CHAPTER 3

6 0 0
                                    

KINAUMAGAHAN. Sa may comedor, sabay-sabay na kumain ng almusal ang mga benjamin at si vian. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan si caleb pagkatapos ng pangyayari sa may kubo ng nakaraang gabi.

"So vian, mukhang pinuyat ka nanaman nito ni renz sa kwentuhan niyo last night." magiliw na sabi ni carlo.

"Hindi naman po tito, tyaka alam niyo naman po kami parang hindi nauubusan ng kwento pagnagkikita." sagot niya.

"hija mukhang namamaga ang mga mata mo? umiyak ka ba?" biglang tanong ni rea.

muntik nang masamig si vian.

"ah-eh tita hindi po, sa puyat lang po ito, almost 3am na rin po kasi ako dinalaw ng antok." pagkakaila niya.

tumango nalang ang ginang.

"oh, it's already 7:30am kelangan ko ng umalis." sabi ni carlo

"honey sasabay na ako at magkikita kami ni margie. wait kukunin ko lang ang bag ko." tukoy ni rea sa isa niyang amiga na kasosyo niya sa kanyang buy and sell shop.

sa may garahe.

"kayo muna ang bahala dito sa bahay renz,caleb at vian. gagabihin na ako ng uwi." bilin ni rea sa mga maiiwan sa bahay.

"of course mommy, ako ng bahala sa dalawang bata ito." sagot ni caleb.

"what ?! bata?! ewww kuya! mag-eeighteen na ako no." sabi ni renz.

"me too." dagdag niya.

nagkatawanan ang mag-asawa.

"osha! see you later guys" sabi ni carlo.

nang makaalis ang sinasakyan ng mag-asawa ay pumasok na ang tatlo sa loob ng bahay.

"so vian, anong plano natin for today?" tanong ni renz.

"i dunno." clueless na sagot niya.

"nuod nalang tayo ng dvd's." yaya ni caleb.

"tara!" pagsang-ayon ni renz sa kuya.

dumeretso ang tatlo sa second floor sa may guest room na ginawang home entertainment room. Habang nanunuod ay hindi maiwasan ni vian na mapasulyap kay caleb. at ganoon din naman si caleb. nasa gitna sya nito at ni renz. nakakailang sobra. sabi niya sa sarili.

nang matapos nila ang pangalawang movie ay tyaka niya lang napansin na nakatulog na pala si renz.

"grabe talaga, tinulugan nalang tayo. tsk! tulog mantika pa" naiiling na sabi niya at inayos ang pagkakahiga ni renz.

"sinabi mo pa" sagot ni renz.

"sino magluluto ng lunch?" tanong niya rito.

"ako nalang. tulungan mo nalang ako." sabi ni caleb.

"alright." sabi niya.

dumiretso na sila sa kusina. halos ito na ang gumawa ng lahat. Inayos nya nalang ang mesa para makakaen na sila. nagluto ito ng chicken curry at ang ni-request niyang pinakbet. Magkatabi sila ng inupuan. kung titignan siya parang normal lang pero deep inside her ..

nyerbiyos to the max!

HANEP VIAN, KAW NA TALAGA. BEST ACTRESS!

"vian.." basag ni caleb sa katahimikan.

nilingon niya ito.

"about last night."

"urgh! please caleb dont mention it. ayaw ko ng pagusapan pa yun." pigil niya rito.

"please wag mo naman akong itaboy agad."

"HALEERRR?! itinataboy? san banda caleb? eh right now nga i'm talking to you eh. so? asan ang bakas na itinataboy kita?"

"dyan, dyan ka magaling. mangbara."

"caleb ano bang gusto mo.?"

"pag usapan natin yung nangyari 4 years ago at yung kagabi."

"i dont want to."

"please.."

haissss basta talaga nag-please na ang loko hindi na siya makatanggi.

"okay."

after ng lunch ay inakyat niya saglit ang kaibigan niya sa entertainment room, tulog parin ito. nagdikit nalang siya ng note sa may likod ng pintuan.

renz, nasa kubo lang kami ng kuya mo. paggising mo, kumaen ka nalang. -vian

SA MAY KUBO, naghihintay na si caleb.

CALEB EASY! MAG-UUSAP LANG KAYO.

hindi mapakali si caleb, hindi niya rin alam kung bakit. kakausapin lang naman niya si vian tungkol kagabi, at mula pa kagabi hindi na mawala sa isip niya si vian. nang hindi sinasadya ay makalapit niya ito ng husto. Kung dati wala lang sanya na mayakap ito o yung malapit lang ito pero iba na ngayon. Tuwing napapalapit siya dito bumibilis ang tibok ng puso niya, para siyang napapasp. parang timang lang pero yun talaga nararamdaman niya. kanina nga sa entertainment room ay wala naman talaga sa pinapanuod nila ang atensyon niya, kundi nasa katabi niya- kay vian. wala siyang maintindihan. naputol ang pag-iisip niya ng matanaw si vian na lumabas na ng pinto. Habang papalapit ito ay titig na titig siya rito. Kumpara noon ay dalagang-dalaga na ito, kung titignan hindi aakalain na mag-eeighteen palang ito. Sa tantiya niya, nasa 5'5 or 5'6 ito,payat pero mas tamang sabihing slim, maputi ito, may pagka-singkit ng kaunti ang mga mata nito pero hindi sobra, maliit ang ilong pero matangos, mapupulang labi..

ano kayang pakiramdam ng mahalikan ang mga labing iyon? tanong niya sa sarili.

MAGTIGIL KA CALEB! saway ng isang bahagi ng isip niya.

napailing nalang siya. kung anu-ano naiisip niya.

nang hustong makalapit ito at makaupo ay huminga muna sya ng malalim.

"galit ka parin ba sakin?" panimula niya.

hindi agad nakapagsalita si vian.

"to be honest caleb, nang umalis ka ipinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ang pangyayaring iyon, pero heto ka, ibinabalik ulit ang parte ng buhay ko na iyon na ibinaon ko na sa hukay kasama ng pagmamahal ko sayo."

SINUNGALING! sigaw ng isip niya.

"i'm sorry .."

"no need, matagal na iyon."

"vian .."

"yes?"

"can you give me a second chance?"

"huh?"

"pwede ko bang ibalik ang pagmamahal mo sakin?"

_____________________________________________________________

abangan ang magiging sagot ni vian. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon