Ilang araw ang lumipas matapos i-upload ni Carina sa Facebook ang mga letrato nila ni Emily. Matapos nun ay sunod sunod ng naglabasan ang mga notifications ng comments at "likes" sa mga pictures hanggang sa i-tag ni Emily ang mga taong kasama sa naturang gig.
Dumating na rin sa puntong nakatanggap si Carina ng text mula sa unregistered number at nang kanyang tanungin kung sino iyon ay napag-alaman n'yang ito'y si Danilo, ang isa pang kaklase ni Emily. In-add din s'ya nito sa Facebook. Madaling napakibagayan ni Danilo at Kathleya si Carina at simula noo'y naging madalas ang pag-uusap nila.
Tatlong araw ang lumipas hanggang sa i-add ni Kira si Carina sa facebook. Nagulat si Carina ng makita ang apelyido ng binata. Minato.
"Sabi na, tama ako. May lahi nga tong hapon." Sa isip ni Carina, kaya pala mejo interesado s'ya kay Kira ay sa kadahilaang kalahi ni Kira ang celebrity crush n'ya na si Jun Matsumoto. Bagama't malayo ang itsura ng binata sa hinahangaang Japanese celebrity, ay mukhang makakasundo ni Carina si Kira.
Ngunit matapos s'yang i-add ni Kira ay madalang n'ya ito nakikitang online. "Malamang wala silang PC sa bahay." Ang naisip ni Carina.
Araw-araw nakakatanggap ng text si Carina sa bagong kakilalang si Danilo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nakakatanggap ng text mula kay Kira. At ilang araw pa ang lumipas bago mangyari ang hindi inaasahan.
Magka-usap noon sa telepono sila Carina at Emily. Nagkukulitan, nagtatawanan at nakukwentuhan tungkol kay Joey. Abot-abot ang pagkimkim ni Carina ng kilig sa kadahilanang gusto rin ni Emily si Joey. Pero inamin naman din ni Carina kay Emily na crush n'ya ang binatang gitarista.
"Itext mo nga to, Carina." Ang utos ni Emily sa kabilang linya.
"Alin?"
"I-save mo yung number tapos ifo-forward ko sa'yo yung itetext mo." Dagdag pa ni Emily.
"Sige sige. Sino ba yan?"
"...Si... Joey..."
"Ay sige sige! Hahaha!" Wala pa kasing number ni Joey si Carina kaya't tinanggap n'ya ang utos ni Emili.
"Eto 09272740531"
Matapos iconfirm ni Carina at i-save sa phonebook n'ya ay hinintay n'ya mula kay Emily ang text na ifo-forward n'ya kay Joey.
"Eowz pwhouz. pw3d3 pwouz qit4 txtm8z ajejeje" At nang mabasa ito ni Carina, napabulalas s'ya sa sobrang tawa.
"Ano ba to Emily, hindi ko maintindihan!!! Nakakahiya namang i-text to kay Joey! Hahaha!"
"Okay lang 'yan, iforward mo na tas sabihin mo sakin pag nagreply."
Pagka-send ni Carina ng text sa number ni Joey, maya-maya pa'y nag-reply na ito.
"Xnu ka" Medyo ikinabigla ito ni Carina sapagkat sa pagkakakilala n'ya kay Joey ay hindi ito ganun magsalita.
"Emily shi-no raw ako hahaha, anong sasabihin ko?"
"Nagreply na? Teka wait mo, i-forward ko itetext mo." Ang sagot ni Emily sa kabilang linya.
At na-receive ni Carina ang ire-reply n'ya kay Joey. "e2 powz xi Car3nin4"
"Carenina ano raw?"
"Car3nin4 Quil4nt4ng ajejeje." Natawa si Carina sapagkat ginamit pa ni Emily ang apelyido ni Felix na gitaristang may asawa't anak na. Quilantang.
"HAUP KA EMILY" Ang reply ni Joey.
Nabigla at natawa ng kaunti ngunit nangingibabaw ang pagkabigla ni Carina sa reply ni Joey at nagduda na sya.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ni X and Y at ang Teoryang Yin-Yang
Roman d'amourThis story aims to determine how love appeared between X and Y using the yin-yang theory. Yes, parang thesis lang.