Chapter 5: A Step Back

51 0 0
                                    

Natapos ang sakit na nararamdaman ni Carina at ilang hakbang na rin ang naiusad nito palayo sa nag-iisang lalaking minamahal n’ya. Kahit na araw-araw n’ya pa rin itong naiisip ay pinilit mabuhay ni Carina sa kanyang kasalukuyan.

Mapait bawat sandaling nakakatanggap s’ya ng group message mula kay Kira ngunit ni isa ay walang pribadong mensahe para sa kanya. 

Marami na talagang nagbago sa buhay nilang dalawa. Si Carina ay ginugugol at binubuhos ang atensyon n’ya sa trabaho at sa pagtatapos ng sinusulat n’yang kwento habang si Kira naman ay binubuhos ang atensyon sa pag-aaral at pag-e-emo.

Nagkaroon ng bagong mga kaibigan si Carina, kasama na dito si Marline na nililigawan ni Danilo na nagkataong kakilala rin ni Kira. Naging masyadong malapit sa isa’t isa sina Marline at Carina hanggang sa naikwento na ng dalaga ang namagitan sa kanila ng binatang si Kira. 

Liban pa rito ay naging kasundo ni Carina ang nakababatang kapatid ni Kira na si Keanna. Nagsimula ito sa Facebook hanggang sa hiningi na ng dalagita kay Kira ang number ni Carina. Gusto ni Keanna na maging malapit kay Carina dahil alam n’yang napakabait na tao nito. Alam din ni Keanna na si Carina ang nagbigay sa kanyang Kuya Kira ng pocket watch na gustong gusto nito.

Dumating ang araw na nagpalibre sina Danilo at Marline kay Carina dahil sa pagkakaroon na nito ng trabaho. Agad ding pumayag si Carina at naglaan ng panlibre sa mga kaibigan dahil gusto n’ya na ring makita ang mga ito.

Nilibre n’ya ng lunch sa SM San Lazaro ang mga kaibigan matapos ang mga klase nito. Isang bagay ang kinabigla ni Carina ay ang makitang kasama ni Danilo ang binatang si Kira.

Tila ba bagong magkakilala lang sina Kira at Carina dahil hindi ito nag-uusap at nahihiya sa isa’t isa. Kapag may sasabihin si Carina ay kay Danilo n’ya ito dinidirekta at saka naman ipinapasa ni  Danilo kay Kira. Panay ngiti at pag-iwas ng tingin sa mata ang ginagawa nila Carina at Kira.

Marami ng nagbago kay Carina, ngayon ay mahaba, kulay itim at straight na ang buhok nito, mayroon na rin s’yang braces sa ngipin. Sa kabilang banda, si Kira naman ay ganun pa rin ang itsura, tila mas pumayat lamang.

Pumunta ng KFC sina Carina, Danilo at Marline ngunit nagpa-iwan si Kira sa Quantum at nagsabing susunod na lamang. Ramdam nila Danilo at Marline ang iwasan ng dalawa at sinabi ni Danilo na mukha silang tanga. 

Sa totoo lang, abut-abot man ang pagpigil ni Carina ay tuwang tuwa s’yang makitang muli si Kira. Gusto n’ya itong kausapin ngunit parang may pumipigil sa kanya dahil alam n’yang hindi na sila tulad ng dati.

Nang sumunod na si Kira sa KFC ay si Danilo at Marline lamang ang kinakausap n’ya at nang mapatingin ito sa mga mata ni Carina ay bigla s’yang umiwas at kumain na lamang. Pinuna ni Kira ang braces ni Carina. Mayaman na raw ito dahil may bakal na sa ngipin. Ngumiti lamang ang dalaga.

Ilang sandali pa ng pagka-ilang at pamumula ang lumipas at dumating na si Emily at nagpunta sila sa Quantum upang mag-videoke. Kumanta si Carina ng “Never Had a Dream Come True” na naging dahilan ng paghiyawan at tuksuhan ng mga kaklase at kaibigan ng binata dahil sa lyrics nitong “I never had a dream come true, till the day that I found you. Even though I pretend that I’ve moved on, you’ll always be my baby.” Ngunit binalewala lang ito ni Carina.

Pagkatapos nila sa Quantum ay nagpunta sina Emily, Danilo, Marline, Kira at Carina sa food court upang samahan si Emily sa pagkain. Walang habas sa panunukso si Emily kina Kira at Carina na naging dahilan ng pagkapikon ni Kira kay Emily. At dahil dito ay hindi na natuloy pa ang dapat sanang inuman nila sa beer garden sa Lawton, Manila. Sabi ni Kira kay Carina ay next time na lang.

Hinatid ni Danilo si Marline habang naiwan sina Emily, Kira at Carina sa food court. Ngunit di nagpapansinan ang tatlo kaya’t nagpaalam na si Kira kay Carina at sinabing pupunta na s’yang Quantum upang maglaro. Ngunit bago pa tuluyang humiwalay si Kira ay ibinalik ni Carina ang librong pinabasa sa kanya ng binata nuon na “The Inferno”. Matapos magpaalam, ay sinama ni Emily si Carina pauwi sa bahay n’ya upang makapagkwentuhan pa sila.

Umuulan ng matapos magkwentuhan sina Carina at Emily. Nagpaalam si Carina na uuwi na ito. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ng dalaga. Tuwa. Lungkot. Inis. Galit. 

Nang nasa byahe na ito pauwi ay bigla na lamang nag-text sa kanya si Kira. Tinatanong kung nakauwi na ba ito. Kung may payong ba itong dala dahil umuulan. Kung kumain na ba ito ng hapunan. Maraming matatamis na katanungan ang tinext ng binata sa dalaga. Dahilan upang malito na namang muli si Carina. Bakit? Anong pumasok sa isip si Kira at muli na naman s’yang nagiging sweet sa dalaga? Alam n’yang simula na ito ng panunumbalik ng samahan nilang dalawa. Ngunit anong nag-trigger kay Kira para gawin ito?

Sa hinaba haba ng paglalakad ni Carina palayo, it only takes her one step back para bumalik muli kay Kira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Istorya ni X and Y at ang Teoryang Yin-YangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon