𝑻𝒊𝒏𝒕𝒂 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍
Nagsimula sa pagbating " Sa aking sinta"
Unang parirala pa lamang, ang pakiramdam ko'y 'di na maipinta
Ngiti at saya ang emosyong makikita
Sa liham na nilikha ng pinaghalong pagmamahal at tinta
Tumungo sa katawan ng liham
Liham na kaytagal kong inasam asam
Pangungusap na nagsasabing "Aking sinta, sa piling mo'y nangungulila"
Tila ba'y bawat letra at salita ay nakakapanghina
Napakahirap nga namang magmahal ng taong hindi mo laging kaharap
Ni ang ningning ng kanyang mga mata at samyo ng bawat hibla ng kanyang buhok ay 'di mo malanghap
Yakap na araw-araw mong nais malasap
Ang kanyang kariktan na oras-oras nais ng iyong mata'y masulyap
Patuloy sa pagbasa ng liham ng aking sinta
Naalala ang tunog ng siyudad na tila'y naging musika noong siya'y aking unang nakasama
Dumako sa huling pagbati ng liham,
Mga salitang " Nagmamahal, Ang iyong sinta"ang nabasa na tila'y nagpagaan ng pakiramdam
Matapos basahin ang natatanging liham
Nagmuni muni at ang lungkot ng pangungulila at ingay ng sariling isip ay pinatahan
Sabay bumulong sa kawalan"𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍, 𝒊𝒌𝒂𝒘 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒉𝒂𝒎 𝒏𝒂 𝒂𝒓𝒂𝒘-𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒃𝒖𝒌𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒕 '𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒔𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒔𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒅𝒂𝒎𝒂𝒏"
BINABASA MO ANG
Unspoken Rules For No One
PoetryAng mga tula ay sadyang nilikha upang tulungan ang mga pusong kaawa awa sa pamamagitan nito'y mapapawi ang luha ng mga pusong tilay sinapak,sinapak ng pag ibig na kahit alam naman na ang matatanggap na Sagot ay wala. Sa mga tula maaring kinakailanga...