PROLOGUE

10 1 0
                                    

''Hindi kana makakalayo pa sa aking piling, mag-sasama na rin tayo sa wakas, ikaw na ngayon ang aking REYNA'' sabi ng isang matipong lalaki habang hawak-hawak ang pisngi ng babae na napakaganda . Kakaiba ang kanilang kasuotan at sa aking paningin halos lahat sila ay medyo naglalabo sa aking harapan.

''Mag-sasama na tayo kamahalan at iyon ay aking ikinagagalak'' sabi ng babae na napakaganda ng boses tila isang anghel. Ngunit puno ng galit, pag-dudusa ang kanyang mata pero nangunguna parin ang malaking parte na nag-papahiwatig  na mahal niya talaga ang maginoo.

''kaytagal kong hinintay ang oras na ito, aking binibini . Hindi ko man maibibigay ang lahat ng mga bituin sa kalangitan , ang aking kapangyarihan sa trono ko at ang buong puso na aking pagmamay-ari ay buong buhay kung ibibigay sa iyo'' mabulaklak na sabi ng ginoo.

''Hindi kona kailan man kakailanganin ang mga bituin sa kalangitan kung na riyan ka sa aking harapan , masigla at buong puso akong minamahal . Kamahalan''  ngiting-ngiting tugon ng babae habang halos maiyak-iyak na

Napansin kung halos lahat ng tao rito ay tinatabuyan sila ng mga butil ng bigas at isinisigaw ang ''ipunyagi ang kamahalan''  at ''mabuhay ang bagong kasal''.

Muli kong binaling ang atensyon sa dalawang ikinakasal . Dahan-dahang inilalapit nila ang kanilang mga labi ngunit may lumapit na bata at may ini-abot na mga bulaklak na matitingkad ang kulay.. Ngumiti naman silang pareho.. At ibinalik ang kanila sana'y gagawin.

Dahan-dahang inilapit nila ang mga labi sa isa't - isa ngunit-----

*krinnngggg-krinnngggg*

Minulat ko ang aking mga mata at pinatay ang alarm clock .

Umupo ako sa kama at inunat ang ang aking paa at braso. Pinatung ko naman ang noo ko sa mga tuhod ko.

Habang ini-isip ang muli ko na namang na-paginipan! Parang isang LONG TIME LOVER na talagang nag-mamahalan ngunit parang puno ng kasinungalingan , pang-angkin at maka- sariling kapakanan ang nakapaligid sa kanila.

Pero bakit sa tuwing babangon ako, lahat na tauhan na nakikita ko sa panaginip ko ay nag-lalabo sa aking isip at hindi ko matandaan ang kanilang mga mukha , maliban sa isang ma-ginoong lalaki na medyo natatandaan ko pa ang mukha.

THE LONG TIME LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon