Episode 5 - Debut

28 2 0
                                    

John: Nabalot ko na yung mga giveaways ha?

Shane: Thank you ah!

Meanne: Grabe nakakapagod to te. Bakit ganitong celebration ang gusto mo?

Shane: Eh ayoko kasi ng mga gowns gowns at sayaw sayaw. Gusto ko simple lang. Eh pero gusto ko special din kaya ganito na lang.

Gina: Huy Shane basta tulungan mo ko sa research ha? Ayun na lang bayad mo saken.

Shane: Oo! Basta sasama ka pa din saken sa library. 

Meanne: Te... etong John ba eh manililigaw mo?

Shane: Hindi. Bakit?

Meanne: Duda ako te. Feeling ko bet ka nyan.

Shane: Ano ka ba? Mabait lang talaga yan.

18th birthday na ni Shane. Kasama ang mga kaklase niya, ay nagorganize siya ng charity event sa isang bahay ampunan malapit sa kanilang paaralan. Kasama ni Shane si John sa pag-aayos ng charity event na ito. Naging madalas ang pagkikita ng dalawa tuwing lunch break sa PUP. Hindi madali ang naging proseso, andaming dapat bilhin at asikasuhin pero thankful si Shane na mangyayari na sya.

Isinakay na sa sasakyan ang mga gamit at tumuloy na sa bahay ampunan sina Shane at ang mga kaklase nito. Masayang nagpapagames si Shane at game din naman ang mga kaibigan niya sa pagaasikaso sa mga bata. Si John naman ang taga kuha ng litrato ng mga magkakaibigan. 

Matapos ang event ay nilibre ni Shane ang kanyang mga kaklase kasama si John para makabawi sa pagod ng mga ito. Isa isang inihatid ni Shane ang mga kaklase sa kanila kanilang bahay. Si Shane naman ay inihatid ni John sa kanilang dorm. Nagrequest ng selfie si John para maipost niya sa bagong gawa nitong Facebook. Mula nang nawala ang Friendster at Myspace, Facebook na ang sikat na social network. 

Shane: Add mo ko. Kakagawa ko lang kahapon.

John: Sige tatag din kita ah.

Shane: Oo naka auto accept naman yung tag niyan. Approve ko pag akyat ko.

John: Okay na inadd na kita.

Shane: Oi John, salamat talaga ng marami ah. Ikaw talaga yung pinakamaraming pagod dito eh. Ginawa kitang driver, kargador saka photographer. Thank you talaga!

John: Wala yun! Pabirthday ko na sayo.

Shane: Alam mo kahit nung highschool ikaw talaga yung laging biglang anjan no?

John: Hehehe. Sus! Hindi naman malaking effort yun Shane.

Matapos mag-usap ng dalawa ay umakyat na si Shane sa kanyang dorm para magpahinga. Tumanaw ito sa maliit na terrace ng dorm na tinitirahan niya at nagmuni-muni. Pasalalamat. Yun ang unang naramdaman ni Shane. Narealize niya na hindi madali ang naging buhay ng kanyang pamilya, pero malaki ang pasasalamat niya na kahit hindi siya mayaman, yung naipon niya sa part-time job niya ay naging sapat para makapag organize ng charity event na pangarap niyang celebration. Tumawag ito sa kanyang ina para ikwento ang mga nangyari ng araw na yon. Nagpasalamat din ito dahil sa suporta at pagmamahal bagamat malayo sila sa isa't-isa ay hindi kailan man naisip ni Shane ang mga pagkukulang. Matapos ang paguusap ng mag-ina ay sunod namang tinawagan ni Shane si Kate para magpasalamat din. 

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon