Chapter 4: Storm Signal number 2

52 0 0
                                    

Lumipas ang bawat oras ng pangungulila. Ang bawat araw ay naging linggo at unti-unti nang naging madalang ang pagpapadala ng personal na text ng binatang si Kira kay Carina. Ngunit palagi ito nagpapadala ng group message na kahit mag-react at mag-reply si Carina sa mga ito ay hindi na s’ya kinakausap pa ng binata.

Lubhang nabahala si Carina dahil nangangamba s’yang mayroon s’yang nagawa na naging dahilan ng pag-iwas ng binata. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Kira na may gusto na sa kanya si Carina pero nangangamba si Carina na baka nakaapekto ang nararamdaman n’ya sa paglayo ni Kira. Ngunit sa pagkakaalam at pagkaunawa naman ni Carina ay pareho lamang sila ng nararamdaman ni Kira para sa isa’t isa. Samu’t saring takot ang bumabagabag kay Carina. Maaaring may iba nang nagugustuhan si Kira ngunit maaari ring wala. 

Isang bagay ang nasisigurado ni Carina, may kung anong bagay ang pumipigil kay Kira sa pakikipag-relasyon sa kanya. Natatakot si Carina na baka dahil ito sa edad n’ya, nangangamba s’ya na baka natatakot pa si Kira na makipag-relasyon dahil baka masaktan ulit ito tulad ng nangyari sa kanya ng lokohin s’ya ng mga ex-girlfriends n’ya. Marahil ay masyado pang bata si Kira para kay Carina. Maaring hindi pa kaya ni Kira ipaglaban si Carina kung sakaling mayroong taong manghusga sa relasyon nila. Maaari ding hindi na marunong magmahal pa si Kira at hanggang doon na lamang ang kaya n’ya sa pagpapakita ng affection. Maaring para kay Kira ay hindi pa panahon para sa isang panibago, mas malalim at mas makabuluhang relasyon. Maaaring hindi pa handa si Kira para sa mga bagay na tulad nito, ngunit sa loob ni Carina ay kakayanin n’yang maghintay kahit gaano man katagal hanggang sa maging handa na ang binata.

Si Kira lamang ang natatanging lalakeng lubos na naging malapit kay Carina. Si Kira lamang ang natatanging lalakeng binigyan ni Carina ng pagkakataon upang makilala s’ya ng husto. Si Kira lamang ang matatawag n’yang “guy bestfriend”.

Marami na silang mga siketong alam tungkol sa isa’t isa. Marami na silang mga pinagsamahan at pinagdaanan. Tawanan. Iyakan. Galit. Pag-asa. Pagpapatawad. Sakripisyo. Pagmamahal. Higit sa kahit ano pang mutual understanding ang namamagitan sa dalawa ay bestfriends sila. Isang samahang hindi nagtatapos. Kaya’t hindi matanggap ni Carina na bigla na lamang hindi nagpaparamdam ngayon si Kira.

Dumating ang kaarawan ni Kira ngunit hindi sila nagkita pagkat walang handa si Kira at walang ipanlilibre sa kanya. Nalungkot muli si Carina dahil nais n’ya talagang makita si Kira upang ibigay ang regalo n’ya. Kaya’t napilitan si Carina na iabot kay Emily ang regalo n’ya para kay Kira na isang “Full Metal Alchemist pocket watch”.

Nagpasalamat si Kira at na-touch s’ya. Ang pocket watch na yun ang dati pang gustong bilin ni Kira ngunit di n’ya magawa dahil hindi n’ya kaya ang presyo.

Matapos ng pagpapasalamat ay hindi na ulit nagpadala ng personal message ang binata para kay Carina. Walang ibang natatanggap si Carina kundi mga group messages ni Kira na panay emoish rants at mga gramatically wrong poems na mas tumitindi ngayon. Ngunit ngayon ay damang dama na ni Carina na tuluyan na ngang nawala ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Ito ang isa sa mga panahong kailangang kailangan ni Carina ng karamay. Matapos ang Graduation nito sa kolehiyo ay para bang pinagsakluban ng langit at lupa si Carina. Wala pa rin s’yang nahahanap na trabaho hanggang ngayon. Nape-pressure na rin s’ya sa kanyang mga magulang dahil hinihikayat na itong magtrabaho kahit sa call center na ayaw na mangyari ni Carina.

Sa paniniwala ni Carina, hindi s’ya nag aral ng Broadcast Communication ng apat na taon para lang magtrabaho sa isang call center. Pinanganak s’ya upang mag-trabaho sa media, nakatadhana s’ya para maging scriptwriter at tutuparin n’ya ito bagama’t mahirap.

Walang kakampi si Carina sa paniniwala n’yang iyon kundi ang mga kaibigan at kamag-aral n’ya ring hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho.

Napilitang mag-apply si Carina sa call center sa Alabang at natanggap s’ya agad rito. Ang tanging bagay na na-enjoy lamang n’ya sa training ay ang pag-aaral ng “law” dahil call center ng law firm ang papasukan n’ya. Ngunit lahat ng iba pang bagay sa buhay call center agent ay lubhang labag sa loob n’ya.

Gabi-gabi bago pumasok si Carina sa trabaho ay umiiyak s’ya. Tila ba biglang ikot ng mundo n’ya at di s’ya makasabay rito. Walang makikitang tunay na ngiti sa mukha ng dalaga, lahat ay pilit. Hindi nakayanan ni Carina ang limang araw ng training, nilagnat ito at nakiusap sa kanyang ina na maghahanap na lang s’ya ng ibang trabaho, wag lang ang call center dahil hindi talaga n’ya yun linya. Gusto n’yang magsulat. Gusto n’yang gamitin ang mga pinag-aralan at ayaw n’yang mabaliktad ang mundo n’ya at maging isang robot sa isang kompanya tulad ng ilang mga tao ngayon.

Naawa ang ina ni Carina sa kanya at pinagbigyan. Bagama’t may ilang miyembro ng pamilya ang galit kay Carina ay tinuloy n’ya pa rin ang pag-alis sa call center. Maaga man s’yang sumuko ay mas masisikmura n’ya pa ang umalis kesa sa gawin ng matagal na panahon ang isang trabahong di n’ya naman ginusto kahit sa imahinasyon n’ya. 

Kinailangan noon ng karamay ni Carina ngunit wala si Kira na parang may pinagdaraanan ring hindi sinasabi sa kanya. 

Ilang araw lamang ang lumipas at nakakita ng trabaho si Carina. Isa na s’ya ngayong Content Moderator sa website ng Cartoon Network. Isang trabahong may kakaunting lapit sa trabaho sa media.

Ito na ang simula ng pagbangon ni Carina mula sa bagyong pinagdaanan at ngayon ay kailangan n’yang harapin ang bawat araw nang wala na si Kira. Ngunit sa totoo lamang ay walang ni isang saglit na nakalimutan ni Carina si Kira. Mula paggising sa umaga, hanggang sa pagkain nya ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan, maging sa pag-ligo, paghilamos at pagtulog ay naiisip pa rin ni Carina si Kira. Si Kira pa rin ang laman ng bawat dasal ni Carina. At hindi pa rin naman namamatay ang pag-asa ni Carina na pagdating ng tamang panahon ay magkikita silang muli ni Kira at magiging malapit muli sa isa’t isa… Katulad ng dati.

Isang pagbangon at muli na namang pagkadapa ang nangyari kay Carina ng kanyang madiskubre ang isang katotohanan tungkol kay Kira. May mga ibang babaeng ka-close na ngayon si Kira. Lagi n’yang kasagutan sa comment. Di maiwasan ni Carina na magselos at hanapin ang nawalang samahan nila ni Kira. Palagi nitong tinitingnan ang Facebook account ng binata. Isa na s’yang lihim na “stalker” ng binata. At ito rin ang naging dahilan ng pagkadiskubre ng dalaga ng isang bagay na lubhang ikakasama ng kanyang loob.

Nag-wallpost si Kira sa kanyang bagong kaibigang babae. Ikinukwento ang tungkol sa “ex” nito na kahit kailan ay hindi pa narinig ni Carina na nabanggit ni Kira. At ang lalo pang ikinasama ng loob ni Carina ay naging girlfriend ito ni Kira nung mga panahong nagsimula na s’yang umiwas sa dalaga.

Hindi naging matagal ang pagsasama ni Kira at ng ex n’ya sa kadahilanang niloko rin s’ya ng babae. Naawa at nagalit si Carina kay Kira. Isang katotohanan iyon na hindi pinagbigay alam sa kanya ng binata gayong sila ay mag-bestfriends. At ang masakit pa sa dalaga ay sa ibang tao pa nagawang ikwento ni Kira ang tungkol sa pagiging broken hearted n’ya. 

Nais tumulong ni Carina na mapagaan ang dinadala ni Kira ngunit ngayon ay tila ba inalisan na s’ya ng binata ng karapatan.

At simula noon ay isang sumpa na ang mababakas ni Carina sa mukha ni Kira. Ang sumpa ng binata sa kanyang sarili na hindi na s’ya muli pang magmamahal.

Maraming tanong ang bumubulabog sa pag-iisip ni Carina na sinesegundahan ng mga emosyong kinasusuklaman n’yang maramdaman.

Nais n’ya ng matapos ang bagyong ito. Isa itong bangungot para sa dalaga. Isang sampal ng katotohanang matagal na s’yang pinapaasa ng binata at matagal na rin s’yang umaasa at nagpapakatanga rito.

Isang dasal lang ang namumutawi sa dalaga sa kabila ng sakit, sana ay mahalin na s’ya ni Kira.

Ang Istorya ni X and Y at ang Teoryang Yin-YangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon