Pagdating namin dito sa bar simula kanina, halos sumabog na ako sa kaba ,dahil sa takot na mag-kita kami ni dad.
hindi naman ito ang unang punta ko sa bar, kadalasan nga mas madalas pa sa madalas mag-aya si sofia pumunta ng bar , kaya naman kami ni lyla sige lang ng sige.diba!! Ganun kami ka-supportive sa kanya. Bait talaga namin no!. Ang pinoproblema ko lang bagong bukas itong bar NAMIN, ay hindi pala bagong bukas na bar lang pala NIYA
Simula kasi nung lumayas ako sa bahay ni dad, hindi ko na tinanggap pa ang mga bigay niya simula ng bata pa ako , kasi pinag-trabauhan niya yun..
At ang trabaho niya ang nag-palayo sa amin ni mommy kay dad, para sa akin sapat ng mayaman lang kami noon pero dahil sa pagka-porsigido nya naging multi-billionaire ang pamilya namin.. Hindi naman sa buong mundo kundi sa buong asia lang naman na sinasakop na pati europe.
Ang problema ko lang ngayon dahil kakabukas,lang nitong bar na pagmamay-ari niya , baka nandito rin siya at isinisikaso ang iba pang mag-papalago nito.
'' c'mon na guys sa VIP room tayo!'' si sofia na ang laki ng ngiti, parang kinakalibutan ako sa ngiti niya ha!?
''c'mon . c'mon . The party lord is coming'' sabi lyla na nag-lalakad ng napaka bilis papunta sa VIP room, kami naman ni sofia ang mag-kasabay
''ang laki yata ng ngiti mo ?? In-love ka no??'' tanong ko rito habang tumataas ang mga kilay ko.
''hindi aa. Kung alam mo lang'' sabi nito at tumakbo na papunta sa VIP room at sinundan si lyla.
Ano kaya ang hindi ko pa alam??
Aba! Baka may pinaplano ang mga lintik na yun aa? Paano kaya kung isusurpresa nila ako ? Ano kaya ang magiging reaksiyon ko? dapat maganda parin ako no? At dapat hindi masyadong OA para naman hindi lumaki ang butas ng ilong ko .. Kasi kapag na-susurprise ako , yung bigla-bigla tala-- teka, teka ! Bakit ko ba inaalam ang magiging reaksyon ko?
Hindi ko naman birthday ? Wala naman akong jowa para may I-celebrate! Syaka no-boyfriend-since-birth to no!
Tinignan ko ang kalendaryo sa cellphone ko at laking pasalamat ko dahil hindi ito ang araw ng anibersaryo nila dad , dahil kung nagkataon baka dun ako ma-surprise.
Hindi ko na lang inintindi yung nginting nakaguhit sa mukha ni sofia kanina. Siguro inlove lang talaga at gusto mag sulo.
Papunta na ako sa may VIP ng makabunggo ko ang isa sa mga server nila dito.
''ay Ma'am sorry po!'' sabi nito at yumuko.
Tumango na lang ako at nagsimula ng lumakad. Pero bigla na lang nagsakita ulit ang server
''Ma'am tanggapin nyo po ito, paghihinging paumanhin ko na lang sa inyo!'' sabi nito sabay bigay sa akin ng isang basong tubig, inabot ko iyon at nakapang malamig pa ito.
''apologize accepted, mag-ingat ka na lang ulit ha!'' pagbibigay payo ko dito
''opo ma'am'' sabi nito ng nakayuko parin
''pero bakit tubig?'' sabi ko ng maalala ko iyon. Dahil kadalasan ang hawak ng mga server ay wine o kaya vodka.
Tumingin ito sa akin.
''mukha po kasing hindi kayo umiinom, sige po una na po ako at baka kinakailangan na po ako sa trabaho'' sa bagay tama naman siya. Hindi naman ako mahilig uminom.
Tumango ako rito at tuluyan na siyang umalis
Papunta na ako sa VIP para puntahan na sila lyla doon pero nabunggo na naman ako. Ano ba yan?! Panahon ko ba ngayon ng kabungguan? Pangalawa ko na tong nabunggo aa? Nananadya ba sila? O ako lang ang hindi tumutingin sa dinadaanan?
Inangat ko ang ulo ko kung sino man yung nabunggo ko at laking pasalamat ko at hindi natapon yung tubig na bigay sa akin kanina ng server.
At ang pag-angat ko ng ulo ang pinag-sisihan ko.
''d-dad?''
BINABASA MO ANG
THE LONG TIME LOVER
RomanceMany years ago, Merong dalawang tanging mag-kasintahan na nangako sa isa't-isa na kahit na sa makabagong buhay ay maipag-papatuloy pa nila ang kanilang pag-iibigan. Ngunit, pa-paano kung sa makabagong panahon ay pinagtagpo ulit sila ng tadhana? Maaa...