Chapter 2

48 5 1
                                    

We are now here on our new dorm. Medyo malayo pala ito sa dati naming dorm kaya bagsak ang karamihan sa sofa dahil sa haba ng biyahe namin kanina. Ang iba naman ay sa sahig na nakaupo dahil hindi kasya ang lahat sa sofa.

"Aray!" sigaw ko dahil nasiko ako sa tiyan ng katabi ko dito sa sofa.

Pagtingin ko ay si Haruto pala na nabigla sa aking ginawang pagsigaw. "Sorry hyung. Hindi ko sinasadya. Sobrang sakit ba?" nag-aalalang saad ni Haruto.

Hinawakan niya ang tiyan ko at hinimas-himas na parang matatanggal ang sakit dahil sa kaniyang ginagawa. Sa totoo lang ay hindi naman na masakit, nabigla lang talaga ako. "Ah ano, okay na. H-hindi na masakit."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkailang kung kaya iniwas ko na ang tingin sa kaniya. Tinanggal na rin naman niya ang pagkakahawak sa tiyan ko.

Napansin ko naman na nakatingin sa amin si Asahi. Scratched that, nakatitig pala siya sa amin ni Haruto. Kahit kailan talaga itong robot na ito, ang weird.

Inilibot ko na lamang ang aking paningin. I can't help but to be amazed on the interior design of our dorm. Hindi siya maliit at hindi rin naman siya ganoon kalaki. Tamang-tama lang for 12 people like us na magugulo.

Halos lahat ay may pinagkakaabalahan. Si Jihoon na kumakanta habang sumasayaw ng love scenario. Si Haruto, Jaehyuk at Jeongwoo na nagkukulitan dito sa may sofa. Si Doyoung at Mashiho na natutulog doon sa kabilang sofa. Si Yedam na tutok na tutok sa kanyang cellphone. Si Junghwan na nagrereview para sa nalalapit niyang exam. Ewan ko kung may pumapasok ba sa utak niya dahil sa ingay ng aming members.

Si Yoshi at Hyunsuk hyung naman ay nakisabay kay Jihoon na ngayon ay kumakanta naman ng bang bang bang by bigbang sunbaenim. Ako naman ay nakaupo lang habang tinatawanan sila.

Huwag niyo ng tanungin kung ano ang ginagawa ni Asahi. Nakatitig lang siya sa members na parang robot na lowbat.

Bigla naman dumating si manager-nim at pinatahimik ang lahat. Nagising na rin sina Mashi at Doyoung. "Treasure, magpahinga na muna kayo, may practice pa kayo bukas." Pagpapakalma ng aming manager sa mga group mate ko na parang nakawalang hayop. Joke.

"May six bedrooms lang dito kaya dalawa sa isang room. Huwag kayong mag-alala dahil double deck naman yung bed niyo. Kayo na bahala kung sino magkaka-roommate." paliwanang ni manager-nim. Tumingin naman siya kina Hyunsuk hyung at Jihoon.

" Jihoon at Hyunsuk, kayo na bahala rito. May kailangan pa akong asikasuhin." Tumango naman ang dalawa naming leader. "Yes, manager-nim"

Tumayo naman silang dalawa sa unahan at pinaliwanag kung paano ang magiging pilian ng room at roommate. "Ganito ang gagawin natin. Magbabato-bato pick tayo and then ang first six na mananalo ang unang pipili ng room. Then saka pa yung last six" sabi ni hyung. "Dapat ay magkakaibang room ang mapipili nung first six. Ibig sabihin lang nun na wala sa kanila ang magiging roommates. Para sa last six, kapag may napili na kayong room ay isara niyo na yung pinto para malaman na occupied na yung room na yon. Clear ba tayo dun?" dagdag naman ni Jihoon

Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanila. Bumilog kami at nag-umpisang magbato-bato pick. Ang first six na nanalo ay sina Doyoung, Hyunsuk hyung, Haruto, Asahi, Jaehyuk at Jihoon. Sa last six naman ay ako ang pinakahuling pipili. Ang malas ko talaga sa larong 'to.

Nakaalis na ang first six at nakapili na ng room. Since si Jeongwoo ang pampito sa nanalo, siya ang unang pipili ng room sa aming anim na natira. Nakapili na ang lahat hanggang sa ako na lang ang natira dito sa may living room.

Naglakad na ako at tinignan kung alin pa ang bukas na room. No choice na rin naman ako. Sino ba naman ako, di'ba? Jk. Pinuntahan ko na yung pinakadulong room dahil yun na lang ang bukas. Naririnig ko yung ibang members na nag-iingay. Hindi ko na inisip kung sino ba magiging roommate ko since close ko naman silang lahat. Okay lang sa akin kung sino sa kanila.

Pumasok na ako sa medyo nakaawang na pinto. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako ng makita ko kung sino ang prenteng nakahiga sa kama habang nakapikit. Natutulog ata. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang tumakbo ako ng ilang kilometro.

Shit. Parang gusto ko ng lumabas at sa sofa na lang matulog. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na okay lang sa akin kahit sino maging roommate ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niyang paghimas sa tiyan ko kanina. Kakapusin ata ako ng hininga.

Bago pa man ako makalabas ay nagmulat na siya ng kaniyang mata. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Hyung ikaw pala magiging roommate ko. Sorry, nakatulog ako." nahihiyang sabi ni Haruto habang nakahawak sa buhok niya sa likod. Cute.

"Ayos lang." hindi makatingin sa mata niya na saad ko.

"Saan mo gusto hyung, sa top or bottom deck?" tanong niya. "Ikaw bahala." matipid na sagot ko dahil ilang na ilang na talaga ako.

"Sige dito ka na lang sa bottom, ako na lang sa top. I understand naman na hassle sa mga matatanda ang mag akyat-baba" nang-aasar na saad niya. Hindi ko naman mapigilan na samaan siya ng tingin. "Hey!"

"Joke lang hyung. Ayaw lang talaga kitang mahirapan." nakangising aniya na siya namang ikinainit ng pisngi ko. Teka, nagb-blush ba ako? No way. Mainit lang talaga sa kwartong 'to. Tama. "Sige."

Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na nag-aayos na rin ng kanyang mga gamit. Buti na lang tig-isa kami ng closet dito at may space pa for our other things.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Normal pa ba' to?


Catch Us // HarukyuWhere stories live. Discover now