Episode 6 - Healing and Bruises

28 2 0
                                    

Inihatid ni Mark pauwi si Kate kinaumagahan. Nagstay ang dalawa sa ospital nang buong gabi. Matapos ihatid ni Mark pauwi ay agad naman itong kumuha ng iilang damit at siya ang magbabantay kay Shane sa ospital. Pagbalik ni Mark ay nadatnan nito sina Shane at John. Sinusubuan ni John si Shane ng lugaw na dala nito. 

Mark: Uy! Pre. Buti napadalaw ka.

John: Oo nga po eh buti tinawagan ko kanina si Shane. Kanina ko lang po nalaman.

Shane: Bat mo pino-po yan?

John: Edi ba parang kuya mo na sya?

Mark: Oo pero...

Shane: Okay lang kahit hindi mo na i-po. Hahahaha! 

John: Okay po...

Napansin ni Mark na kampante si Shane kay John. Napapatawa niya ito at mukhang alaga naman si Shane ni John. Masaya si Mark na makitang maliban sa kanila ay may ibang tao pa ang concern kay Shane. 

Sampung araw ding nanatili si Shane sa ospital. Kelangan na lang niya bumalik para magfollow up checkup sa sugat nito sa ulo. Pwede na ring tanggalin ang bendahe niya sa ulo pero mananatili ang cast niya sa braso. Pinakiusapan ni Mark si Shane na manatili ito sa bahay nila para may magbabantay sa kanya. Kahit araw araw daw itong ihatid sa school ni Mark ay okay lang. Ang mahalaga ay may mag-aalaga dito. Matapos magbayad ng napakalaking bill sa ospital ni Shane ay tumawag ito sa mama niya sa Singapore.

Shane: Ma, nabayaran ko na po. Palabas na din po ako ng ospital. 

Mama Jackie: Maigi naman nak. Nakabili ka na din ba ng mga gamot?

Shane: Ma, pano yan yung savings mo nagalaw naten?

Mama Jackie: Eh kaya nga may savings para pag may kelangan may madudukot. Saka malaking tipid ko nung nagcollege ka. Halos di na nga ako magpadala sayo. Dapat pinapagaral pa kita.

Shane: Okay lang ma. Kaya ko naman. Magipon ka lang jan ng magipon para makauwi ka na rin. Iingat ka jan ma palagi. I love you!

Mama Jackie: Ok nak. Pakisabi kina Kate salamat ah. Magpasalamat ka nak.

Shane: Opo ma! babye!

Gaya nang napagkasunduan ay araw araw inihahatid ni Mark si kate sa school. Hanggang matanggal ang bendahe nito sa braso. Lubusan na rin namang gumaling si Shane mula sa aksidente. Kalaunan ay bumalik na si Shane sa dorm na tinitirahan. Lumipas ang ilang buwan ay tumawag si Kate kay Shane.

Kate: Tol... Ayaw ko sanang sabihin sayo pero kelan ka pupunta dito?

Shane: Bakit tol anong meron?

Kate: Pwede mo bang kausapin si kuya? Hindi na siya halos umuuwi. Tapos pag umuwi laging lasing. Hindi ko na rin siya nakikitang kumakain. Tol feeling ko may problema pero hindi ko alam kung ano eh.

Shane: Sige ako nang bahala. Uwi ako jan ng weekend.

Kate: Thank you tol. 

Friday pa lang ng gabi ay umuwi na si Shane sa kanyang apartment. Pagdating nito ay naglinis at nag-ayos muna ito ng bahay. Nang kumuha siya ng tubig ay tumunog ang doorbell nito. Sa labas, nagaabang si Jane. Ngumiti si Shane sa kanyang kaibigan at pinapasok ito sa kanyang apartment. Natuwa si Shane sa pagbisita ng kanyang kaibigan at nagoffer ito agad na lutuan ng kanyang paborito. 

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon