Panimula

7 0 0
                                    

TEN YEARS AGO




"Please! Please! Don't do this!"

Nagmamakaawang lumuhod si Irish habang pinagkiskis ang mga palad sa harapan niya. Walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha kaya't nanlalabo na naman ang kanyang paningin.

Kanena na humahapdi ang kanyang mata sa kakapunas niya ng sariling luha.

Umiling lang sa kanya ang lalaki.

Alas kwatro palang ng hapon pero madilim na ang kalangitan, hudyat na anumang oras ay babagsak ang malakas na ulan. Napapikit siya ng biglang sumakit ang mga mata niya dahil sa malakas na hangin na sumalubong sa kanyang mukha.

Bakit humantong sa ganito ang lahat?
Kung nawalan man ito ng pag-asang mabuhay bakit dinamay pa siya?

Marami na siyang napanood na ganitong eksena sa mga palabas pero ang ipakita sa mismong harapan niya ang aktuwal, ang katotohanan kung paano nito babawiin ang sariling buhay ay isang malaking bangungot sa kanya.

Gustuhin man niyang tumakbo kanena pero hindi niya magawa, sobrang bilis ng tibok ng puso niya, natatakot siya, nanginginig at pinagpapawisan. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maihakbang ang mga paa ng makita itong nakatayo sa dulo ng rooftop.

Pagmulat ng kanyang mga mata, hindi niya na makita ang lalaki. Napatakip siya ng kanyang bibig at mabilis na tumayo pero muli ring napaluhod dahil nawalan siya ng lakas.

"Ahhhh!!!" sigaw niya at pinupukpok ang kanyang mga binti.

Sinubukan niyang tumayo ulit. Nang tuluyan na siyang makatayo, mabagal siyang naglakad palapit sa kinatatayuan ng lalaki kanena.

Alam niya kung saan ang bagsak nito pero nagbabakasakali siya.

Baka sakaling bumaba lang ito at mabilis na tumakbo't nagtago sa kung saan.


Baka sakaling nagbibiro lang ito.

Siguro nga...

Pero biro bang maitatawag ang mga seryosong titig nito kanena? Ang mga sinasabi nito na hindi niya maintindihan.


At bakit may hindi tama sa ikinikilos nito?


Isang malakas na sigaw ang pumukaw at nagbalik sa kanya sa realidad.


Awtumatikong bumaba ang tingin niya ng makarating sa kinatatayuan ng lalaki at nagliwanag ang buong paligid ng gumihit ang malaking kidlat.

Katawan ng isang lalaking nakahandusay sa semento at isang babaeng nakaupo sa harapan nito ang nakita ng namumula niyang mga mata.

Dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, mabilis kumalat ang dugo nito sa semento.






"Timothy!!!"










- - - - - - - - - - -

This story is a work of fiction. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PersonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon