa," tumango naman ako, "tapos diba ang lakas ng dating nya?" tumango ako ulit, "Tapos nasa mga edad 20-24 lang siya kaya pwede sa ages natin!"



"Sira! Bawal yun!"



"Alam ko! Makabatok naman to!! Sakit ha!"


natawa nalang ako sa reaction niya, pero totoo naman kasi gwapo at matipuno si Sir Eian at mukang bata pa, gwapo sya tas gwapo mahilig magsmirk at magsmile kala mo hobby nya tas iba kasi yung smile nya e nakakafall pero bawal yan! Child abuse! Baka masisante siya! Cute nya naman tas napakatangkad nya mga six footer yata. Minsan lang ako magkaroon ng teacher na ganoon, bata saka maloko tingin ko lang naman.




"Pero di nga? Sinapo nya yung ulo mo para di ka mabagsak?" nakwento ko rin sa kanya yung pagkakadulas ko nasabihan pa nga kong tanga.




"Oo sinapo nya akala ko nga isasayaw ako kasi dibaaaaaaaa sa mga nagsasayaw diba yung parang liliyad ka tas aalalayan ka nila ganon ang posisyon namin te! Kaloka!" sabi ko habang inaalala yung nangyari kanina.




"Eh bakit ka nga ba kasi nadulas? Na-fall ka no!" sabi nya sabay kiliti sa akin!




"HOY HINDI NO!" sabi ko saka tumakbo kasi kikilitiin na naman ako ni Alexa pagnagkataon!




++++++++++++++++++++++++++++




Room------




Nagdiscuss ng nagdiscuss yung mga teachers namin at nag-uwian na rin, di ko alam na meet ulit namin si Sir Eian pero parang wala man sakanya yung nangyari kanina, wala naman talaga pero sa akin...oo sige wala na.




Susunduin daw sana ako ni ate kaso may biglaang meeting sya kaya naman uuwi ako mag-isa may kasabay umuwi si Alexa e kaya deretso syang uuwi. Naglalakad lang ako malapit lang naman sa bahay yung school exercise na rin to. Medyo mag gagabi na pero di pa rin ako umuuwi tumambay muna kasi ako sa parke na malapit sa plaza, pinanood ko yung sunset ang ganda kasi. Ang daming naglalaro ditong mga bata kasama yung mga aso nila, ang saya saya nila inggit ako.




Masaya naman talagang maging bata yung wala ka pang problema saka minsan ka lang mapagalitan non kapag nagkasugat ka habang naglalaro ka HAHAHAHA! Minsan dito mismo sa inuupuan ko naghihintay ako ng milagro minsan may tetext yung nanay ko, nasaan na raw ako, minsan sasabihin niya niluto nya favorite kong ulam, minsan din tatawag sya na kasama na naman daw ako sa honor, kaya milagro ewan ko rin bakit pag andito ako puro good news yung balita sa akin.




Habang nakaupo ako rito lumiit bigla yung mata ko para makita ko kung sino yung naglalakad papunta dito sa nag iice cream, nasa tabi ko kasi yon, Matangkad tas parang familiar yung damit nya?? si Sir??




"Ms. Tolentino?" tawag niya.




"H-hi Sir!!" nakakahiya bat andito to?




sumilip muna sya sa kanan saka sa kaliwa, "wala kang kasama?"




umiling ako, tumango naman siya "kuya tatlong ice cream nga," sabi nya dun sa kuyang nag iice cream.




Teacher's Love? Love.Where stories live. Discover now