"MABUTI naman." sagot niya.
SH*T TALAGA!
"good to see you. Akin na yang bag mo at tara sa loob, nakapagluto na si mommy ng dinner."yaya ni caleb kay vian.
"ako ng bahala sa gamit ko kuya, at kelan ka pa naging gentleman pagdating sakin ha aber?" pigil ni vian kay caleb.
WOW HA! KUYA? SAN GALING YUN BRUHA?! sabi ng isip ni vian
WAG KANG EPAL, KELANGAN YUN. PROPS KUNG BAGA. sagot ng isa.
"ngayon lang at wag ka nang kumontra please" sagot ni caleb.
wala ng nagawa si vian kundi ipaubaya kay caleb ang gamit nya. magkasunod silang pumasok sa tahanan ng mga benjamin.
"ang weird" sabi ni renz.
"huh? ang alin?"tanong ni vian kay renz.
"kayo ni kuya haha. infairness, may improvement din palang maitutulong ang ibang environment kay kuya. This is the very first time he treated you nicely."sabi ni renz.
"siguro nga. yeah this is the first time" and i know the reason why. idagdag pa sana niya.
sa hapag, maganang kumaen ang pamilya kasama si vian. Hindi iba ang turing sakanya ng mga benjamin. Since elementary pa sila magkaibigan ni renz pati narin nila kat at jiggs. Simula ng mamatay ang mga magulang niya ay itinuring niya ng parang mama at papa sila tita rea at tito carlo. At ganoon din naman ang mag-asawa sa kanya, sabi nga ni tita rea ay parang nagkaroon siya ng tatlo pang anak na babae sa katauhan nila ni kat at jiggs.
"So hija, kamusta ang tagaytay? May mga cute guys ka bang na-meet?"tanong ni rea.
"ano bang klaseng tanong yan rea? masyado pang bata si vian para cute guys cute guys na pinagsasabi mo" kontra ni carlo sa biro ng asawa.
"napaka KJ mo talaga carlo, aba! sa gandang bata ni vian imposibleng walang nagtapon man lang ng tingin sakanya habang namamasyal siya sa tagaytay."sabi ni rea.
"kayo talaga tito carlo at tita rea, ang cute niyo po talaga mag-away. Marami pong umaligid pero wala sakanila ang gusto ko. Tyaka po ayaw ko muna ng sakit ng ulo. gusto ko ulo nila ang sumakit ng dahil sakin"nakangiting sagot ni vian
nagkatawanan ang mga nasa hapag.Pagkatapos maghapunan ay tumambay sila ni renz sa likod-bahay at nahiga sa may open air na kubo.
"ang saya talaga dito sainyo renz. Ito ang namiss ko sa manila."sabi ni vian.
"haha alam mo naman yon sila mommy at daddy. akala mo mga teenager kung maglambingan."sabi ni renz.
biglang tumunog ang cellphone niya. tinignan niya kung sino ang tumatawag , at nakita niyang rumehistro ang pangalan ng ate niya. sinenyasan niya si renz na tumahimik at sinagot niya na ang tawag.
"hello ate. Bakit?"tanong ni vian sa tumawag.
"vian ang usapan natin uuwi ka rito sa manila kahapon pa, pero bakit hindi ka pa umuuwi?"
"ate bakit pa atat na atat kang pauwiin ako dyan sa manila? tyaka bakasyon naman diba? kaya free akong pumunta kung san ko gustuhin."sabi ni vian sa iretableng boses.
"vian your still seventeen at nasa pangangalaga parin kita sa ayaw mo at sa gusto. vian alam mong ayaw kong nalalayo ka sakin ng sobrang tagal, kinakabahan ako na baka may mangyareng masama sayo. ikaw nalang ang pamilya ko at hindi ko isusugal ang nag-iisa kong kapatid para lang pagbigyan ang mga kapritso niya."mahabang paliwanag ni vera sa kapatid.