Episode 2 - Bestfriends

42 2 0
                                    

Malapit na Highschool graduation ni Shane. Hindi nakauwi ang mama niya galing Singapore. Malungkot man ay lubos na naiintindihan naman ni Shane ang sitwasyon. Sa kabila nito, hindi alam ni Shane kung sino ang aakyat para sa kanya sa stage para sa special award na nakuha niya bilang Math Olympiad ng kanilang paaralan. Dumating si Jane sa apartment ni Shane. 

Jane: Shane, ako na lang aakyat sa stage mo sa graduation mo. Pwede naman yon.

Shane: Talaga? Huy Thank you ha? Wala kasing kamaganak na pwede eh. Anlalayo kasi nila. 

Jane: Oo naman! Ako bahala sayo! Ikaw pa ba? Saka syempre proud ako sa bestfriend ko. Math yan! Hindi lahat nabiyayan ng ganyan.

Shane: Thank you! Lutuan kita paborito mo?

Jane: Cheesy Beef Corn?

Naglabas ng Corned Beef, Cheese at Pork and Beans si Jane para iluto nang biglang dumating si Mark.

Mark: Tol! Pumasok na ako ah.

Nagulat si Mark nang makita nito si Jane na nasa sala.

Mark: Ay! Andito ka pala. Asan si Shane?

Jane: Nasa kusina nagluluto.

Mark: Sige saglit lang ah. Tol!!!

Nagpatuloy sa kusina si Mark at dali dali itong lumapit kay Shane na nagluluto sa harap ng kalan.

Mark: Tol andito pala si Jane bakit di mo sinabi?

Shane: Kakadating lang nyan. Diretso pasok ka na naman ah. Sabi ko sayo magtatawag ka eh. Bakit ba?

Mark: Wala gusto ko lang tumambay dito. 

Shane: Bat di mo sinama si Kate?

Nagulat si Shane nang biglang yumakap si Mark sa kanya habang siya ay nakatalikod dito, habang ipinatong naman ni Mark ang baba niya sa balikat ni Shane. 

Mark: Alam mo bestfriend talaga kita! Napaganda mo araw ko. Lagi ba nagpupunta si Jane dito?

Pumiglas at lumayo si Shane kay Mark. Hindi namalayan ng dalawa na nakita ito ni Jane.

Shane: Ano ba tol! Wag ka ngang gaganyan saken! Napaka ano mo naman?

Mark: Bakit?

Shane: Hindi ginagawa yan ng babae at lalake na hindi naman magjowa! Pareho kayo nung tropa mo hindi alam boundaries. Jusko!

Mark: Bakit? Anong ginawa sayo nung mokong na yon?

Shane: WALA! tigilan niyo na nga ako. Dun ka nga sa sala! Di ba gusto mo magkamoment kayo? Andun sya. Tsupi! Alis dito! Busy ako!

Mark: Ano nga ginawa sayo?

Shane: wala basta! Dun ka na.

Itinutulak ni Shane si Mark paalis ng kusina dahil sa pangungulit nito. Naupo sa sala si Mark kasama si Jane. Dala ng hiya ay sobrang awkward ng atmosphere sa sala at hindi mapakali si Mark. Gusto niyang kausapin pero hindi niya alam ang sasabihin. Si Jane naman ay ganun din ang nararamdaman ngunit nauna nang magsimula ng conversation si Jane.

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon