"ate anu ba?! paulit-ulit? sinabi na ngang ayaw ko eh!" sagot ni vian sa ate nyang si vera na kausap nya sa cellphone.
"vian! sa ayaw at sa gusto mo uuwi ka rito sa manila! tapos na yung binigay kong panahon sayo para sa paglalakwatsa mo!" sabi ni vera sa kabilang linya bago pinutol ang tawag.
"URGGGHH!!!!!!! ".
walang nagawa si vian kundi mag-empake na ng mga gamit niya para sa magbalik niya sa manila.
batas ang sasabihin ng ate nyang si vera. Palibhasa simula ng pumanaw ang mga magulang nila ay si vera na ang tumayong nanay at tatay kay vian. Halos isang dekada na mula ng mangyari ang hindi inaasahang trahedya na kumitil sa buhay ng kanilang mga magulang. Naupo saglig si vian ng maalala nanaman ang pangyayaring iyon. Malinaw pa sa kanyang memorya ang lahat.
--------
"MAMA! PAPA!" sigaw ni vian sa mga magulang na pasakay na ng tricycle..
"bunso papasok muna kami sa trabaho ni mama ha? magpakabait ka anak" sabi ni valerio na tatay ni vian.
"opo papa basta ba may pasalubong eh" sabi ni vian sa ama.
tumawa naman ang mag-asawa.
"ikaw talaga bunso . oh sige pag-uwi namin ng papa mo" sagot ni celine na nanay ni vian.
nang makasakay ng tricycle ang mag-asawa pumasok na sa loob ng bahay si vian.
"vian kumaen kana at ng mapaliguan na kita .."sabi ng ate niyang si vera.
KINAHAPUNAN. nag aabang na si vian sa pag-uwi ng mga magulang nila.
"ate bakit ang tagal nila mama at papa." tanong niya sa ate nya.
"kaya nga eh, kinakabahan na ko."sagot ni vera.
maya-may ay humahangos na pumasok sa kanilang bahay ang katrabaho ng kanyang mga magulang sa pabrika. "VERA! VIAN!" sigaw ni aling martha.
"Bakit ho aling martha? " tanong ni vera.
"naku, paano ko ba to sasabihin ... ang mama at papa niyo .... nadamay sa shoot out sa may labasan .. "sagot ni aling martha.
"diyos ko ! "sigaw ng ate niya na biglang napaiyak.
"Aling martha nasan na sila mama at papa?"tanong niya.
"vian ... wala na ang mga magulang niyo .. ikinalulungkot ko"sabi ng ale.
pagkarinig sa sinabi ni aling martha ay parang sinaksak si vian..
ang mama at papa nya ... wala na...
PAGKATAPOS ng libing ng mag-asawang tyson ay nagsimula ng magbago si vian , mula sa pagiging malambing na bata, papunta sa isang palaban at rebeldeng bata.
--------
Nagising si vian sa isang masamang panaginip. Gusto na niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyong ng buhay nya pero kahit anong gawin niya ay bumabalik at bumabalik parin.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na ng inukopa nyang kwarto si vian sa tagaytay.
mahaba-habang biyahe rin ang pag-uwi nya sa manila. tinext niya si renz,
Renz dyan ako didiretso saiyo ha? -vian
Sure! your always welcome here :) -renz
salamat renz -vian
AFTER 5 hours na byahe.
"VIAN! namiss kita girl!" sabi ni renz na niyakap ang kaibigan.
"LOKA! two weeks lang naman akong nawala" tumatawang tugon niya.
"ayy oo nga pala vian, nasa loob si kuya caleb. kauuwi niya lang galing sa hong kong. Matagal na rin since ng huli kayong nag-asaran ng isang yon" sabi ni renz.
biglang bumilis ang tibok ng puso niya, para siyang kakapusin..
LINTEK TALAGA SA TIMING, CALEB BENJAMIN! sigaw ng isip niya.
pag pasok palang sa pinto nila renz at vian ay sinalubong sila ng ngiting-ngiting si caleb.
"Long time no see vian. kamusta?"bati at tanong ni caleb.
____________________________________________________________________________
UP NEXT: ang pagkikitang muli nila caleb at vian. sino ba si caleb sa buhay ng ating vian ? :)
THANK YOU SOOOOOO MUCH guys :) <3 <3
abangan nyo po yung next chapter :)
