"Ma, pa, yung pusa ko pakainin nyo." Pagbibilin ko sa pusa kong si snow at sumakay na sa bus. Pumunta ako sa pinaka dulo at umupo sa dalawang bakante ng upuan malapit sa bintana. Paniguradong aabutin kami ng ilang oras kaya't kinuha ko ang jacket ko at natulog, ngumiti ang driver sa amin bago pinaharorot ang bus.
Weird.
Napaka boring ng katayuan ko ngayun, ultemo music ay parang lamay sa pandinig ko.
Bakit nga ba ako nandito?
Masasabi mong swerte ako sa lagay na meron ako ngayun dahil nakapasok ako sa isang sikat at magandang unibersidad. Ngunit para sa akin ay hindi, malayo ito at halos kagubatan pa ang dadaanan mo, bawal magdala ng kahit ano mang gadget na konektado sa labas, bawal ang dalaw ng kahit sino man.
"Excuse me, pwede bang makiupo?" Tugon sa akin ng babae.
"Ah, oo sige lang." Pag ani ko sabay tango.
"Parang nakita na kita dati, familiar yang kwentas mo." Nagtatakang tanong nito sa akin.
"S-saan?"
"Nandoon ka ba sa opening ng shop kung saan may mga babaeng nag hahabulan dahil sa kabet ng asawa nya?"
"Sa kabet ng asawa nya?" Sabay na ani naming dalawa, mamatay-matay kami sa tawa habang nakahawak sa tiyan ay panay hampas sa upuan na nasa harapan namin.
"Kaya pala familiar ka eh, nakapasok ka din pala dito?"
"Oo, pinilit ako ni mama e, actually wala akong balak na pumasok sa ganoong klase ng paaralan." Totoo...
"Amber." Abot nito ng kamay habang nakangiti sa akin, sinalo ko ito at nag pakilala.
"Ave---."
"Kayong dalawa, hindi nyo ba napaghahalataang naiingayan kami sa mga boses nyo? Nakakarindi, kaya pwede manahimik kayo?" Tiningnan ng masama ni Bea ang babae at ngumiti.
"Takpan mo tenga mo, miss." Pang iinsulto ni amber, HAHAHAHAHAHAHAHA maganda maging kaibigan 'to. Tiningnan nito si amber ng masama.
Ang pagkakaisip ko ay alas-singko ng umaga kami umalis at sa kwenta ng utak ko ngayun ay nasa alas-sais na ng gabi. Nahinto nalang ang isip ko ng huminto din ang bus na sinasakyan namin. 'FINALLY'......
Bumaba kami ng bus at agad kong inilibot ang mga mata ko, halos himatayin ako ng makita kong gaano kataas ang pader na harang nito mapalabas, kaliwa, kanan at likod. Kung susumahin ay nasa 5th floor ang taas ng pader.
"Welcome, students." Nakakalokong ngiti ng isang lalaki ng mag salubong ang tingin namin.
"Pasok."
"Tara." Alok ni amber at agad hinawakan ang kamay ko, hindi ko alam ngunit pagpasok pa lang namin ay agad nantindig ang balahibo ko maging ang katawan ko ay nanginginig.
"Tanga."
"Bobo."
"Walang isip."
"Mga inutil."
Bago pa kami tuluyang makapasok sa building kung nasaan ang kwarto namin ay may maliit na lalagyan ng maliit na papel ang ibinigay sa amin ng isang lalaki.
"Bumunot kayo, ang grupong makukuha nyo ang siyang pupuntahan nyo." Wala sa mood na ani sa amin ng lalaki, trip nito?
Sinunod lang namin ito at kumuha ng maliliit na papel. Binuklat ko ito at tumambad ang number na nasa loob '11'.
"Anong nakuha mo? 11 yung akin---."
"Oy, magkagrupo tayo yeyyyyyy!" Pag cheer naman ni amber.
"Wala ka bang napapansin?" Tanong ko dito habang nakatingin sa palibot ng building. Malinis ang labas, maaliwas ngunit kong sisilipin mo ang loob nito ay matatanaw mo ang sapot ng gagamba at maalikabok na gilid, dagdag na din ang makalat na mga papel.
"Meron, ang ganda dito nakaka excite. Madaming pogi dito panigurado." Huh? Tumango nalang ako at nag hintay.
Ilang minuto lang ay may papel na binigay sa amin ang lalaki, dalawa lang kami ni amber na nakabunot ng 11th kaya't kaming dalawa lang ang tumatahak sa direction na binigay sa amin.
"Ave, ito na yata yun." Pag pundo namin sa isang kwarto na nakaukit ng number 11.
"Siguro nga, tara pasok tayo."
"HOY, MGA MANYAK, KA-BABAE NINYONG TAO MGA MANYAK KAYO." Pag sigaw ng lalaki ng pumasok kaming dalawa ni amber.
"Ganto nalang ba ako kagwapo para manyakin nyong dalawa?" Mangiyak ngiyak na saad naman nong isa.
"Mga ulol, nandito kami dahil ito ang ibinigay na kwarto sa amin, bakit kayo nandito? Mag si labas nga kayo, kwarto namin 'to." Pag depensa ko sa sakanila
"Ito nga, pasok kayo." Nakangiting saad nong nakahubad.
"What the fuck? Lumabas nga kayo, wag nyo sabihing tabi-tabi tayo matulog." Naiinis na ani ni amber.
"Hindi ba kayo na inform, miss, wag kayong mag alala hindi kami manyakis. Tabi-tabi, no no no. May sarili kayong kama pwede niyo gawin lahat ng gusto niyo, walang pakialamanan, paalisin niyo man kami wala kayong magagawa iyun ang sabi sa amin."
"Wala bang utak namumuno dito?" Pabalang ko, sinong tangang mag sasabay matulog ang lalaki't babae sa iisang kwarto?
"Hoy, zero. Akala ko ikaw lang sa atin ang walang utak? May kalahi ka?" Payat ang lalaki, maputi at may awra.
"Oo, proud ako, ivan." Ang sinasabi nitong ivan ay maganda ang katawan, tindig at may awra din ito.
"Nag-away ang mga bata." Ani naman nong isa.
"Palibhasa matanda ka na, uncle KD." Gwapo ito, singkit at medyo matangkad din.
"Mag rereklamo ako!" Naiinis na sigaw ko habang pinapadyak padyak ang paa ko pababa ng hagdan.
"Walang makikinig sayo, miss. Kung ako sayo, pumasok ka na dito." Huminto ako at tumingin saglit, okay lang sige. Wag sila magkakamali. Pumasok ako at umupo sa kama ko.
"Kakarating niyo lang?" Tanong ni zero kay amber habang nagpapapogi.
"Hindi ba obvious, saka tigilan mo yang papogi mo mukha kang tukong kulang sa suklay, umalis ka nga sa harap ko." Nagpipigil akong nakatingin kay amber at kay zero, habang ang dalawa namang lalaki ay halos himatayin na sa tawa.
"Matagal na kami dito---." Lumagapok ang ulo ni zero ng hampasin ni amber ng babasaging lalagyan ng tubig. Ayan wag kase makulit HAHAHAHAHAHAAHHAHAH.
"Nice try, zero." Natatawang ani ni ivan.
"Averill, hi." Umupo ito sa kama ko at ngumiti, si kd kuno.
"Paanong---."
"Look." Turo nito sa bag ko. "Averill." Napakamot ako sa batok ko habang nakatingin sa bag ko, may tahi ito.
Habang nag aaway ang apat ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking tahimik habang nagbabasa ng libro, mahaba ang buhok, kunti nalang ay maabot na ang balikat nya. Maputi ito, maganda ang katawan at tiyak na matangkad ito.
"BoOooooO. Bakit mo tinitingnan si hayden?" Pag kibot sa akin ni ivan. Hayden pala ang pangalan nya---, wait, bakit ako na e-excite?
"Huh? Hindi, inaantok ako. Goodnight." Bago ako pumikit ay nahagip kong tumingin ito.
"Hayden, bakit nag iba yata kulay ng mukha mo? Gumagamit ka ng makeup?" Inosenteng tanong ni zero.
"Bobo, zero."
"Bakit ba, ivan??" Naiinis na tuno nito.
"Namumula siya dahil mainit dito, wala manlang electrician." Ani ni ivan.
"Bobo nyo, magkapatid ba kayo?"
YOU ARE READING
Game Of Death
Ngẫu nhiên"Tinamaan ng ligaw na lintek, akala niyo ay maiisahan niyo ako?" - "Limang laro. Isa, dalawa, tatlo, apat at lima. Mabubuhay lang kayo at makalalabas sa oras na malampasan niyo ang limang larong nakahain sa inyo. Gusto ninyong makauwi ng humihinga...