Chapter 3

47 3 0
                                    

I noticed that Haruto was already finished on fixing his things. Pero imbis na lumabas na ay naupo siya sa may upuan sa gilid at pinanood akong ayusin ang mga gamit ko.

Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya minadali ko na ang pag-aayos ko. "Hindi ka pa ba lalabas?" tanong ko sa kanya para naman mabawasan ang awkwardness na nararamdaman ko.

"I'll wait for you." saad niya habang nakahalumbaba pang nakatitig sa akin. "Bakit hyung? Ayaw mo ba ako dito?" pabiro niya pang sabi.

Syempre gusto kong andito ka kahit nakakailang. Joke.

Hays hindi naman ganito pakikitungo ko sa kanya dati. Ang totoo nga nyan e sobrang close kami, ewan ko lang kung anong nangyayari sa akin.

"Hindi naman sa ganun, baka kasi mainip ka sa pag-hihintay sa akin" ngiti kong sagot sa kanya. Tapos na rin naman akong mag-ayos kaya inaya ko na siyang lumabas. "Tara na."

I unconsciously hold his wrist and pulled him outside. Nang marealized ko ang ginawa ko ay napatingin ako sa kanya na mayroong ngiti sa kanyang mga labi. Walang malisya 'to. Ginagawa ko rin naman' to sa ibang members.

Pinanindigan ko na lang ang ginawa ko at tuluyan na siyang hinila sa may living room. Nadatnan namin doon ang iba naming members na nagkukulitan.

"Kayo palang dalawa ang roommate. So ang last pair na wala pa dito ay sina Asahi at Yedam" wika ni Jaehyuk. "Sayang, gusto ko sanang share kami ng room ni Asahi."

Naupo ako sa may sahig habang dumiretso naman sa kusina si Haruto.

"So ayaw mo ako na maging roommate mo?" nagtatampong saad ni Yoshi. "Hindi sa ganun hyung. Gusto nga kitang roommate e." nakangiwing paliwanag ni Jaehyuk na niyapos naman si Yoshi.

Hindi ko na lamang sila pinansin at binuksan ang TV. Manonood na lamang ako ng Inkigayo tutal linggo ngayon.

Napag-alaman ko na ang mga mag-roommates pala ay sina Jaehyuk at Yoshi, Asahi at Yedam, Mashi at Doyoung, Jihoon at Jeongwoo, Hyunsuk hyung at Junghwan, at kaming dalawa ni Haruto.

Nakakatawa lang na roommate ang pinakamatanda at pinakabata sa amin.

Bukas ay maaga kaming pupunta sa company para magpractice. Bukas rin namin irerecord yung aming debut song na Boy at bside na Come to Me. Excited na ako dahil malapit na kaming magdebut. Sana lang maging successful ito.

__

Andito kami sa aming dance practice room para magpractice, obviously. Kakatapos lang rin namin irecord  yung debut song namin kanina at kumain muna kami bago dumiretso dito.

After naming maka-ilang repeat sa choreo, nagpahinga muna kami maliban na lang kina doyoung at jihoon na sumasayaw pa rin.

Nakita ko namang lumapit sa akin si Haruto at inabutan ako ng tubig na nasa bottle. Wala pang bawas iyon. Namumula ko naman itong kinuha sa kanya at uminom.

"Thank you."

"Hyung, painom ako." paghingi ng tubig ni Jeongwoo sa akin. Akto niyang kukuhanin ang bote na hawak ko nang unahan siya ni Haruto at inubos ang laman nun. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Indirect kiss?!

"Ano ba yan! Nauna ako e." maktol na saad ni Jeongwoo. "Sa akin itong tubig." sagot naman ni Haruto. Tinalikuran na lamang kami ni Jeongwoo at dumiretso kay Junghwan na umiinom ng tubig. Sa kanya siguro makikiinom.

Nang ibalik ko ang tingin kay Haruto ay kinindatan niya lamang ako. What's with him?!

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sa akin. Presensya niya pa lang ay hindi na mapakali ang sistema ko. Hindi ko alam ang tawag sa ganitong pakiramdam sapagkat bago ito sa akin.

"Mukhang malalim iniisip mo hyung." hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Yedam. Ganun ba ako ka-affected kay Haruto? "Kinakabahan ka ba sa debut natin?"

Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi sinasadyang ngiwi ang nagawa ng aking labi. "Hindi naman maiiwasan na kabahan lalo na't debut natin pero syempre naeexcite ako kasi makakagawa na tayo ng music natin for our fans." Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Tama ka diyan. Kahit ako rin naman at alam ko pare-pareho tayong lahat ng nararamdaman. May kaba at excitement. Sana maging maayos ang debut natin. If we won't make it big at first, I want us to grow little by little." nakangiting aniya. Hindi ko rin naman maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Most of the times, siya ang nilalapitan ng mga members para humingi ng advice, his words is full of wisdom. Maswerte kami na may katulad niya sa grupo namin. Actually, may kanya-kanya kaming role sa grupo kaya maswerte kaming lahat.

Sasagot na sana ako sa sinabi niya ng may humila sa akin. Pagtingin ko sa taong may hawak ng kamay ko ay si Haruto pala. "Bakit mo ako hinihila?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Pabigla-bigla na lang kasi ang isang 'to, walang pasabi.

"Samahan mo lang ako hyung diyan sa may malapit na convenience store. Bibili lang ako ng cola." Yun lang pala e bakit niya pa ako kailangang isama. Minsan hindi ko rin 'to maintindihan e. "Ang lapit lapit lang ng convenience store. Pag labas mo ng building, tatawid ka lang ng kalsada." napairap ako sa kanya. Parang bata.

"Bakit? Mas gusto mo bang kasama si Yedam hyung?" walang emosyong sabi nito. Luh. Bakit naman nasama si Yedam dito? Hindi ko na lamang siya sinagot dahil hindi ko ma-gets kung anong connect nung sinabi niya sa paghila niya sa akin para samahan siya.

Bago kami makababa sa ground floor, nadaanan namin ang GS25 at oo nasa loob ito ng company. Hehe ang cool diba? Teka- bakit nga ba sya lalabas e may convenience store naman na dito sa loob?

"Bakit ka pa sa labas bibili e may GS25 nga pala tayo dito?" tanong ko sa kanya kasi naguguluhan talaga ako sa kanya. Mas gusto nya pang lumabas, baka mamaya mapagalitan pa kami. "Trip ko lang", sagot niya.

Naramdaman ko naman na binitawan niya na ang pagkakahawak sa kamay ko na ngayon ko lang napansin na hawak niya pa magmula pa kanina, nauna naman na siyang lumabas. Aba't bastos! Iniwan ako. Psh, sumunod na lang ako sa kanya. 

Pagpasok ko ay nagtingin-tingin ako ng pwede kong bilhin. Naisipan ko na cup noodles na lang at dun kakainin mamaya sa dance practice room. May painitan naman ng tubig doon. Pinalagay talaga namin iyon don para madali na lang pag kakain kami ng noodles. Pumunta na ako sa counter para bayaran ang napili ko. Nakita ko na andun na rin si Haruto at binabayaran ang binili niyang cola. Yun lang talaga ang idinayo niya dito.

Nang turn ko na para magbayad at inabot ang pera ay naunahan na ako ni Haruto. "Ako na magbabayad." Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpasalamat. "Thanks."

Nauuna ako sa paglalakad sa kanya pabalik sa building namin. Busy ako sa panonood sa paa ko na humahakbang nang hindi ko namalayan ang humaharurot na kotse papalapit sa akin.

Catch Us // HarukyuWhere stories live. Discover now