Chapter 19: Kay Tanga

448 29 3
                                    

Amy's POV

Nagising ako sa lakas ng ring ng phone ko, nakalimutan ko nanamang i-silent kauwi kasi namin ni Laney kagabi agad din kaming nakatulog, napagod kami sa byahe sobramg traffic kase kaya ayun dina kami nakapag usap.

"Hello" sabi ko nung kasagot ko sa phone, diko alam kung sino to kase medyo nakapikit pa ung mata ko nung sinagot ko.

"Asan ka?" Tanong niya

"Nasa bahay, sino ka ba?" Medyo inaantok pa na sabi ko

"Papatulong sana ako sayo, si Thea to par" napatayo ako tyaka ko tinignan ung screen ko, di naka register ung number.

"Bagong number mo?" Tanong ko, napatingin ako sa katabi ko na natutulog paren kaya lumabas ako ng kwarto ko para di siya magising.

"Oo, so ano tutulungan moko?" Tanong niya

"Saan ba?" Kinusot ko ung mata ko, inaantok pako e

"Bibili sana ng regalo para kay Laney, ikaw lang kase ung kilala kong nakakakilala talaga sakanya" sabi niya sa kabilang linya, alam ko naiinis sakin to dahil dun sa nangyare nung birthday ni Laney eh, baka wala na talaga siyang choice

"Teka anong regalo? Para saan?" Tanong ko kase alam ko tapos na birthday ni Laney tapos matagal pa ung pasko

"Diba nga tatanungin ko na siya kung pwede ba siyang maging girlfriend ko, par next week na un" para siyang natataranta pero teka ano? Bat ako kinakabahan alam ko naman na hindi niya sasagutin e pero kinakabahan paren ako.

"Bat dika nalang patulong kay Jaydee?" Tanong ko tutal close din naman sila e

"Ikaw nalang, ayaw nya kong samahan" napamura ako sa isip isip ko 'alam naman ni Jaydee na ayaw kong kasama to. "Sige na please"

"Titignan ko par" sabi ko "kailan ba?"

"Ngayon na sana e" napatingin ako sa oras ng cellphone ko "puta 5 o'clock in the morning, okay lang to?'

"Tangina naman par 5 palang e" medyo naiinis na sabi ko

"Joke lang, maya maya mga before lunch"

"Wala bang pasok?" Kunot noong sabi ko, lunes kase ngayon

"Ayy meron pala, after class nalang" sabi niya

"Osige, hintayin mo nalng ako sa room nyo" sabi ko tyaka ko pinatay ung call.

Bumalik ako sa kwarto pero hindi ako tuluyang pumasok, sinilip ko si Laney na sobrang himbing ng tulog.

Sana hindi ka makunsenya pag nakita mo siyang nakaluhod sa harap mo at tanungin ka ng 'will you be my girlfriend'

Our Promise (LAMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon