Labis na na-e-excite si Carina para sa pre-valentine gimik nila ni Emily, Danilo, Anabel, Marian at Kira sa Timog. Isa na naman itong gabi katulad ng una nilang pagkakilala ni Kira. Puno ng kulitan, tawanan, kilig at butterflies. Ngunit alam ng dalaga na iba na ngayon sapagkat totoo nang malapit sila ni Kira sa isa’t isa. At ito na rin ang unang pagkakataong maipapakilala ni Carina si Kira sa kanyang matalik na kaibigan at kaklaseng si Marian.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Hindi nakasama si Kira sa gimik dahil hindi ito pinayagan ng magulang. Si Kira ang panganay sa kanilang magkakapatid at buntis ngayon ang kanyang ina kaya’t kailangan nito ng makakasama sa bahay habang nasa trabaho pa ang kanyang tatay.
Labis na nalungkot si Carina dahil naramdaman n’yang hindi na mauulit pa ang saya na katulad ng naramdaman n’ya nung una silang gumimik. Nagpakita rin ng pagkadismaya at lungkot ang binatang si Kira dahil nais n’ya rin magsaya at magkasama sila Carina. Natapos ang gabi nang hindi na kay Joey nakatingin si Carina ngunit sa kanyang cellphone habang ka-text si Kira.
Nang umuwi si Emily ay inabot ni Carina ang isang pack ng oreo cookies na ipabibigay nito kay Kira.
Kinabukasan ay binigay naman ni Emily ang oreo cookies kay Kira noong nagkita sila sa klase. Gustong bumawi ni Kira kay Carina kaya’t tinext n’ya itong dumaan ng UST pagkatapos ng OJT na ginawa nga ni Carina. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi n’ya naabutan si Kira dahil ala-sais na ng gabi at pinapauwi na si Kira ng kanyang nanay. Labis na ikinalungkot ito ng dalaga. Kaya’t sa may Quadri ay kasama ni Emily si Carina at nakasimangot nitong tinitiis na huwag itext si Kira. Nais n’ya sanang magkita silang dalawa bago man lamang mag-Valentine’s day, kung hindi lang sana inubos ni Kira ang oras sa paglalaro ng DoTA kasama si Danilo edi sana alas-tres pa lamang ng hapon ay magkasama na sila at maaari na itong umuwi ng ala-sais ng gabi tulad ng nais ng nanay n’ya.
Bigla na lamang dumating si Danilo. May dala itong “Valentine Chipmunk on stick” na may hawak na puso at may nakalagay na “I Like You”. Inabot ito ni Danilo kay Carina ngunit hindi ito tinatanggap ng dalaga. Masama ang loob n’ya.
“Pinabibigay ni Kira. Sorry daw pinapauwi na kasi s’ya.” Ang sambit ni Danilo.
Hindi makapaniwala si Carina sa narinig. Hindi s’ya naniniwala kay Danilo.
“Galing nga kay Kira yan. Bakit naman kita bibigyan ng ganyan? Haha!” At inabot muli ni Danilo ang valentine gift kay Carina. Naluha ang dalaga. Sa totoo lang, ito pa lamang ang unang pagkakataon na makatanggap s’ya ng valentine gift mula sa isang lalakeng nagugustuhan n’ya. Kahit nagtatampo pa rin si Carina dahil hindi si Kira ang mismong nag-abot sa kanya ng valentine gift ay natuwa pa rin ito at kinilig. Tinext n’ya na si Kira.
“Sayo ba galing yun?”
“Alin?” Ang patay malisyang reply ni Kira. At nang dahil dito ay nagduda na naman si Carina.
“Alam mo na yun.” Ang sagot ng dalaga. Kung kay Kira nga iyon galing ay alam na nito ang tinutukoy ng dalaga. Kung pakana naman ito ni Danilo ay talagang isasauli n’ya ang valentine gift dahil ayaw n’yang pinag-ti-tripan.
“ou”Ang simple at patay malisya na namang sagot ng binata.
“Bakit mo ko binigyan nito?” Ang tanong ni Carina.
“Who knows…” Ang matalinhagang reply ng pa-mysterious effect na binata.
“Thank you :)”
Ngunit kahit masaya si Carina ay tila ba mayroong nangingibabaw na pakiramdam ng pagkalito at pagkatakot dito. Na-e-excite rin s’ya sa maaaring mangyari. Ngunit masyadong mapanlinlang ang mga kilos at salita ni Kira. Tila ba ang mga ito’y naglalaban at nagko-kontrahan. Hindi n’ya alam ang totoo.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ni X and Y at ang Teoryang Yin-Yang
RomanceThis story aims to determine how love appeared between X and Y using the yin-yang theory. Yes, parang thesis lang.