Episode 1 - Tulay

112 2 0
                                    

Halos buong araw nang nakahilata si Shane sa kanyang apartment. Mag-isa lamang itong nakatira sa kanyang apartment kahit na 16 yo lamang siya. Ang nanay niya ay namamasukan bilang domestic helper sa Singapore at nagiisang anak lamang si Shane. Pumanaw naman ang kanyang ama noong bata pa lamang siya.

Binuksan ni Shane ang TV sa sala pampalipas oras. Sabado kasi noon ngunit wala din naman siyang naiplanong lakad kasama ang mga kaibigan nya. Nagring ang telepono katabi ng kanyang inuupuan.

Shane:  Hello?

Kate: Oi tol! Punta ka dito sa bahay. Nagluto si mommy ng Carbonara.

Shane: Uy wow favorite! Anong meron?

Kate: Wala. Nagluto lang siya.

Shane: Aahh... akala ko may okasyon. Sige magbihis lang ako tapos punta na ako jan.

Kate: Okay tol! Ingat.

Pagkababa ng telepono ay agad na pinatay ni Shane ang TV at nagtungo sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. As usual, oversized na itim na tshirt at six-pocket na shorts ang kanyang suot. Tinernohan na rin nya ng kulay pulang baseball cap at slip-on na tsinelas.

Karaniwan na pang lalaki ang kasuotan ni Shane. Kasama ng pulbo at kaunting lipbalm lang ang gamit nito sa mukha. Hanggang balikat naman ang haba ng kanyang buhok.

Matapos niyang magpalit ay agad na itong nagpunta sa bahay nina Kate na isang kalye lang ang pagitan mula sa tinitirahan nyang apartment.

Isa sa mga bestfriend ni Shane si Kate. Madalas din magpunta si Shane sa bahay nina Kate para makipagbonding. Nagkakilala sila mula noong elementary pa lang sila. Mas bata si Kate kay Shane ng isang taon.

Pagdating ni Shane sa tapat ng gate nina Kate ay saktong dating din ng kuya nito.

Mark: Oi tol! (Itinaas nito ang kanyang kamay para makipag high-five)

Shane: Oi tol! (nakipag high five)

Mark: Tara pasok. May lakad kayo ni Kate? (Binuksan ang gate at pinauna nya si Shane sa pagpasok)

Shane: Wala. Nagluto daw Tita Annie ng Carbonara. (Pumasok naman si Shane ng gate)

Patuloy ang dalawa hanggang sa makarating ng pinto ng bahay at tuluyang makapasok sa loob.

Crush ni Shane si Mark. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Walang may alam ng pagkakagusto ni Shane kay Mark kahit pa ang bestfriend nito. Magaling magtago ng nararamdaman si Shane. Hindi rin naman ganun kalalim ang nararamdaman nito kay Mark para ipagsabi niya pa sa iba.

Matangkad at gwapo si Mark kaya madaling makaattract ng babae. Bukod dito ay mabait din. Pero mapili sa babae kaya hindi din naman siya basta basta nakikipagrelasyon sa kung kani-kanino.

Pagpasok nila ng bahay ay agad sinalubong sila ni Tita Annie.

Tita Annie: Uy Shane! Buti dumating ka na. Tara sa kusina para makakain na tayo.

Shane: Good afternoon po Tita. Ayan naman ang gusto ko sa inyo. Alam niyo po talaga bakit ako andito hehehehe.

Tita Annie: Ako pa ba anak? Kamusta ang mama mo?

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon