Episode 8 - Tower and Barrier

31 2 0
                                    

Araw-araw ay pinupuntahan ni Mark si Shane. Dinadalhan ito ng pagkain, sinasamahan, tinutulungan sa mga gawaing bahay at nagjojoke from time to time.

Shane: Tol, Thank you ha. Promise, last ko na to. Bukas balik na ako sa dati.

Mark: Okay lang tol. Take your time. Andito lang naman ako. 

Shane: Ang tanga tanga ko tol...

Mark: O... Iiyak na naman. Tsk. Wag na nga kasi umiyak.

Shane: Parang nagrereplay sya sa utak ko. Kasi tol kinwento saken ni Jane lahat ng nangyari and ngayon paulit ulit ko siyang naiisip.

Mark: I know... I know... Sshh... Tahan na. Gusto mo ba magbeach tayo bukas?

Tumango si Shane. Hindi nito malaman din kung anong gagawin niya para sa sarili. Gusto niyang tulungan din ang sarili niya para makausad. Hindi rin niya gusto ang kalagayan niya pero hindi niya rin mapigilang maiyak na lang bigla. Malaki naman ang pasasalamat nito sa pagaalaga ni Mark sa kanya. It would have been harder without him. She realized, Mark is the person she doesn't want to lose. She hopes she can stay friends with him for a long time and stay like that. John was a good friend she used to have. Kung hindi niya inallow to have a progress sa relationship, she could have kept a friend, a good one. At that moment, Shane did not even realize she's building a strong barrier between her and Mark. While Mark tries to establish a stronghold, a tower so he can have a clearer picture of Shane.

Umaga ay naghanda na ang dalawa sa pagpunta sa beach sa Batangas. Dala ang tent, damit at kaunting gamit ay nagpunta ang dalawa sa isang beach na hindi pa nagagawang resort. Hapon na nang makarating ang dalawa sa beach. Puting buhangin, malinis na tubig at silang dalawa lang ang tao. Masayang masaya si Mark nakikita na niyang ngumingiti si Shane. Tuwang tuwa naman si Shane sa pinagdalhan sa kanya ni Mark.

Shane: Grabe tol! Ang ganda dito. Pano mo to nakita?

Mark: Pag malungkot ako dito ako nagpupunta. Sana nga hindi to makita ng ibang tao at gawing resort. Paminsan-minsan may mga taong nagpupunta dito. Yung mga dito talaga nakatira. Pero pagdating ng gabi, tahimik dito tapos maliliit na alon lang ang maririnig mo.

Huminga nang malalim si Shane, ngumiti at tinulungan na niya si Mark magset up ng tent. Dala ang portable na mga lutuan, nagluto si Mark ng makakain nilang dalawa habang naglabas naman ng alak si Shane. Hindi na nagset ng campfire ang dalawa dahil pareho nilang ayaw madumihan ang puting buhangin, pero dahil hindi naman ito ang unang punta ni Mark ay may dala itong pailaw para sa gabi.

Kitang kita ang mga bituin sa langit dahil sa kakaunting liwanag na meron sa beach na yon. Habang nakaupo ang dalawa sa tabing dagat, isinandal ni Shane ang kanyang ulo sa balikat ni Mark at nagbuntong hininga ito. Napangiti si Mark dahil alam niyang panatag ang loob ni Shane sa kanya. Alam nito na she finds comfort in him.

Shane: Alam mo, sobrang thankful ako. Eto lang pala ang need ko. I feel renewed ...ganyan.

Mark: Alam mo naman yung nangyari saken di ba? Itong lugar na din na to ang nagpagaling saken. 

Shane: Oi tol! Walang biro to ah. Sobrang salamat talaga sayo. Ikaw lang ang nakakita saken sa ganung sitwasyon.... at my most vulnerable moment ikaw ang nanjan. So hindi ko alam pano kapag nawala ka...

Mark: Di naman ako mawawala. Dito lang ako always for you.

Shane: Taray! Bantay?

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon