PROLOGUE

29 4 0
                                    

"Alam kong matagal mo na akong hinahanap." Tinig na unang bumungad kay Vester nang pasukin nito ang madilim na silid na siyang kinaroroonan ng naturang salarin na nakapaslang sa nobya niya.

Buong tapang niyang pinasok ang nasabing silid na tanging lumang rebolber lamang ang dala-dala. Sa kagamitang iyon namatay ang nobya niya kaya naman sa paraan ding iyon nais niyang dumanak ang dugo ng naturang salarin.

Ang bawat yapak na ginagawa niya ay lumilikha ng mga tunog na animo'y sa mga horror movie mo lamang maririnig. Bawat tunog ay tila ba nagbibigay ng sindak sa kung sinuman ang makaririnig niyon. Ngunit hindi man lang natinag ang naturang salarin sa kabila ng panganib na kanyang kinakaharap sa gabing iyon.

Nagngingitngit man sa galit ay may pagkamangha pa ring pinagmasdan ni Vester ang kalmadong awra at ekspresyon nito na nakuha pang maupo na para bang naghihintay lamang ng isang panauhin na darating.

Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa; matanda na ito. Kulubot na rin ang mga balat nito sa suot niyang manipis at tagpi-tagping asul na kamesa de tsino at manipis at kupas na pajama naman ang pangibaba nito na balot pa sa dumi at putik.Sa wangis nito ay nabakas niyang pagsasaka ang ikinabubuhay nito base na rin sa mga kagamitang nakakalat sa labas ng naturang baro. Mas lalo pang nagpaawa sa kalagayan ng matanda ang payat nitong pangangatawan at ang sunod-sunod na malulutong na pag-ubo nito.

Nakakaawa man itong pagmasdan ngunit hindi iyon ang pakay ng binata sa kanya. Hustisya ang sigaw ng isipan niya at paghihiganti ang sumasakop sa buong pagkatao niya.

"Matanda na ako at mahina na. Kung inaasahan niyong lalaban pa ako sa inyo para tumakas at magtago, hindi na. Masaya na rin akong umabot sa ganitong gulang." Hindi pa rin makuhang tumingin ng matanda sa binata sa pagkakataong iyon. Nasa malayong silangan ang tingin nito na animo'y naghihintay lamang sa muling pagsikat ng haring araw.

"Kasama ba sa kasiyahan na iyon ang makapaslang ka ng inosenteng buhay?" Nanginginig sa galit na tanong ng binata.

Sa puntong iyon ay napabuntong hininga ang matanda at nilingon siya nito sa unang pagkakataon. May luha itong ngumiti sa kanya sabay tumango.

Tila nanlambot ang tuhod ng binata sa narinig nito at napaupo ito bigla sa sahig sabay bitaw sa rebolber na hawak-hawak nito at humagulhol ng malakas.

Mula sa kinauupuan nito ay bumulagta sa sahig ang naturang matanda na nag-aagaw buhay. Sa bibig nito ay may lumabas na isang pulang likido na kumalat naman sa sahig na siyang kinahahandusayan nito.

Biglang bumukas ang pinto sa silid na kinaroroonan ni Vester at doon ay pumasok ang isang hindi inaasahang panauhin; si Celestine, ang babaeng kasulukuyang tinitibok ng puso niya at ang nag-iisang anak ng naturang matanda.

The Lost Prince Of BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon