Chapter 25: Unang Away

495 32 4
                                        

Laney's POV

Akala ko mag seselos siya pag lagi akong nadikit kay Thea kaso hindi pala mas nag seselos pako na nakikita ko siyang masaya pero di saken.

"Tulala ka dyan?" Tanong ni Thea

"Ahh wala" sabi ko at napatingin ako sa pwesto nila Amy. Nandun lahat sila tapos nakahiwalay nanaman kami ni Thea, kahapon kami nag start mag rehearse pero hanggang ngayon nakahiwalay paren kami sakanila.

"OWEMJIII KAYO NA? CONGRATSS!" kunot noong nakatingin lang ako sakanila "PERFECT COUPLE TALAGA KAYO!" ano ba tong sinisigaw ni Coco

"Tara"

"H-huh?" Bigla akong hinila ni Thea papunta dun

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL" sigaw ulet ni Coco

Napatingin ako sa pinapalibutan nila, si Jaydee at Amy.

Akala ko ba kaibigan ko to? Bakit niya jinowa si Amy.

"K-kayo na?" Nangingig ung boses ko shet di pwede to

"Oo, kakasagot lang sakaniya ni Amy.. Sweet nila no" sabi ni Ate Gabb

"Oo Sobra" ngumiti ako ng pilit tyaka ako umalis dun

"Laney, h-hindi.. Saglet lang" rinig kong sabi ni Amy pero diko siya pinansin at nag tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad.

Bakit ba ako naiiyan, nakakainis! Bebang si Amanda lang yan please lang. Ayaw tumigil ng luha ko sa pag bagsak tuloy tuloy lang siya.

Nag lakad lang ako ng nag lakad hanggang sa mapunta ako sa Play ground malapit sa school at pumasok ako sa isang slide ung slide kase dito may box siya sa taas dun ako nag stay.

Napayakap ako sa dalawang tuhod ko tyaka ko binuhos ung sakit, napahawak din ako sa dibdib ko. Ang sakit tangina bakit si Amy pa.

"KINGINA NAMAN!!" Sigaw ko, wala namang tao dito e.

Ang sakit sobra, di bale sana kung ibang tao e tyaka nag kalakas narin ako ng loob para Sabihin kay Thea lahat e na mali siya ng narinig at mali siya ng pag kakaintindi pero bakit ganto pa, parang ayaw ko nalang munang sabihin kay Thea.




_______________

Amy's POV

Nakita kong hinabol ni Thea si Laney pero alam kong hindi niya mahahanap si Laney.

"Bat niyo kase sinabi un e!?" Inis na tanong ko sakanila

"Di naman pwedeng ikaw lang ung nag seselos no!" Sabi ni Coco

"Tyaka makiride ka nalang muna, gusto namin silang mag hiwalay" sabi ni Jaydee

"Nasisiraan na ba kayo? Bakit hindi nalang natin sila hayaan!" Sabi ko at tumayo nako para hanapin si Laney

"Hindi kami dumating sa buhay nyo para hayaan kayong malungkot" napatigil ako sa sinabi ni Ate Ruth

"Ayaw naming mawala si Laney samin ng dahil kay Thea, Kaya ikaw umamin ka na!" Sabi ni Ate Gabb

Our Promise (LAMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon