Ako lang pala"
Isang gabi ako'y nagmuni muni
Inisip Isip ang bawat araw at gabi kong puno ng hapdi
Hapdi sa dibdib nang makita kong iba na ang iyong katabi😢
Iba na ang iyong ugali ibang iba ka na kumpara sa dati
Bawat araw na akoy nagsisipag sa pagaaral ika'y naman araw araw kang nanakit
Ang hirap makalimot sa hapdi ng pagibig sapagkat minuminuto ramdam ko ang presensya nyo
Presensya ng mga puso at bibig nyong puro matatamis na salita
Matatamis na salita na dati sa labi ko nagmumula ngayon sa iba naTinatanong ang sarili ano ang ngawa kong mali?
Ginawa kong lahat para mahalin ka
Akala ko mahal mo ako kasi mahal din kita
Pero ako lang pala😢
Nalaglag ako sa mga salitang namumutawi sa iyong bibig
Akala ko seryoso na Ako lang pala😢
Para sa akin totoo na pero sayo biruan lang pala
Mga unan na parang binasa ng ulan dahil sa mga luha ko na sinisimbolo na akoy talunanHoy puso tama na!Mahal tama na oras na para kalimutan ka
Ang sinulid pag nagakbuhol buhol dapat ng putulin gaya ng pagiibigan nating dalawa
Nangiwan ka kasi may mahal kang iba
Naniwala ako sa pagibig natin na biruan lang pala sayo
Sineryoso ko ang bawat araw na tayo ay naguusap
Sineryoso ko ang bawat momento na ating pinaplano para sa araw ng kasal ko at kasal mo
Pero mahal ako lang ang nagmahal
Gusto ko ng makalinot at alisin na ang poot dulot ng pagibig mong masalimoot
Mahal tama na
Dati Ako lang pala ang masaya
Ako lang pala ang nagseryoso at nagmukhang tanga bagkus mahal kita
Sabi ng pusot isip ko tama na
Mahal tama na
Dyan ka na sa iba
Ako lang ang nagmahal ako din ang nasaktan
Ako lang pala.
At sa iyong Paglisan,ni sa panaginip ayaw na kitang masilayan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Rules For No One
ŞiirAng mga tula ay sadyang nilikha upang tulungan ang mga pusong kaawa awa sa pamamagitan nito'y mapapawi ang luha ng mga pusong tilay sinapak,sinapak ng pag ibig na kahit alam naman na ang matatanggap na Sagot ay wala. Sa mga tula maaring kinakailanga...