Kadalasan pagsinabing "CONTRACT" sa trabaho agad ang naiisip natin ..
pero nakarinig ka na ba ng "LOVE CONTRACT"? dalawang taong napagkasunduan maging sila nang dahil sa isang kontrata .. si VIAN TYSON .. sa kabila ng maganda at maamong mukha, isa syang babaeng matapang, palaban at pranka. Pero kahit ganoon ang ugali niya, meron siyang tatlong maipagmamalaking mga kaibigan na tanggap kung ano pa man sya. Sila renz,kat at jiggs. Si CLARENZ JOY "Renz" BENJAMIN ang cum laude ng grupo, si KATHRINE "kat" CALDERON ang pinaka kikay-muse at chickadora sa grupo, at si JIAN GALE "jiggs" CHUA ang adviser/ate/nanay ng grupo. Pero ano ang magiging papel nilang tatlo sa LOVE CONTRACT ni vian ?
