IKALAWANG KABANATA

20 5 4
                                    

ISANG BISITA
SA
MUNDO NG MGA DIWATA

Halos isang oras ding walang malay si Miguel sa lilim ng punong acacia na siyang kinahihimlayan niya. Tila ba malayang naglalakbay ang isipan niya malayo sa totoong mundong kinaroroonan niya. Sa kabutihang palad naman ay may mga napadaan sa gawing iyon at nang makitang duguan at walang malay ang lalaki, dahil na rin sa tinamong sugat nito sa braso, ay dali-dali nila itong binuhat at dinala sa kanilang tahanan upang ito'y magamot at makapagpahinga ng maayos. Pinalitan din nila ang suot nitong damit at ginamot ang tinamong sugat nito sa braso.

(Sana hinayaan niyo nalang 'yan. Hindi na sana hahaba ang kwento ko. Kastress!)

Sa pagtugtog ng ikalabinlimang kampana ay nanumbalik muli sa kanyang sarili ang dalawampu't apat na taong gulang na si Miguel na mula sa napakalalim na pagkakahimbing. Idinilat nito ang kanyang mga mata ngunit agad din namang napatakip dahil na rin sa silaw na tumatama sa kanyang paningin.

Makinang ang paligid ng silid na siyang kinaroroonan niya na sadya namang nakasisilaw sa paningin. Tila ba hindi na kailangan ng bumbilya ang silid na iyon dahil sa liwanag na meron ito sa loob.

Isa rin sa nakapukaw sa kanya ay ang mga halamang nakapaligid doon. Kakaiba ang mga tanim na halaman ang naroroon at sa tanang buhay niya at ni hindi pa siya nakakakita ng gano'ng uri ng halaman. Sari-saring bulaklak din ang naroroon at kada isa ay may tinataglay na kakaibang halimuyak na animo'y pinaliguan ang mga ito sa isang mamahaling pabango. May pula, kahel, lila, asul, at samu't saring kulay ng bulaklak ang naroroon at iba't iba rin ang laki at sukat ng mga ito.

Tila ba naaaliw si Miguel sa kung anong nakikita niya kaya naman hindi maalis sa isipan niya ang katanungang: "Patay na ba ako?"

(Oo dear! Patay ka na. Please be dead Miguel! Hindi mo gugustuhin ang role mo!)

Sinampal-sampal nito ang pisngi at kinagat-kagat ang kanyang labi ngunit tanging kirot at dugo lamang sa labi ang inabot niya. Sa isang kisapmata ay bumalik sa isipan niya ang mga naging kaganapan dahilan upang maalala nito ang sugat na tinamo niya sa kanyang kaliwang braso. Sa puntong iyon lang din niya napuna ang bagong kasuotan na suot niya. Nakabenda rin ang kaliwang braso niya kung saan naroroon ang kanyang sugat na medyo kumikirot pa.

"Nasaan ba ako? Paano ako napunta rito?" Sumasaging tanong sa isipan ni Miguel habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng naturang silid.

Tila dininig naman agad ng langit ang mga katanungan nito sa agad na pagbukas ng pinto ng silid. Mula roon ay lumabas ang isang imahe ng babae.

(Kung sino ka man pakipatay si Miguel, please. Nagsusumamo ako!)

Nakasuot ito ng puting kasuotan na abot talampakan ang haba. Nbabalot naman sa mga palamuti ang buong katawan nito gaya na lamang ng mga pulseras na kulay ginto sa magkabilang kamay nito at maging sa paa. Gano'n din naman ang mga gunting hikaw na nakapalamuti sa tenga nito at ang malahiyas nitong kwentas sa leeg na animo'y nabibilang ito sa mga royal class family.

(Shutek! Akala ko nurse. =D)

Tahimik itong nagdire-diretso sa loob dala-dala ang isang sisidlan na may laman na mga pagkain. Hindi baga alintana nito kung ano ang panganib na naroroo't kasama niya sa loob ng silid. Wala rin itong kamuwang-muwang sa kung anong klase ng pagkatao meron ang lalaking pinatuloy at pinakikitaan niya ng mabuting loob sa silid na iyon. Mahinhin nitong inilagay ang bitbit na sisidlan sa ibabaw ng mesa na nasa tagiliran lamang ng kinaroroonan ng kriminal.

(Naku 'te! Sinasabi ko sa'yo patayin mo na yan si Miguel bago ka maunahan niyan!)

Sa kabutihang palad naman ay walang pakialam itong si Miguel sa naturang dalaga. Wala itong kibo at tanging pinagmamasdan lamang nito ang paligid na para bang takang-taka pa rin kung paano siya napunta roon.

The Lost Prince Of BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon