Ako si Kael

5.4K 43 13
                                    

(Mikael's POV)

I'm Mikael Reyes, 4th year highschool and a popular boy. Suplado at snober daw ako sabi ng mga tao at kakilala ko.

"anong type mo sa babae Kael?"

"Kael, punta ka sa party bukas sa house ha"

"kailan mo ba ako sasagutin Kael?"

Nag fake smile ako.

"isa-isa lang girls, di ko kayang sagutin kayong lahat kung sabay-sabay kayo", grabe naman tong mga babae na to, ang ingay-ingay, nakaka irita na.

"e, ikaw naman kase eh! Di mo pa sinasagot kahit ni isang tanong namin eh!", sabi nung isang girl na punong-puno ng make-up yung mukha na di ko kilala.

"wala kase ako sa mood ngayon girls, so sorry", pagpapalusot ko. Ayaw ko lang talaga ng maiingay na babae, lalo na yung mga di ko kilala.

"aw. . . well, do you want to be in the mood right now?", sabi nung isang girl na classmate ko ata, habang hinimas himas yung mukha ko. Jusko, wag mo ipasa ang germs mo sa akin.

"girls! Naglalaro si Rio ngayon ng basketball! Tara! Tingin tayo!", Biglang sigaw nung isang girl mula sa labas. Wow ha, kababaeng tao ang laki ng bunganga.

"si Rio daw!"

"OMG! Tingin tayo bilis!"

"gusto ko makita biceps niya!"

Pasunod-sunod na sigaw nung mga babae. Putek, ang ingay. Kung sisigaw sila, please lang, wag sa harapan ko!

Sabay-sabay silang tumakbo palabas. Ayun, mag-isa na ako. Nakatayo lang ako sa may sulok ng biglang dumating si Aries, bestfriend ko.

"yo, parts. Mag-isa ka ah. San yung mga linta mo?", sabi ni Aries habang inagbayan ako.

"ayun, umalis. Titingnan daw si Adala mag basketball", sabi ko naman habang kinoconnect yung earpods sa cellphone ko.

"oooh. . . your enemy huh? Tara, let's check it out"

"e alam mo naman palang enemy ko yun eh, tas gusto mo kong panoorin siyang magbasketball? Labo mo rin no?", painis kong sabi kay Aries tas nilagay ko na ang earpods ko sa tenga.

Tinanggal bigla ni Aries yung earpods mula sa ulo ko na kinagulat ko. Naman o.

"parts, come on. Ang OA mo. E mukhang tayo lang nga ang nandito eh, lahat ng tao nasa gym para manood"

Tumingin ako sa paligid. Oo nga naman. Mukhang kami lang dito.

"Akin na nga yan!", kinuha ko yung earpods mula kay Aries tas nilagay ko ulit sa tenga ko. Iniwan ko si Aries at lumabas ng room. Tumigil ako.

"O, anong hinihintay mo jan?"

Ngumiti si Aries.

"sabi ko na nga ba di ako matitiis ng parts ko". Inagbayan ako ni Aries at pumunta na kami sa gym.

Sa gym.

"Rio! I LOVE YOU!", sabi nung babaeng naka brace.

"AAAAAAAHHH!!! Rio!!", sabi nung babeng may banner na hawak.

"Rio!!! Akin ka nalang!!", sabinung isang bakla na naka side bangs.

Argh! Ang ingay. Nakaka irita.

Tumingin ako sa court at nakita ko ang department nila Adala na nangunguna. Ok, ikaw na. Ikaw na ang magaling mag basketball. Pasikat.

"parts, dito tayo upo", sabi ni Aries habang nakaturo sa isang sulok ng bleachers. Eto namang si Aries, kinarir ang "parts"

"wag mo nga akong tawaging 'parts', para tayong mag syota", naiinis kong sabi.

Tumawa lang si Aries. Loko to ah, buti bestfriend ko kundi pepektusan ko to.

Umupo na kami sa bleachers.

Nanood na kami ng game. Nakikinig parin ako sa music sa headset ko ng napatingin ako kay Adala na naglalaro.

Ewan ko ba kung bakit galit ako sa tao na to. Simula nung iwanan ako ng dating gf ko dahil sa kanya, kumukulo na ang dugo ko pag nakikita ko siya. Nakakabadtrip nga eh, dapat naka move on na ako pero ewan ko ba, naiinis parin ako pag nakikita ko siya.

Sumigaw yung mga tao sa gym. Buti nalang naka headset ako, di masyadong maingay. Naka puntos ata si Adala. Tumingin ako sa kanya na ngayong pinagkaguluhan dahil naka puntos siya.

And then suddenly.

Tumingin si Adala sa direksyon ko at nag smirk. Pucha! Alam kong para sa akin yun dahil sa akin siya naka tingin. Nanghahamon ba tong kutong lupa na to?!

Suntukan ata gusto nito eh!

Natapos na yung game at unting-unti nang nag alisan ang mga tao sa gym. Yung iba naman, lalo na ang mga girls, pumunta kay Adala para mag congratulate. OA ha, friendly game lang yun, di pa yun finals. Kung maka congratulate kayo kala nio nanalo na sa PBA. Tsk.

Nakaupo parin kami ni sa bleachers kasi tinatamad akong tumayo. Tamad me.

Tumitingin parin ako dun kina Adala, pero wala na yung mga girls, instead, nakita ko si Shane. Ang magndang si Shane. Bestfriend sila ni Adala, swerete ng mokong. Aaminin ko, may crush ako kay Shane, pero crush lang ha, di love. Corny ko.

Pinupunasan ni Shane ang pawis ni Adala gamit ang face towel, habang umiinom naman si Adala ng bottled water na dala ni Shane. Kung di mo nga sila kilala, aakalain mong mag syota sila.

"pre, baka malusaw si Shane", pabirong sabi ni Aries. Sinuntok ko siya ng mahina sa braso habang tumatawa (yung mahina lang ha).

And then nangyari nanaman.

Tiningnan nanaman niya ako, ni Adala habang umiinom ng tubig pagkatapos binaba niya ang bottle at tumitingin parin sa akin. Gago to ah. Gusto ata ng away.

"parts, gusto ata ng away yung enemy mo", sabi ni Aries. Ayan nanaman yung 'parts' niya. Pero wow ha, nabasa niya yung nasa isip ko.

"parts, tuturuan ko lang ng leksyon tong lalake na to, una ka ng umuwi", sabi ko kay Aries habang tumatayo na mula sa upuan ko. Nakisabay nalang din aki sa 'parts' ni Aries, di naman pala masam pakinggan.

"dude, wag mo masyadong bugbugin, baka pumanget", patawang sabi ni Aries at tuluyan ng lumabas ng gym.

Naglakad ako pababa ng bleachers at tiningnan ko si Adala ng walang emosyon. Tinitingnan di niya ako, pero iba yung tingin eh. Habang papalapit na ako sa kanya, mas nagiging malinaw sa akin yung mukha niya. Parang focus na focus pero may halong kapilyuhan. May something na weird akong naramdaman sa may balikat ko ng tumingin ako diretso kay Adala, ano ba yun? Ay ewan!

Tumigil ako sa harapan niya, nakatingin parin siya sa akin, si Shane naman, takang taka kung bakit ako nandito.

"look who's here, its mr. Suplado", sabi ni Adala with matchingsmirk smirk pa. Sabi nila mabait daw to, asan ba mabait dito? Yabang.

Pati si Shane ay nagulat din sa sinabai ni Adala. Parang may mali dito ah.

"kanina ka pa tingin ng tingin sa akin ah?", sabi ko with an emotionless face. Tatakutin ko tong mayabang na to.

"hm... di naman, kanina ko lang talaga kase napapansin ang malampa mong pangangatawan", sagot ni Adala na parang tuwa na tuwa sa sinabi niya. Pucha! Yabang nito ah! Ang pagkakaalam ko, ever in my life, never ko siyang kinausap o ininis siya. Yabang naman nito.

"sinong lampa?", tanong ko namalapit ng mainis.

"ikaw, di mo ba ako narinig?"

Aba, iba na to ah. Gusto na talaga ng away ang bakulaw na to.

"suntukan, gusto mo?", sabi ko ng seryoso, pikon na ako.

Na shock si Shane sa sinabi ko na nag resulta sa pag laki ng kanayng mata at tumingin siya kay Adala.

"dude, di ako warfreak", patawang sabi ni Adala, pikon na talaga ako, tumaas yung isang kilay ko sa sinabi niya.

"hm... what about, a basketball game?", sabi ni Adala na naka ngiti.

"basketball game?", pagtataka kong tanong.

"oo, to prove kung lampa ka talaga", sagot niya na tuwang tuwa. YABAAAAAAAAANG!

Ngumiti ako.

"bring it on"

Naka Stapler sa Puso Ko (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon