Chapter 1

120 4 0
                                    

I still can't believe that I made it on the final line up of the debut team. Hanggang ngayon ay parang panaginip lang ang lahat, ang sarap sa feeling. Grabe.

Andito ako ngayon sa kwarto ko, packing my clothes. Lilipat na kasi kami ng dorm that our company provided for us.

Hays. Mamimiss ko itong dorm namin. Ang dami kong memories dito with my co-trainees. Alam ng kwartong 'to lahat ng hirap at pagod na pinagdaanan ko as a trainee and I'm happy na worth it lahat ng iyon.

Tama na nga, ang drama ko na masyado.

Tapos ko nang i-pack ang mga gamit ko. Lumabas na ako ng kwarto at dinala ko na ang mga baggage ko sa may living room. Nahirapan akong magdala since isang malaking maleta at dalawang malaking bag ito. Hays bat kasi andami kong gamit e.

Nakita kong andun na ang lahat maliban sa akin.

Masasabi ko na close na kaming lahat. Although mayroon pa ring mga awkward moments ang ibang members tulad nina Asahi at Yedam. Alam ko na sa haba ng taon na aming pagsasamahan, magiging mas malapit pa kaming lahat sa isa't isa. Ngayon pa nga lang, pamilya na turing ko sa kanila e.

"Kim Junkyu palagi ka na lang nahuhuli. Puyat ka kasi ng puyat kakalaro mo ng online games." sabi ni Jihoon hyung. Joke. We have the same age nga pala.

"Hoy hindi ha. Nung nagpunta kaya tayo sa Lotte World kahapon, si Yoshi yung na-late." paliwanag ko naman na may kasamang pag-iling. Pagtingin ko kay Yoshi ay naka awkward smile lang siya with peace sign. Natawa naman ako. Cute.

As what I said, nagpunta kaming Lotte World. Ang saya kasi first time pumunta rito ng aming mga Japanese members at ang huling punta ko naman doon is bata pa ako kasama family ko kaya matagal-tagal na rin. And since then, nag audition na ako sa yg entertainment at naging trainee for years. I use my time talaga para magpractice to improve my skills. And here I come now, one of the members of the future boy group!

"Atsaka hindi ako naglaro kagabi ha. Ayaw niyo nang makipaglaro sa akin e." nakapout kong sabi. Hmp palibhasa lagi silang talo sakin e bwahaha.

"Hyung, nakakatampo ka ha. Bakit di mo ako tinawagan para tayo ang maglaro." kunwaring nagtatampong sabi ni jeongwoo. Tumalikod pa sya sa amin para mas effective acting nya. Ito na naman siya sa infamous crying face niya. Kunwari pa ang isang ito e.

"E kasi naman, akala ko tulog ka na. Sige pag dating natin sa new dorm natin. Laro tayo." pampalubag-loob na sabi ko. Nagngitian kami sabay kindat sa isa't isa and it means na pumapayag siya. "Sige na nga."

Bigla akong napatingin kay Haruto who have a straight face on right now. Tss bahala siya. Naalala ko na siya nga pala ang dahilan kung bakit wala akong kalaro kagabi. Tinanggihan niya lang naman yung invitation ko sa kanya na maglaro kami kasi inaantok na daw siya. E natulog nga siya pagkauwi namin galing Lotte World. Take note, maaga kaming nakauwi kaya hindi valid yung reason niya.

"O tama na nga yan. We all need to go. Andun na yung sasakyan sa labas, andun na rin sina manager-nim. Okay na ba lahat ng gamit nyo? " singit ni Hyunsuk hyung sa usapan na katatapos lang yatang kausapin ang aming manager sa telepono. Tumango naman kaming lahat sa kanya.

Si Hyunsuk hyung ang nanay ng aming grupo habang si jihoon naman ang tatay. Minsan nga inaasar ko silang dalawa na baka totohanin nila yung role nila sa grupo namin. Asar na asar naman si hyung habang sumabay pa sa pang-aasar si jihoon.

Pff. Pinigilan kong tumawa kasi nasa pagitan ni Haruto at Junghwan si Hyunsuk hyung. Hahaha ang cute ng height difference. Buti na lang hindi niya napansin ang pagpigil ko ng tawa. Si Haruto lang nakapansin at nginisian pa niya ako. I just rolled my eyes on him.

Sabay-sabay na kaming lumabas bitbit ang aming mga bagahe. Paglabas namin ay tinulungan kami nina manager-nim at ng mga bodyguards sa pagdadala nito. Nag head count muna ang aming manager to make sure na we are complete bago sumakay sa van. Can't wait to see our new dorm.

Catch Us // HarukyuWhere stories live. Discover now